Chapter 2

14.2K 549 3
                                    

Nathalie's POV

Pagkatapos ko nagbihis, bumababa ako kaagad para kumain. As usual na routine namin ng kuya ko, gising-ligo-kain-alis. Pagkatapos kumain, sumakay na kaming kotse at nagpahatid.

"Kumusta naman kahapon ha Nathalie? Inasar ka ba? " sabi niya ng nakangisi habang nasa loob kami ng sasakyan.

"Wag kang mag alala kuya, hindi naman ako nabully naamaze nga sila nung kumanta ako e." proud na sabi ko sa kuya ko.

"Kahapon lang yan syempre first day mo. Tignan mo ngayon. Basta pag binully ka nila wag mo lang pansinin. Ako lang may karapatang ibully kapatid ko." sabi ng kuya ko sabay gulo sa buhok ko.

After 30 minutes nasa school na kami, maaga kasi kami umalis kaya pinabagalan ni kuya sa driver namin ang pagdadrive. Naunang bumaba sa sasakyan si kuya at hinintay kong maalis siya sa panangin ko saka ako bumaba.

Naglalakad ako papuntang room namin nung biglang may narinig akong sumisigaw.

"Nathalie!" sigaw nito. Teka, yung kaklase ko yan a yung magaling sumayaw. Tumigil ako para hintayin siya.

"Good Morning Nathalie! Tara sabay na tayo papuntang room." aya niya sa akin. Pero wait, diko maalala name niya.

"Ano nga ulit pangalan mo?" sabi ko sabay ngiti.

"Andrea. Andrea Benedicto. Friends?" seryoso? Gusto niya makipag kaibigan sa isang nerd at losyang na tulad ko?

"Siyempre naman no. Ang haba naman ng buhok ko para tanggihan ko ang dyosa na katulad mo. Sige friends. :)" 

"Yayyy may new friend nako. Matalino na talented pa." sabi niya sabay wink.

Sakto pagkadating namin sa room namin pumasok na din si Mrs. Perez. First subject namin Accounting. Nakakaganang mag aral, syempre favotite ko to e kaya nag Accountancy ako.

Tapos na first period, naglakad kami papuntang third floor nandun kasi yung next room namin para sa Math, mahal na mahal ko din subject na to.

"Uy Nathalie! Ambilis mo naman maglakad. Hintayin mo naman ako. Palibhasa naka flat shoes e." Pabirong sabi ni Andrea na hinihingal na.

"Bilisan mo kasi. Dali na Andz.Alam mo naman ayaw malate ng lola mo" sabi ko sabay hila sa kanya. 

"Oo na. Masisira beauty ko e, hila ka ng hila." nakapout na sabi niya. Si Andrea, maputi, maganda, tama lang ang height, sexy, mejo singkt, at curl na blonde ang buhok.

Binilisan naming maglakad. Akala ko late na kami, kami pa pala ang nauna sa room. 

------

Natapos ang lectures at naglunch break din. Nandito kami ngayon sa canteen ni Andrea nasa counter pa din siya hindi malaman laman kung anong bibilhin niya.

"Lipat tayong table Ali." nakangising sabi ni Andrea. Wow naman tong babaeng to. Gutom na nga kaming pareho, lilipat pang table. Anyways, lumipat kaming table kasi yung unang inupuan namin pang apat na tao e dalawa lang naman kami.

"Gusto mo sumabay sakin pag uwi mamaya?" aya nito sakin habang kami'y kumakain.

"Um, sorry Andz a may sundo kasi ako e."

"A sige girl, next time na lang. O tara na mag wa one na o." sabi niya sabay tingin sa relo niya.

After 2 hours tapos na ang afternoon class. Sabay kaming pumuntang gate ni Andz. At sakto pagdating namin andun na yung sundo ko.

"Oy nerd! Bilis na, sumakay ka na inaantok na'ko" narinig kong sigaw ni kuya na nasa loob ng sasakyan. Si kuya talaga. Nagpaalam na'ko kay Andz.

"Andz, una na ako a. Ingat ka."

"Wait girl! Sino yung sumigaw? May kaboses siya." Nako patay bawal pala makita si kuya na kasama ako. Ewan ko dun sa magaling kong kapatid sabi niya everytime na tinatanong ko 'basta' daw kasi pinoprotektahan ako. Hayys, if I know nahihiya lang yun na may kapatid na nerd.

"A yung driver namin yun." palusot ko kay Andz. Nginitian niya lang ako at tumalikod na at ako naman pumasok na ng sasakyan.

"Wow may kaibigan ka na nerd a." pang asar ni kuya sa akin.

Hindi na ako umimik hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Buong biyahe inaasar lang ako ng kuya ko.

------

Papasok kami ni kuya sa bahay. Nagulat ako kasi ang ingay. Paakyat akong hagdanan lumingon ako sa baba, kaya pala maingay yung mga kateam at the same time barkada niya nasa bahay namin. Umakyat  nakong kwarto ko para umidlip saglit umidlip ng saglit, si kuya naman dumiretso sa sala.

Ms. Nerd meets Mr. BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon