Chapter 17

8.9K 412 63
                                    

Chapter dedicated to xX_Shinigami_Xx & jorubash

Patrick's POV

Pagdating ng tatay ko sa bahay, kaagad ko siyang pinuntahan para makausap.

"Dad?" Tanong ko. Tinignan niya ako ng matagal. Sana naman pumayag na siya.

"I know what you want. Fine, make sure you'll never do that again specially sa babaeng yon." Sagot niya. Napangiti ako dahil sa wakas, makakalabas na ako dito sa pamamahay niya.

"Bigla ka yatang nagkaconcern kay Nerd?" Sabi ko.

"Magaan ang loob ko sa kaniya. And she's so kind. She doesn't deserve your attittude" Sagot niya. Umakyat ako ng kwarto pagkatapos naming mag usap. Kaagad akong nagbihis at bumaba din kaagad.

"Don't forget to thank her. Sabi niya sa akin, you did everything para mapatawad niya yong ginawa mo." Muling sabi ni daddy. Papunta ako sa school gym kung nasaan ang team ngayon. Pagkadating, nagulat ang lima at nagtawanan.

"The king is here, finally." Natatawang sabi ni Charles.

"Alright pre!" Sabi ni Jey sabay nakipag apir.

"Paano mo napapayag ang daddy mo?" Tanong ni Nathaniel. Napangiti ako sa tanong niya at inakbayan ko siya.

"Sabi ko naman kasi pre diba?" Sabi ko sabay tawa.

"Paano nga ba Pat?" Tanong ni Kristoff.

"He talked to the nerd. He wanted to make sure walang malalang nangyari sa kanya." Paliwanag ko. Ngumisi si Charles at humalakhak.

"Inutusan mo yung nerd para kasuapin ang daddy mo? Lupit mo pre! Balita ko she almost died dahil sa ginawa mo." Sabi ni Charles.  Pagkatapos ng kuwentuhan, nagsimula na kaming magpractice.

Nathalie's POV

Pagkatapos kong kausapin ang school president kahapon, para akong nabunutan ng tinik. Una, dahil sa wakas hindi na ako muling guguluhin ng anak niya. Pangalawa, dahil simula pagpasok ko ng office niya nanginginig na ako sa kaba.

Pagkatapos ng klase, sumama ako kay Andrea sa bahay nila para mapagsama at maayos na namin ang ginawa naming research project.

Pagdating sa subdivision nila, ang Forbes, nagpark kaagad ang driver nila sa mismong parking space ng mga nakatira sa subdivision.

"Dito nakatira si Patrick. Sa court din madalas nagkikita-kita ang amazing six." Sabi ni Andrea.

"Hay nako Andz, lagi ka sigurong nakamasid sa kanila." Sabi ko at tumawa.

"Alam mo ba 3 houses apart lang ang pagitan ng bahay namin at bahay nila Patrick?" Umiling ako.

"Noong nakaraang araw, I saw the whole team doon kina Patrick." Dagdag pa niya. Napangiti ako sa mga sinabi niya. Iba talaga magspy si Andrea, talagang inaalam niya lahat. Bulong ko sa sarili ko.

Pagdating sa bahay nila, nagpahanda siya kaagad ng meryenda. Pumunta kami sa kwarto niya at ibinaba ang mga gamit namin, kinuha niya ang laptop niya at kinuha ko din ang akin. Bumaba kami kaagad at sa sala gumawa.

"Andz, kukunin ko lang yung notebook ko, doon ko kasi sinulat yung arrangement." Tumango siya at ngumiti. Kaagad akong umakyat at natanaw sa glass wall ng hangdanan nila ang isang pamilyar na sasakyan. Kay Patrick.

Pagbaba ko, dala ko na ang notebook at phone ko. Nagfocus kami sa ginagawa namin hanggang sa natapos ito. Palubog na ang araw ng matapos namin ang project, inayos ko ang gamit ko para makauwi na.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now