Chapter 14

8.3K 414 23
                                    

Nathalie's POV

Pagmulat ng mata ko nasa clinic na ako. Nahihilo pa din ako pero pinilit kong tumayo at maglakad.

"Nathalie ano ka ba! Get some rest. Sabi ng school nurse napalala daw yung nangyari kanina. Good thing nadala ka kaagad ng kuya mo dito para sa first aid." Sabi ni Andrea habang inaalalayan ako pabalik ng bed.

"Anong nangyari?" Nagulat siya at tinitigan ako.

"What?! Hindi mo alam? Patrick embarassed you in front of almost everyone!" Galit na galit na sabi niya. Tumawa ako ng mahina na ikinagulat niya.

"I mean, anong nangyari sa akin? Alam ko yung ginawa ni Patrick"

"Inatake ka ng asthma mo then you collapsed. Buti nga nandon si Nathaniel." kinuha niya ang phone niya at nagsimulang kalikutin.

"Anong sinabi ni kuya? Andz I have to go home." Tumango siya at nagdial. Ilang minuto ang lumipas, bumalik siya sa tabi ko.

"I called your brother, he's coming to get you." Niyakap ko siya bilang pasasalamat.

Pagdating ni kuya, inalalayan niya ako hanggang sa labas ng clinic. Tinulungan ako ng driver namin hanggang makalabas kami ng building at makarating sa parking lot. Nagpaalam ako kay Andrea tsaka kami umalis.

"Kuya, hindi po totoo na pinagkalat ko ang tungkol sa atin." Ngumiti lang siya.

"Sinabi naman niya sa akin na gawa gawa lang niya yon to embarass you. Pero kinukulit padin niya ako tungkol sa nangyari sa bahay noong nakita ka niya. He keeps on asking me kung bakit ka daw niya nakita sa bahay ko." Yumuko ako ng bahagya at hindi nagsalita. Alam ko na kahit maayos at kalmado ang pagkakasabi ni kuya ay galit siya. "I've already explained. Gumawa na lang ako ng dahilan para hindi na siya maghinala."

"I'm sorry kuya pati ikaw nadadamay. I can go to another school if you want para makaiwas na din sa gulo." Tinignan niya ako ng masama at hinawakan ang kamay ko.

"Nathalie, I'm your brother. Trust me, everything is going to be fine. Okay?" Tumango ako at niyakap siya. I'm so lucky to have a brother like him. Bulong ko sa sarili ko.

Hindi namin sinabi kay mommy ang nangyari sa school. Wala din siyang alam na binubully ako ng bestfriend ng kapatid ko. Walang alam ang mommy namin sa mga nangyayari sa school. Mas pinili na din naming hindi sabihin sa kaniya dahil alam namin ang kaya niyang gawin.

Pagkatapos maligo, naalala kong kailangan ko pa lang ipaalala kay Andrea ang tungkol sa group project namin sa Literature. Nang iche-check ko ang bag ko para kuhanin ang cellphone, laking gulat ko ng wala ito. Pumunta ako sa kwarto ni kuya upang itanong kung nasa kaniya ngunit sabi niya ay wala. Pinilit kong tandaan kung saan ko nilagay.

Patrick's POV

"Okay dad! I'm sorry! I was just making fun of her." Paliwanag ko sa tatay ko na kanina pa ako sinesermonan dahil sa ginawa ko sa school niya.

"Wala ka ng ginawang matino! Palagi mo na lang akong pinapahiya! Patrick, anak kailan ka ba titino? Please help yourself. This is not you."

"tsk. Dad, this is already me." Umakyat ako at nagkulong sa kwarto. Nobody in this house understands me.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko ngunit nagulat ako dahil ibang phone ito. Tinignan ko ang lock screen, may password. Tinignan kong muli ang isa pang bulsa at nandoon ang phone ko. Kanino 'tong isa? Pinatong ko sa study table ang cellphone at ako ay humiga. Makaraan ng ilang minuto, nagring ang cellphone.

"Hello?" Sagot ko.

