Chapter 15

8.3K 378 22
                                    

Chapter dedicated to ClaudineLobrigas.

Nathalie's POV

Siya na nga ang gustong tulungan siya pa masungit. Siguro noong umulan ng kayabangan at kasupladuhan, siya lang ang naglakas loob na sumalo lahat.

Umalis ako kaagad matapos niya akong sigawan. Bakit ko ba kasi siya kinausap? Bulong ko sa sarili ko. Dumaan ako sa shortcut papuntang subdivision para mas mapabilis. Hindi nila alam sa bahay na umalis ako kaya kailangan ko ding umuwi kaagad.

Habang naglalakad sa madilim na parte ng daanan, napansin ko na para bang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likuran, nakita ko ang tatlong lalaki. Sinubukan kong tumakbo pero hindi ko nagawa dahil kaagad na nahablot ng lalaki ang braso ko. Hawak hawak ako ng dalawang lalaki papunta sa isang eskinita. Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa dahil masyado silang malakas. Katapusan ko na ba Lord? bulong ko sa sarili ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Binalot ng takot ang buong katawan ko. Sinandal ako ng isang lalaki sa pader habang pinapanood lang siya ng dalawa niyang kasama. Anong gagawin nila sa akin?

Patrick's POV

Pagkatapos kong paluin ng kahoy ang mga lalaki, agad din silang natumba. Hinila ko si Nerd at dinala sa sasakyan.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Hindi siya nagsalita. Nanginginig siya at nakatulala. "Hey, listen to me. Anong ginawa nila sa 'yo?" Hindi siya ulit nagsalita. Tinignan niya ako na para bang humihingi ng tulong. Punong puno ng takot ang mga mata niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nag umpisang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Okay lang ako. Uuwi na ako, baka alam na nila na wala ako sa bahay." Sabi niya habang umiiyak at bumaba ng sasakyan.

"Sandali! Ihahatid na kita. Baka balikan ka pa ng mga yon." Pagpipigil ko sa kanya. Kaagad naman siyang bumalik sa loob ng sasakyan. "Saan ka ba nakatira?" Tanong ko.

"Sa Dynes Subdivision." Kaagad akong nagmaneho. Tama nga si Nathaniel. Siguro nga isa siya sa mga kapitbahay nila. "Thank you. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan. First for giving back my phone at sa pagsave mo sa akin." Pagbabasag niya sa katahimikan.

"Isipin mo na lang paraan ko ng pagsorry after what I did at school." Tumawa siya ng mahina. Anong problema ng babaeng to?  "What's so funny?" naiinis na tanong ko.

"Wala. Bakit ka nga ba galit sa akin? I mean, bakit mo ako binubully?" Tanong niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit nga ba?

"Hindi lang naman ikaw ang binubully ko. This is my life, masaya ako sa mga ginagawa ko." Sagot ko.

"Dito na ako. Salamat." Sabi niya pagkadating sa labas ng subdivision.

"May access ako dito sa subdivision niyo. Dito nakatira best buddy ko." Sagot ko. Pinasok ko ang sasakyan sa subdivision. "Saan ang bahay mo?"

"Dito na ako, please. Thank you." Bumaba siya sa garden ng subdivision. Mabilis siyang umalis at tumakbo. Napag-isipan ko na dumaan kina Nathaniel para makapaglabas ng sama ng loob pagkatapos akong sermonan ng tatay ko.

Pagkadating ko kina Nathaniel, nag doorbell ako. Hindi pa din ako pinagbubuksan pero dinig ko sa loob ng bahay nila na may sumisigaw. Si tita? Pinagbuksan ako ng kasambahay nila at nadatnan ko si Nathaniel sa kanilang sala na galit.

"Bro, okay ka lang? Narinig ko si tita na sumisigaw. Anong nangyari?" Tanong ko.

"Okay lang. Anong ginagawa mo dito? Gabi na."

"May dinaan kasi ako dito sa subdivision niyo. Dumaan na din ako baka sakali na gusto mong makinig." Sagot ko.

"Alam ko na. Sinermonan ka na naman ng tatay mo ano?!" Tumawa ako. Hindi pa din naaalis ang bakas ng galit sa mukha niya. "Tama ang tatay mo. Hindi ikaw to. Naiintindihan ko yang mga gawain mo pero yung umabot sa ganito? You embarassed that girl so much. Hindi mo man lang inalam kung may sakit ba siya o wala. She almost died, nawalan siya ng malay habang inaatake ng asthma niya. That's crucial dude."

"Pareho lang kayo ng tatay ko! Akala ko pa naman naiintindihan mo ako! Oo na Nathaniel! Gago na ako kung gago!" Kaagad akong umalis at lumayo.

Nathalie's POV

"Mom, kuya, sorry po." Sagot ko. Pagkadating ko, nakaabang na sila sa pintuan pinagsisigawan ako dahil sa galit. Kaagad din akong umakyat ng kwarto at sinundan ako ni mommy.

"Sorry mom." Sabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Next time sabihan mo kami ng kuya mo para masamahan ka namin, hindi yong umaalis ka ng walang paalam. Okay? Buti na lang at walang masamang nangyari sayo." Sabi niya. Tumango ako at niyakap siya pabalik. Mabuti na lang dumating si Patrick.

Isang buong araw sa school ang lumipas pero hindi ako ginulo ni Patrick. Usap usapan din sa school na hindi daw siya pumasok.

Busy ang lahat ng estudyante para sa papalapit na midterm exams. Ipinagpaliban din nina kuya ang practice at trainings nila ng team niya para makapagfocus sa pagrereview.

Habang naglalakad papunta ng parking area, may biglang dumukot sa akin at tinakpan ng panyo ang bibig ko. Ano na naman ba to? Sobrang ganda ko na ba para lagi  na lang mabiktima ng ganito? Nagpumiglas ako para makawala mula sa pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya dito.

Nang makarating kami sa old building ng school, pinaupo niya ako sa isang upuan sa loob ng isang abandonadong classroom. Tinanggal niya ang takip sa mukha niya at lumapit.

"Patrick?" mahinang sabi ko. 

"I'm sorry okay? I need a favor." Natahimik ako at yumuko. "Please. After nito hindi na kita guguluhin, o ibubully o ipapahiya. I will get rid of you at makakabalik ka na sa normal na buhay mo." Paliwanag niya.

"Ano ba yon?" Sagot ko.

"You need to meet my dad and tell him you're okay."

"At bakit? Para saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Siguro naman nabalitaan mo na hindi ako pumasok ngayon. Pinagbawalan ako ng dad ko na pumasok dahil sa ginawa ko sayo kahapon at sa nangyari kagabi. Makakapasok lang ulit ako kapag nakumpirma niya na okay ka lang at hindi malala ang nangyari sayo. At kapag nalaman niya na tumino na ako at inaayos ko na ang buhay ko." Paliwanag niya.

"You want me to lie?" Sabi ko. Tumawa siya ng mahina at kinuyom ang palad niya. Bakas sa mukha niya ang inis at galit.

"I saved you last night, siguro naman sapat na yon bilang kapalit ng maliit na bagay na hinihingi ko." Sabi niya. Naalala ko ang nangyari kagabi. Tama siya, maliit na bagay lang ang hinihingi niya kapalit ng pagligtas niya sa akin. Tumango ako at tumayo.

"Okay." Sagot ko. Umalis siya at iniwan ako sa lumang classroom. Kaagad din akong umalis at tumuloy sa parking area.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now