K A B A N A T A - 59

Start from the beginning
                                    

( Go ahead. )

Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking bahay, palibhasa ay nasanay ako sa probinsya.

Siguro, kung may ganitong klase ng bahay samin, baka araw-araw ng nandun yung mga kapitbahay niyo.

Yung sahig ay pwede ng gawing salamin sa sobrang kintab, may chandelier na katapat ng isang mesa.

Napatakip naman ako sa bibig ko ng masilayan ko ang isang malaking picture na nakadisplay sa likod ng inuupuan naming sofa.

Sobrang ganda ng kuha at paniguradong professional na photographer ang kumuha nito.

Ang kalahati nung litrato ay parang kinuhanan sa isang probinsya, samantalang yung kabila ay kuha sa isang siyudad.

Pero sa gitna ay dun mo makikita kung paano nagsama ang dalawang lugar na yun.

Sana balang araw, makakuha at makagawa rin ako ng isang litrato tular niyan.

"Magandang tanghali!" napatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng isang boses ng babae.

Agad na hinanap ng mga mata ko kung sino yung nagsalita at kusang nalaglag ang panga ko ng makita ko ang isang Ginang na dahan-dahan na bumababa sa mahabang hagdan.

Sabay kaming napatayo ni Kuya habang inaantay ang paglapit niya samin.

Nanlaki pa ang mga mata ko ng parehas kaming yakapin nung babae pagdating niya sa kinaroroonan namin.

"Zia questo è Earl e Verena loro sono fratelli e loro sono da Filippine," wika ni Gab.

( Aunt this is Earl and Verena they are siblings and they from the Philippines. )

"Ohh...So, welcome Earl and Verena to my house!" sabi niya sabay halakhak.

Hala! Ang saya naman niya.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy samin ng kapatid ko." panimula ni Kuya.

"Hay nako Hijo, wala pa sa talampakan niyo yung tulong ko sa inyo ngayon. Marami pa akong itutulong sa inyo, lalo na sa kapatid mo." nakangiting sabi nung Ginang sabay tingin saken.

Mabuti nalang at nagsasalita siya ng Tagalog. Hindi tulad ng isa diyan, pinadudugo yung ilong ko.

"Verena right? Come with me Hija, I will take you to your room. And you Earl, come with Gab, siya yung magdadala sayo sa magiging kwarto mo." saad niya sabay hawak sa pulsuhan ko at sinamahan ako paakyat sa may hagdan.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking pinto, binuksan niya yun at bumungad saken ang malawak na kwarto.

dO___ob

Buong bahay na yata namin ito, tapos magiging kwarto ko lang?!

Parang ayaw ko ilapat ang talampakan ko kasi baka madumihan.

"Come in Hija, wag kang mahiya. Sayo naman ito," sabi niya saka ako hinila ng tuluyan papasok ng kwarto.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya, siya may-ari eh.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now