K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)

Start from the beginning
                                    

"Tss, nakakahiya ka Russ! May hawak ka pang manok!" sita sa kanya nung isa.

"Lalo naman sayo Timothy, may sauce pa ng adobo yung kamay mo!" pang-aasar din sa kanya nito.

Habang yung isa ay pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi niya, siguro ay napansin niyang may mali din sa kanya.

Ang cute nila tignan.

d^___^b

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinapanood silang mag-asaran sa harapan ko.

"Aira! Come here!" napalingon ako sa taong tumawag sakin.

Si Ate Gia pala, may hawak siyang camera habang sinesenyasan akong lumapit sa kanya.

"Uhm, punta lang ako kay Ate Gia hah." paalam ko sa mga kaibigan ni Theron.

"Sure!" sabay-sabay nilang sagot.

Nakangiti naman akong pumunta kung saan naroroon sina Kuya at Ate Gia.

"Sama ka samin ng Kuya mo, may pupuntahan tayo." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Nginisian niya lang ako saka binato kay Kuya yung dala niyang packbag.

"Babe, tawagin mo na si Mang Berto para makapunta na tayo sa kabilang isla." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Ate Gia.

"Ano? Bakit tayo pupunta dun?"

"Diba mahilig ka sa pagkuha ng mga litrato? And you even told me na yun din ang kinukuha mo sa college."

Tumango nalang ako kaya kinurot niya naman ako sa pisngi ko.

"I'm sure, magugustuhan mo yung pupuntahan natin." sabi niya saka tinakpan ng panyo yung mata ko.

"Eh, bakit mo ako nilagyan nito?"

"Para surprise." bulong niya sakin hanggang sa marinig ko nalang ang paghampas ng alon sa pampang.

"Babe, buhatin mo si Aira. Baka mamaga pa yung paa niya kapag nabasa ng tubig." dinig kong utos ni Ate Gia kay Kuya.

Inalalayan naman ako ni Kuya na makasakay sa bangka hanggang sa maayos na akong makaupo.

Nilasap ko nalang ang sariwang hangin na nanunuot sa ilong ko, nakakaginahawa kasi ng pakiramdam.

Parang hinahaplos nito ang balat ko, kulang nalang liparin ako dahil sa lakas ng hangin.

d~v~b

Biro lang, hindi naman ako sobrang payat para liparin ng ganitong klase ng hangin.

Mag-gagabi na kasi kaya sadyang malakas ang alon at hangin sa tabing dagat.

Hindi ko na nabilang kung ilang oras na ang lumipas bago ko naramdamang binaba na ako ni Kuya mula sa bangka.

"Bibilang ako ng tatlo saka mo tanggalin yang takip mo sa mata." utos sakin ni Ate Gia.

Tumango naman ako saka nagsimulang ilagay ang kamay ko sa panyo para madali ko na itong matanggal mamaya.

"One,"

"Two..." bigla kong naalala si Theron ng marinig ko ang pagbibilang ni Ate Gia.

Aish! Tumigil ka nga Verena!

d>_____<b

"Three!" pagkarinig ko nun ay agad ko ng tinanggal sa pagkakatali yung panyo.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now