Chapter 33

7.2K 270 23
                                    

Chapter dedicated to trisha-13

Nathalie's POV

Matapos ang dalawang linggong sem-break, pasukan na naman. Hindi na ako umalis ng bahay simula nang makauwi galing sa Resort. Mas napapadalas na din ang pag atake ng mga sakit ko, dahil na din siguro sa dami ng iniisip ko.

Pinagbawalan na din ako ni kuya na lumapit at makipag-usap kay Patrick matapos ang pagkahimatay ko sa resort. Naalala ko ba lahat ng sinabi niya. Dumalaw isang beses si Patrick sa bahay upang mangamusta ngunit hindi ako pinayagan ni kuya na makita siya.

"Nathalie, your life is always in danger whenever you're with him. Ilang beses ka ng nagpassed out na kasama siya?" sigaw ni kuya na galit. Pilit kong sinasabi ni aksidente lang ang nangyari pero pinagpipilitan niya na si Patrick pa din daw ang may kasalanan.

"Kuya, it was all an accident." Inirapan niya ako mas lalo pang nagalit.

"Kaya ayaw kitang nae-expose kasi yang puso mo, hindi normal! Mahina yan! At pwede mong ikamatay yan at any moment. I'm just thinking what is good for you kaya makinig ka naman" tinignan niya ako at lumapit sa akin. "Nafall ka na ba?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. "Just stay away from him, para iwas sa gulo"

"Kuya, oo. I'm inlove with him" mahinang sagot ko.

"Hindi pa niya pinagbabayaran lahat ng ginawa niya sayo. Stay away from or else I'll do something bad. Ayaw mo naman sigurong mangyari yon." Sabi niya at umalis.

Siguro naman hindi niya gagawin yon, bestfriend sila diba? bulong ko sa sarili ko. Mahal ko na ba talaga siya? Ugh. Ang gulo.

"Hoy, tulala ka na naman girl. Ubusin mo na yang pagkain mo." Sabi ni Andrea at inabot sa akin ang fork.

"Andz, may nasabi ba si kuya sayo?" Tanong ko at kumain ng spag. Nag isip siya at umiling. Alam kong meron, hindi niyo lang sinasabi.

"Tungkol saan ba? Kung kay Patrick, wala naman. Speaking, totoo ba na mahal mo na din siya?" Nabulunan ako at kaagad na uminom. "Masyadong halata." Natatawang sabi niya.

"Hindi ko pa siya nakikita simula nung makabalik tayo." Mahinang sabi ko at huminga ng malalim.

"Oy oh, hinahanap niya. Nami-miss mo na?" Pang aasar niya. Kinurot ko ang kamay niya at tumawa.

"Miss agad? Diba pwedeng curious lang muna?" Pagkatapoa kumain, kaagad kaming pumunta sa susunod na klase.

Patrick's POV

Dalawang araw pagbalik namin, pinuntahan ako ni Nathaniel sa bahay at kinausap tungkol kay Nathalie.

"Just stay away from her kung gusto mo pa siyang makita sa matagal na panahon." Hinawakan ko ang kwelyo niya at hinila.

"It was an accident" sagot ko. Humalakhak siya at tinulak ako.

"She can die anytime. May butas ang puso niya. She can't undergo surgery yet kasi kailangan pa naming hanapin ang biological parents niya dahil required yon sa hospital sa California kung saan gagawin ang surgery. Bawal sa kaniya ang extreme emotions at isa ka sa mga pinanghuhugutan niya ng stress at saya kaya please. We can't afford to lost her." Napanganga ako sa sinabi niya at napaupo. Kaya pala mabilis siyang mapagod. Bakit hindi niya sinabi?
----

Papunta akong comfort room nang makita ko siya sa canteen kasama si Andrea. Ibang klase ka talaga nerd. Bulong ko sa sarili ko. Sinulyapan ko siya ulit bago tumuloy sa cr.

Ms. Nerd meets Mr. BullyOnde histórias criam vida. Descubra agora