Chapter 12

9.1K 419 52
                                    

Nathan's POV

Bago kami umuwi, tumambay muna kami sa field at nagkwentuhan. Si Tyrone at Jey nagkwento about sa crushes nila. Mga lokong to babae na naman ang pinag uusapan. Si Charles at Kristoff naman about sa family nila, parehas kasi silang product ng broken family. Tas ako naman nagkwento, wala naman ako maisip na iba kaya kwinento ko yung napanood kong basketball kagabi. Tas tong si Patrick kanina pa nakangiti abot lagit ang ngiti niya.

Oo nga, naalala ko, nakita ko siya kanina kasama si Nathalie at bago daw niyang target. At yun nga, si Nathalie ang kwinento niya. Pinalista pa sa akin na isama ko daw sa Hunt List niya, alangan namang sabihin kong di pwede kasi kapatid ko, edi bokya kaming dalawa ni Nerd.

Naiinis ako sa ginawa ni Patrick sa kapatid ko, binully na nga, sinaktan pa, pinahiya na, pinaiyak pa. Ganyan kalupit yang bestfriend ko na yan. Wala e, mas naging malala pa nung naghiwalay sila ni Ariella.

Nagpaalam na ako sa kanila kasi nagtext na si Nathalie. Andyan na daw sundo namin.

Nasa sasakyan kami, at nag uusap tas biglang dumating si Kuya Arthur kaya di namin tinuloy, baka magsumbong kay mommy.

-----

Nasa bahay na kami at dumiretso kaming pareho sa kwarto ko para mag usap.

"Ituloy mo yung sinasabi mo kanina."

"Kuya naman e! Kasi naman si Patrick lagi na lang akong binubully e diko na napigilan kaya nasagot sagot ko na siya kanina. Lagi na pang kasing ganyan."

"Kaya nga, lagi siyang ganon at mas lalala pa ngayon kasi hindi lang siya mambubully sayo, yung grupo namin! At alam mo ba na kailangan kasama ako dun. Antigas kasi ng ulo mo e!"

"Sorry kuya."

"Oo na. Gagawan kong paraan, bihis ka na." nakayuko siya pero nakikita ko na umiiyak na siya. Iyakin pa naman yang kapatid ko na yan.

Nung makalabas siya, tinext ko si Kristoff. Alam kasi niya na kapatid ko si Nathalie na nasa top ng Hunt List namin ngayon.

To: Kristoff McCartney

Pre, ano na?

Sent.

Nagpatulong kasi ako kung paano namin maalis sa Hunt List si Nathalie.

1 new message from Kristoff McCartney

Wala pa pre e. Usap tayo bukas.

Hindi ko na siya nireplyan.

"Labas na kayo sa mga kwarto niyo. Anjan na ang mommy niyo, kakain na!" dinig kong sigaw ni yaya na nasa pagitan ng kwarto ko at kwarto ni Nathalie. Magkalapit lang kasi kaming kwarto.

Bumaba na kami para kumain. Nagkuwentuhan kami nila mommy habang kumakain.

"Ano mga anak, kumusta na ang school niyo? Nathalie, kumusta ang pag aaral?"

"Okay po mommy. Okay na okay." sabi niya sabay ngiti kay mommy.

"Good anak. E ikaw naman Nathan? Kumusta ang future Engineer ko?" nakangiting sabu ji mommy sabay wink sa akin.

"Mommy, okay lang ako or I should say okay lang ang pogi mong anak pati kaming anim, okay lang din." pagkasabi ko niyan biglang nasamid si Nathalie.

"Excuse me po mommy. Aral na po ako."

Umakyat na si Nathalie at tinuloy namin ang kuwentuhan ni mommy.

"Anak, don't you have any plans of having girlfriend, um,  I mean. It's been 3 years since you know, she left. I think it's time find another one, son."

Oo nga 3 years na since iniwan niya ako. Nagkagirlfriend naman ako pero diko sineseryoso, trip trip lang. Siya lang talaga yung kaisa isang babae na sineryoso ko tapos iniwanan pa ako. Naalala ko na naman. Sabay kaming naiwan ni Patrick ng mga girlfriend namin. Naalala ko nung tinatawan na lang namin yon dahil pareho kaming pinaglaruan ng tadhana.

Hindi ako makatulog, tinitigan ko lang ang kisame at malalim na nag isip. Si Nathalie, mahal na mahal siya ni Daddy kahit hindi namin siya totoong kadugo. I'm so proud of Nathalie, pero kailangan ko siyang ilihim sa nakararami para sa kaligtasan niya. Naalala ko pa bago mawala si daddy. Sa akin niya binilin si Nathalie. Sa lahat ng sinabi niya isa lang ang tumatak sa isipan ko, Hindi pwedeng malaman ni Nathalie kung sino siya at ang totoong pinanggalingan niya. Kailangan kong tuparin ang pinangako ko sa aking ama. Mahirap, lalo na ngayon na alam na ng isa sa mga kaibigan ko, si Kristoff.

Tinignan ko ang orasan, 1:04 AM na. Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog.

Author's Note:
Hello sa inyong lahat! Una, sorry kasi sobrang natagalan bago ang update. Masyado akong naging busy sa school at sa pagsusulat ng isa pang story ko. Nabasa ko lahat ng comments, at mga pinopost sa Message Board ko, na appreciate ko lahat at Thankyou guys for reading this story. Ita-try kong mag update every week since malapit naman ng magbakasyon. Please let me know what you think about this chapter. Share your thoughts at the comments. God bless! :)

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now