Chapter 35

9.9K 406 219
                                    

Patrick's POV

Masaya ako dahil nasabi ko na kay Nathalie ang totoo, na mahal ko na siya. Hindi ko din namalayan na napayakap ako sa kaniya. I felt her heart beat. At sa pagkakataon na yon naramdaman ko na she feel the same way pero hindi niya lang masabi.

"Anak, nasa labas si Jerome kasama mommy niya" sabi ng kasambahay nila. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Ano na namang ginagawa niya dito?

"Wait lang." Sabi ni Nathalie. Pinigilan ko siya at nagpaalam.

"Baka importante. I'll go ahead." Sumabay ako sa kaniya at pagkabukas niya ng pintuan, nagtama ang mga mata namin ng bestfriend niya. Tinignan ko siya ng may pagbabanta at tuluyang umalis.
-----

Pagkatapos ng klase, nagkita-kita kaming anim sa tambayan.

"Anong emergency?" Tanong ni Charles at umupo.

"Patrick ano nga ba?" Tanong ni Tyrone.

"Hindi ako nagpapaunta sa inyo, wag niyo akong tanungin" sagot ko.

"Tungkol sa kapatid ni Kristoff na hinahanap nila dati, ipagpapatuloy na ulit nila ang paghahanap." Sabi ni Nathan. Tinignan ko si Kristoff na tahimik lang at mukhang lutang.

"Baka naman ayaw magpahanap kaya hanggang ngayon hindi pa nakikita" sabi ko. Pinatinginan nila ako ng masama. "Oo, tutulong ako"

"Kung may issues kayong dalawa pwede bang itigil niyo muna. Patrick pre, para kay Kristoff." Sabi ni Jey na kanina pa nagpipigil. Hindi ako nagreact at tumahimik na lang.

"Wala ng issues. Tapos na, panalo na siya." Sabi ni Kristoff. Pinagtiginan nila kaming lahat. Si Nathaniel ay parang walang emosyon ang tingin.

"I never lose. You can't beat me." tumayo ako at tinignan si Kristoff. "Wag kang mag alala, mahahanap mo din ang kapatid mo. I'll ask my father's connections." Sabi ko at umalis.

Habang naglalakad papunta sa office ng daddy ko, nahagip ng mga mata ko si Nathalie na may kausap sa cellphone. Nilapitan ko siya at ginulat.

"Ano ba?!!" Sigaw niya. Pinatay niya ang cellphone at nilagay sa bag niya. "Papatayin mo na ba ako?" Naiiritang tanong niya. Ngumisi ako at umiling.

"Sinong kausap mo?" Seryosong tanong ko. Bigla din siyang naging seryoso at tumahimik. "Sino nga?"

"Wala." Matamlay niyang sagot. Tinignan ko siya at hinawakan ang noo niya. "Aalis na ako, may klase pa kami" paalam niya. Pinitik ko ang noo niya at ngumiti.

"I love you" sabi ko at umalis.
----

"Dad" kaagad niyang tinigil ang ginagawa niya at ngumiti. Inalis ko ang bag ko at umupo.

"What is it son?" Sabi niya in a professional way. Wala naman sigurong masama kung humingi ako ng tulong sa kaniya.

"My friend needs help" sabi ko. Tinitigan niya ako at ngumisi.

"Kaibigan mo o ikaw?"

"Fine. I need your help" pinatong niya sa table ang hawak niyang folder at ngumiti.

"It's my pleasure to help my son. Tungkol saan ba?"

"Tungkol sa kapatid ni Kristoff. Check his files, nandon na lahat ng dapat mong malaman" tumayo ako at tumalikod.

"Son" hinarap ko ng tatay ko at ngumiti.

"Thank you in advance" sabi ko at umalis.
----

Ms. Nerd meets Mr. BullyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