"Gonzalez, what happened?" boses ni daddy iyon.  Kahit authoritative ay halata ko ang pag - aalala.

Pero hindi sila pinansin ni Mason at dire – diretso siyang lumapit sa akin. Binitiwan niya ang hawak na container at walang sabi – sabing niyakap niya ako ng mahigpit.

"I love you. I love you so much please remember that." His voice is cracking. Parang naiiyak.

Nanlalaki ang mata ko sa narinig na sinabi niya. Nakita kong nakatingin silang lahat sa akin. His parents, my parents. Lahat sila ay nagtataka kung bakit sinasabi sa akin ni Tim iyon.

Marahan siyang lumayo sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"I didn't give up on you. The moment I saw you, you are the only woman that I love. Even in afterlife it will always be you." And without a word, he kissed me just like the first time that we met.

Everything happened to us came back. The first time I saw him in the bar, the first time that we kissed, the first time that we made love, the moment he left me. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.

Nang lumayo siya sa akin ay ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko. "I love you." Muli niyang sabi at lumayo na sa akin tapos ay humarap sa gulat na gulat na mga magulang namin.

"Forgive me. For everything. Mom, dad. Forgive me for hurting you. Mr. and Mrs. Dimalanta, I am sorry for hurting your daughter." Umiiyak na sabi ni Tim.

"Mason, what the fuck is going on?" galit na ang boses ni dad.

Ngumiti lang si Tim at binalingan niya si Timmy tapos ay naupo sa harap ng anak ko.

"You take care of your mom and your dad for me, okay? I'll see you soon." Grabe ang luha ni Tim tapos ay tumayo at hindi na kami nilingon bago siya tuloy – tuloy na pumasok sa operating room. Mabilis na humabol si dad kay Tim pero mabilis na ini – lock ni Tim ang pinto.

"You fucking open this door, Gonzalez!" malakas na sigaw ni dad pero nakatingin lang sa amin si Tim mula sa glass window.  He gave us a faint smile before he went inside.

"The heart. The donor heart!" bulalas ng daddy ni Marco at dinampot ang container na dala ni Tim. Binuksan niya iyon at nakita namin na wala iyong laman.

"Oh my god!  Oh my god!" Tuluyan ng napahagulgol ang mommy ni Tim.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa realization ng ginawa ni Tim.

He is going to be Marco's heart donor!

---------------->>>>>>>>>

Mason's POV

Nagtayuan ang lahat ng mga doctor sa loob ng OR ng makita akong pumasok doon. Hindi nga naman ako puwedeng pumasok basta - basta sa loob ng operating room dahil sterile area dito. Ang dungis ng itsura ko. Ang dumi – dumi ko. Puwede kong ma – contaminate ang lahat ng gamit dito.

"Damn it, Mason! What are you doing here? Where is the donor heart?" tanong ni Dr. Uy sa akin.

"You're looking at it." Seryosong sagot ko. Hinubad ko ang suot kong t-shirt.

"What?" gulat na tanong niya.

"You're looking at your donor heart. Start now." At walang sabi – sabing nahiga ako sa operating table. Mabilis na naglayuan ang mga doctor at nurses sa akin. Lahat ay nabibigla sa ginawa ko.

"What the fuck are you doing?! No! Get off the table!" sigaw ni Dr. Uy sa akin.

Dinukot ko ang baril na nakasuksok sa bewang ko at itinutok ko sa kanya.

"Do it. Or do you want a messy one? Do you want to operate with brains scattered on your table?" Ngayon ay itinapat ko sa ulo ko ang baril. Nanlalaki ang mata ni Dr. Uy sa akin.

"Director Gonzalez, Mason, what is going on with you? Drop your gun." Nanginginig ang boses niya. Kinakalma ako. He cannot use any psychological crap to me. I am ready to die for Sebi.

"Just do this, Justine. I am ready." Nanatiling nakatutok sa ulo ko ang baril na hawak ko. I can pull the trigger anytime pero hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari kung bigla akong mamatay. I need to preserve my life para healthy pa rin ang donor heart na makukuha sa akin.

Parang iiyak na si Dr. Uy. "We will find another donor. Hindi ganito."

"My brother doesn't have next time. He needs this heart now."

"Mason, please. Listen. It's not that easy. You need –"

He stopped talking when he heard that I cocked my gun and it is still pointed at my head.

Alam kong hindi kikilos ang mga doctor na ito. Pagtatagalin lang nila at gagawa sila ng paraan para hindi matuloy ito. Hinanap ko sa mga table sa gilid ko ang gamot na alam kong ginagamit nilang sedative. I know what I will do. I got the syringe and took some sedative and inject it to myself. Minuto lang ang lilipas mawawalan na ako ng malay. At kapag naramdaman ko ng nagki – kick na ang gamot, that's time I'll pull the trigger.

"Jesus Christ, Mason. Stop. Please stop." Umiiyak na si Dr. Uy.

Pinilit kong imulat ang mata ko dahil parang nag – uulap na iyon. I can feel my head starting to become heavy but still pinipigilan ko. I need to be alert.

"Don't blame yourself, Justine. I wanted this. I've lived long enough hurting the ones I love so this will be the last time." Napapikit – pikit ako kasi inaantok na ako.

Hindi sumagot si Dr. Uy. Nakatingin lang siya sa akin. Tinitingnan ang mga taong nandoon sa paligid na pawang mga natataranta dahil sa nangyayari.

"Drug is kicking in. Tell my brother I love him."

I closed my eyes and a loud gunshot was the last thing I heard in my life.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWo Geschichten leben. Entdecke jetzt