Chapter 24

7.8K 361 63
                                    

Chapter dedicated to AyGyu25

Patrick's POV

Pagkaalis ni Andrea, naghiwa- hiwalay na din kami para pumunta na sa aming mga klase. Habang nagkaklase, hindi ko maiwasang mag isip kung okay na ba si nerd. Nilabas ko ang phone ko at nagtext.

"Nerd, may sakit ka daw?" Tinype ko at sinend.

"Oo, dahil siguro 'to kahapon. Pero okay na ako. Thank you sa concern." Reply niya. Nakita ako ni Nathaniel na nasa kabilang row. Sinenyasan niya ako na makinig pero muli akong nagtext.

"Inatake ka daw ng asthma?" Reply ko.

"Ah, oo. Pero okay na ako. Hindi lang ako pinayagang pumasok ni mommy." Reply niya. Pagkatapos ng klase, pumunta kami ni Nathan sa caffeteria para kumain bago pumunta sa susunod na klase nang makita namin si Kristoff na nagmamadaling umalis.

"Saan ang lakad? Nagmamadali ka ata pre" sabi ni Nathaniel.

"Text na lang kita pre. Una na ako." sabi niya at umalis kaagad.

Pagkatapos lahat ng klase, nagtungo kami sa gym para sa practice. Nang makita ko na wala si Kristoff, nagpaalam ako kay coach at umalis. I want to know if she's really okay. Binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa Dynes. Pagdating sa bahay nila, isang pamilyar na sasakyan ang nakita ko. Kay Kristoff.

Nathalie's POV

Pagbaba ko para kumain, nakita ako ni yaya kaya pinabalik niya ako sa kwarto at dinalhan ng pagkain.

"Nasa baba po yung kaibigan mo. Pinaakyat ko na para hindi ka na bumaba." Sabi ni yaya at umalis. Akala ko si Andrea pero hindi pala.

"Hi. Notes niyo." Sabi niya at inabot ang notebook ni Andrea.

"Pinapabigay niya?" Tanong ko at ngmiti. Umiling siya at sumandal sa pintuan.

"Hindi. Hiniram ko talaga yan para makadalaw. Okay ka na?" Tanong niya. Tumango ako at inaya siya sa sala. "Okay na dito, saglit lang naman ako." Sagot niya.

"I insist. Samahan mo na lang akong kumain. Tara?" Tumango siya. Pumunta kami sa kusina at kumain. "Thank you sa concern pero okay na talaga ako."

"Edi maayos kung ganon. Ano bang nangyari? Inatake ka daw ulit ng asthma mo kagabi?" Sabi niya.

"Hindi lang asthma, inatake din siya sa puso. Halos mabaliw na nga nanay niya kagabi kasi hindi na niya alam kung gagawin kay Nathalie." Biglang sinabi ni yaya na naghuhugas.

"Ano?! May sakit ka sa puso?" Tanong ni Kristoff.

"Kalma. Okay na ako." Sagot ko at ngumiti.

"Haynako iho, may butas yong puso niya. Inborn na sakit niya kaya bawal siya sa madaming bagay." Muling sagot ni yaya.

"Ya, okay naman po ako." Sabi ko at sinenyasan na tumahimik. Tinignan ako ni Kristoff ng matalas.

"Ano bang nangyari kahapon?" Tanong niya.

"Naulanan ako, first time. Tapos nakalimutan kong uminom ng maintainance ko." Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin at kinurot ako sa noo.

"Sa susunod kasi, huwag kang makakalimutin. Mabuti na lang nothing bad happened bukod sa pag atake ng mga sakit mo. Be safe always." Sabi niya at ngumiti. Naputol ang usapan namin nang biglang may nagdoorbell. Kaagad umalis si yaya at pinagbuksan ang nagdoorbell.

"Hala anak, may isa ka pang bisita." Nakangiting sabi ni yaya at umalis.

"Nathal... Kristoff, nandito ka pala" sabi ni Patrick.

"Pre, dinaan ko yung notes ni Andrea." Nagtinginan sila ng ilang segundo at parang nag uusap gamit ang kanilang mga mata.

"Patrick, napadaan ka?" Tanong ko.

