Chapter 5

10.1K 446 14
                                    

Nathan's POV

Kakastart palang maglecture nung prof namin biglang nagring phone ko, di pa naman nakasilent kaya pinagtinginan tuloy nila ako. Nagexcuse ako sa prof para sagutin.

"O bakit? Nagkaklase ako." sabi ko kay Nathalie. Ano kayang problema nito.

Hindi siya sumasagot pero naririnig kong humihikbi siya. Umiiyak si Nathalie. Kahit lagi kong inaasar ko yun mahal ko naman yun no.

Tumakbo ako papuntang room nila, wala silang prof. Ang ingay ingay e. Hinanap ko siya dun, nagulat yung mga kaklase niya nung makita ako dun. Syempre diba, member ng Amazing Six biglang sumulpot sa room nila.

"Ummmm. What are you doing here kuya Nathaniel?" sabi nung isang mukhang mataray na nakapamewang pa. Siguro ito nagpaiyak sa kapatid ko.

Hindi ko siya pinansin, instead tinext ko si Nathalie at lumabas.

To: Nerdy Nathalie

Nasaan ka? Andito ako sa room mo. Kita tayo sa likod ng building niyo. Bilisan mo na.

Sent.

Mga 10 mins. dumating na siya.

"Bakit ka umiiyak? Ha?" sabi ko sa kanya habang pinupunasan luha niya. Hindi alam ng University nato na magkapatid kami except sa office. Ni barkada ko hindi alam e.

"Sila Althea po kuya."

"Sinong Althea ba yan?"

"Yung leader ng wonder girls. Yung mahabang buhok na rebonded na makapal ang make up at maputi."

"Ako na bahala. Sige na, Pumasok ka na." utos ko sa kanya. Sabi ko na nga ba e siya yun yung lumapit kanina sakin. Pumasok siyang room at bumalik na din akong room ko na nasa 4th floor pa.

"San ka ba galing ha? Umalis ka ng 25 mins? Wag mong sabihing dahil sa phone call yun." bulong na sabi ni Patrick na nasa tabi ko. Sa aming anim, kami lang magkaklase. Parehas kasi kaming CE ang course.

"Sa tabi tabi lang." sagot ko sa kanya at sinenyasan na tumahimik na siya.

----

Lunch break na. Pumunta kaming canteen, kaming Amazing Six. At sakto nakita ko dun yung Althea na yun kasama yung mga alipores nya.

Nilapitan ko siya at ewan ko sa mga mokong kong kaibigan at sinundan nila ako.

Althea's POV

Since nung pumasok si Nathan sa room namin, hindi na ako tumigil kakangiti. Omg. Crush ko kasi yun e. Kaming lima, crush namin yung anim na yun. O, perfect diba?

Anyways, naglalakad kami papuntang canteen at akalain mo nga naman ang tadhana. Nasa canteen ang Amazing Six. Syempre todo paganda kaming lima. Nagulat ako nung lumapit si Nathan sa table namin kasama yung barkada niya.

"Oy babae ka! Layuan mo si Nerd a." pagbabanta nito sa akin. Tsss. Akala ko  pa naman, pero wait, si nerd? As in Nathalie? But why? Diba nga grupo sila ng mambubully? Hayyss.

"Ha? Seriously? Kaano ano mo ba si nerd?" tanong ni Chelsey. Life saver, natameme ako sa kagwapuhan nya e.

"Wala. Kami lang ang may karapatang mambully sa university na to. At kayo! Magsilayas kayo sa teritoryo namin." sigaw niya sabay turo sa amin.

"Oo nga alam niyo ba na tuwing lunch break, kami lang ang dapat nandito? Trespassing kayo mga chaka doll" dagdag pa nung Patrick na yun.

Wow. Kami? Chaka Dolls? Ang ganda naman namin para maging chaka. Tse! Umalis na lang kami sa canteen at kumain na lang sa labas. Bwisit yung anim na yun, kala mo naman sa kanila tong school. Sabagay, kila Patrick nga pala tong school na to. Kakaasar akaal ko pa naman magiging friend na namin mga yun, mga snob pala e. Let's see, kala niyo a.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now