Chapter 6

11K 437 7
                                    

Nathan's POV

Pagkatapos naming palayasin yung limang yun, bumalik kami sa table namin.

"Oy Nathan! Tapatin mo nga kami. Sino yung nerd na sinasabi nun?" sigaw na tanong ni Charles.

"Yun ba yung tumawag kanina na dahilan kung bakit ka kumaripas ng takbo?" dagdag pa ni Patrick. Eto na naman. Mga mokong na to talaga ang dadaldal.

"Sasama kayo kunwari alam niyo. Hahaha Akala niyong gagawin ko? Mangchix? Mga ugok! Wala yun, tumahimik na nga kayo. Gusto niyo maagawan ng role sa school na to?"

"Hindi!" sabay sabay nilang sigaw.

"Naman pala e. Tara na practice na tayo." aya ko sa kanila para di na magtanong pa.

Pumunta kaming gymnasium para magpractice ng basketball mabuti ng magpractice ng maaga para sure na Win ulit kami.

Wala kaming 1 hour na nagpapractice, nagexcuse si Patrick aalis daw tumawag kasi yung tatay niya na president ng school.

Nathalie's POV

Hindi ko alam pero hindi na ako masyadong binubully ng Wonder Girls, siguro tinakot sila ni kuya. Hayyys.

Nasa parking lot ako ng school, hinihintay ko sundo ko gagabihin daw kasi si kuya e. Habang naghihintay nagbasa muna ako ng novel "Eleanor and Park".

20 mins. na wala pa din yung sundo ko, napagdesisyunan ko na sa library muna tumambay. At sakto habang naglalakad ako, may nakabangga ako.

"Hey! Tignan mo nga dinadaanan mo! Wala ka bang mata?!" sigaw nito sa akin. Nakayuko padin ako hanggang ngayon, nagbabasa kasi ako habang naglalakad kaya diko siya napansin.

"Sorry po." sabi ko sa kanya.

"Sorry? Tsss. Hindi nakakagamot ang sorry!" sabi niya sabay angat ng ulo ko.

"Anlaki laki na nga ng salamin mo hindi mo pa ako nakita! Get out of my way stupid! Palibhasa kasi ignorante! Andumi tuloy ng damit ko" sigaw na sabi nito. At bago siya tumalikod, tinulak niya ako kaya nasubsob ako. 

Sino ba yung nilalang na yon? Makalait wagas! Akala mo naman kung sinong gwapo! Tas bigla siyang lumingon ulit. At namukhaan ko na siya. Wait, nakita ko na sya dati. Isip Nathalie. Mmmmm. Siya? Yung bestfriend ng kuya ko na tumawag sakin ng yaya? Yung Dakilang hari ng tagapagpaiyak sa school?  Siya nga! Ansama ng ugali. Tssss.

Hindi na ako pumunta ng library, tumakbo na ako palabas ng campus at nagtaxi na lang ako pauwi.

Pagdating sa bahay, nagbihis ako tsaka pumunta sa sala. Mamaya pa naman ako mag aaral kaya manonood muna ako.

Binuksan ko yung tv at nilipat sa HBO, sakto yung isa sa mga paborito kong movie ang pinapalabas, 'The Fault in Our Stars'

"Anak! Kain na tayo, halika ka na." sigaw ni mommy na nasa kusina.

"Mamaya na po ako, tapusin ko muna to mommy."

Pumunta yung nanay ko sa sala tapos tumayo sa harapang kong nakapamewang.

"Nathalie Arbolleda, masamang paghintayin ang pagkain. Mag oovernight dito mga kaibigan ng kuya mo kaya halika na."

Ano daw? Ang Six pupunta sa bahay? Tssss. Na naman? Ba't ba paborito nilang tambayan tong pamamahay namin? Wala bang mga bahay mga yun.

Bumalik na ng kusina si mommy at sinundan ko siya. Sakto pagkaupo namin, may nagdoorbell.

Ding dong. Ding dong. Ding dong.

Nasa taas si yaya naglilinis kaya nung akmang tatayo ako para buksan yung pintuan..

"Ako na anak, kumain ka na jan." sabi ni mommy sabay tayo papuntang pintuan.

Binilisan kong kumain pero naabutan padin ako ni mommy buti nalang dumiretso muna sa taas sila kuya.

"Anak, nagmamadali ka? Hintayin natin sila kuya mo para naman makilala mo mga kaibigan niya." nakangising sabi ni mommy.

"Magbabasa po ako mommy e. Next time siguro."

"Anak, paano kung wala ng next time? Dito ka muna. Mamaya ka na mag-aral. Masyado ka ng masipag anak."

"Mommy naman e! May quiz ako bukas, ayokong bumagsak." sabi ko sabay subo ulit ng pagkain. Ang hirap din naman kasi tanggihan tong pagkain, ansarap e.

"Anak, e bat ka nanonood e may quiz ka pala?  wala kang quiz, kung ano anong nirarason mo. Umupo ka lang jan. Go eat." pagpipigil ni mommy sa akin. E sa ayo ko talaga magpakita sa Anim nagdahilan na nman ako kay mommy.

"Mom, CR lang ako ha?" sabi ko sabay tayo tas tinignan ako ng nanay ko ng masama.

"Kumakain yung tao e, sige na bilisan mo. Babalik ka ha?"

Dali dali na akong umakyat ng kwarto ko habang dipa nakakalabas sila kuya. Kinuha ko yung laptop ko tsaka ako nagFacebook, Twitter, at Instagram. Eto ang aral. 3 buwan na akong di nakakapagbukas ng accounts pano ba naman kasi, puro na lang ako libro. Pagkatapos nagkeme keme ng kung ano ano sa Internet, umidlip muna ako saglit.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now