"I texted you. Gusto ko lang mangamusta." Sagot niya. I felt awkwardness while talking to the both of them. I feel the butterflies rambling in my stomach.

"Diba may klase ka pre?" Tanong ni Kristoff kay Patrick.

"Minor lang yon kaya it's okay." Sagot naman ni Patrick.

"Okay na ako guys." Sabi ko at ngumiti.

"Kumakain pala kayo. Aren't you going to invite me?" Sabi ni Patrick at ngumisi. Nagtinginan lang kami ni Kristoff at hindi nagsalita. "Nakakaistorbo ba ako?" Muli niyang tanong.

"Tara, kain tayo." Ngumisi siya ng nakakaloko at sinabayan kami ni Kristoff sa pagkain.

"I told you to take meds yesterday, antigas din kasi ng ulo mo." Sabi ni Patrick. Tinignan ako ni Kristoff na parang tinatanong kung ano ang sinasabi ng kaibigan niya.

"I forgot. Thank you sa concern niyo guys." Sabi ko at tinignan silang dalawa.

"Hm, Aly alis na ako. Thank you." pagpapaalam ni Kristoff. Tumango ako at ngumiti.

"Patrick, sandali lang ah? Hatid ko lang si Kristoff sa labas." Paalam ko kay Patrick. Tumango siya at sumunod ako kay Kristoff.

"Salamat sa notes at sa pagpunta. Ingat ka." Sabi ko at niyakap siya. "Thanks for being a good friend"

"You're always welcome. Take a rest. Get well soon daw pala sabi ni Andz." Sabi niya at umalis. Bumalik ako sa loob ng bahay para iligpit ang pinagkainan.

"Sobrang close niyo na pala ni Kristoff" sabi ni Patrick habang inaayos ang mga plato sa lamesa.

"Hindi naman sobra. Magaan siya sa loob kasama." Sabi ko. "Ako na dito, umupo ka lang diyan." kinuha ko ang plato na hawak niya.

"May yaya naman kayo, iutos mo na lang" sabi niya. Tinignan ko siya at nginitian.

"Kaya ko namang gawin. Hindi na kailangan." Sagot ko. Ngumisi siya at kinuha ang mga baso.

"You're really unbelievable." Sabi niya at tumawa.

"Anong nakakatawa? Palibhasa kasi ikaw inuutos mo lahat." Sagot ko.

"Hindi rin" tipid niyang sagot.

"Kamusta pala kayo ng tatay mo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Let's not talk about him" sabi niya. "Nathalie, can we be friends?" Tinignan niya ako. Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"We are already friends." Tinignan ko siya at ngumiti. "Bakit ang hirap mong patawarin ang tatay mo?" Muli kong tanong. Umupo siyang muli at humalakhak.

"Masyado kasing tumatak sa isipan ko lahat ng nangyari." Sagot niya.

"Learn to forgive." Sabi ko at ngumiti.

"You don't understand" sagot niya. Tinignan ko siya at tumayo ng nakapamewang sa harapan niya.

"Then let me understand." Sagot ko. Tumayo siya at ginulo ang buhok ko.

"Mahirap. Don't even dare." Sagot niya. "Alis na ako, baka madatnan ako ng kuya mo." Paalam niya. Hinatid ko siya sa labas ng bahay.

"Thank you sa pagdaan" sabi ko.

"I really came to visit you hindi para dumaan pero sige, welcome." Ngumisi siya at sumakay ng sasakyan niya. "Pahinga ka na." Sabi niya at umalis.

Kaagad akong bumalik sa bahay at humiga sa sofa. Anong nangyari? Bulong ko sa sarili ko.

"Alam mo anak, ang bait ng kaibigan mo." Sabi ni yaya.

"Sino po doon?" Sagot ko.

"Yung unang dumating" ngumiti ako at umupo.

"Ah, si Kristoff. I know po. He's a good man." Sagot ko at ngumiti.

Author's Note

Hello guys! Good evening sa inyo ♡ The heat is on na kay Patrick at Kristoff. Anong reaction niyo? #TeamPatrick or #TeamKristoff? Sino sa tingin niyo ang unang aamin? Please share your reactions sa comments. Don't forget to vote :). And please don't be a silent reader. Thank You so much! God bless you all!

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now