"Hello. Please give me back my phone." Sagot ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa kabilang linya.

"I have no intention of getting your phone miss. I will give it back right away."

"Thank you. Can we meet sa park? Sa Forbes if its okay Mr."

"Okay." Binaba ko ang tawag at kaagad na umalis ng bahay. Nakita ako ng tatay ko na paalis ngunit hindi na siya nagsalita. Hindi ko maiwasang maluha nang maalala ko lahat ng memories namin ng mommy ko. I wish you were still here mom. Bulong ko sa sarili ko. Pagkadating ko sa park, nakita ko ang isang nakatalikod na babae na may mahabang buhok. Agad akong lumapit.

"Miss?" Mahinang tanong ko. Humarap siya at laking gulat ko nang makita ang dahilan kung bakit ako sinesermonan ng tatay ko. "Ikaw ba ang may ari ng phone?" Agad na tanong ko. Hindi siya nagsalita at tumango lang. Inabot ko ang cellphone sa kaniya. Ngumiti siya at kaagad na tumayo.

"Thank you." mahinang sabi siya.

"Sandali! Sure ka bang sayo talaga yang phone?" Muli kong tanong. Tumango lang ulit siya at tumalikod. "Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Oo, sa akin itong phone. Salamat sa oras na pagpunta dito para ibalik 'to sakin. Thank you." sagot niya. Napangiti ako. This nerd is really unbelievable. Sa lahat ng mga katulad niya na nakilala at nabully ko, siya lang ang may lakas ng loob magsalita at sagot sagutin ako after what I did to her.

"Nerd! Hindi ka ba galit?" Natatawang tanong ko. Muli siyang humarap at ngumiti.

"Sa totoo lang, hindi. Siguro kasi baka wala kang ibang magawa sa buhay mo bukod sa pagpapahiya ng ibang tao. Naiinis lang din siguro ako kasi muntik na akong mamatay kanina dahil sayo." Natahimik ako at napaupo sa isang bench. Tama siya, wala lang talaga akong ibang magawa sa buhay ko. Tama din ang daddy ko, hindi ako 'to pero kasalanan niya kung bakit ako naging ganito. "Okay ka lang?" Tanong niya mula sa hindi kalayuan. Inangat ko ng bahagya ang pagkakayuko ng ulo ko at tinignan siya.

"Oo, may naalala lang ako." Sagot ko. Bakit ko pa ba siya kinakausap?

"Alam mo, kung may problema ka ilabas mo. Hindi yung tinatago at iniipon mo sa loob mo. Baka mamaya bigla ka na lang sumabog. O di kaya, baka mamaya, ipahiya mo na naman ako sa school.

"Bakit mo ba ako sinesermonan ha? You're not my friend so don't act as if we're close. Umalis ka na." Sigaw ko sa kaniya. Agad siyang umalis at naglakad palayo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko at puro dilim na lang bumalot sa paligid. Wala siyang sasakyan?

Kaagad akong sumakay ng sasakyan at pinuntahan ang tinahak niyang direksyon. Madilim ang paligid at iilang street lights lang ang nakabukas. Binilisan ko ang pagmamaneho nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar babae na nakasandal sa isang pader kasama ang tatlong lalaki sa isang maliit na eskinita. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila at kaagad na pinalo ng isang kahoy ang isang lalaki at mga kasamahan niya.

Author's Note:
Waaaah! Hello guys! Good evening. Ito na ang nirerequest niyong update. Sorry napatagal, kakatapos lang kasi ng final exams. So ito na nga. Kinilig ako ng konti dito sa Chapter na ito. Ikaw ba? :) And wait, there's more sa mga susunod na chapter. Bukas I will post 2 chapters since bakasyon naman na. Guys, please Vote and share your comments about this chapter. Share kayo ng thoughts, ideas, at reactions niyo sa comment box. ;) Dont forget to follow me too. :)) God bless you all.

PS. Please dont be a silent reader. A simple comment or either your one vote will do. Thank you ♡

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now