Chapter 16

8.6K 378 22
                                    

Chapter dedicated to rozellericafortSandraAnasco & BeverlyHayahay

Nathaniel's POV

Pagkatapos ng nangyari kay Nathalie, hindi ko alam kung galit ba ako kay Patrick o galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para pigilan si Patrick sa ginawa niya.

Isang linggo na ang nakaraan simula ng mapagtaasan ko si Patrick at hanggang ngayon hindi pa din siya pumapasok at hindi pa kami nagkakausap. Naitanong ko na din sa ibang kaibigan namin ngunit pati sila hindi din nakakausap si Patrick. Ano kayang nangyari dun?

"Nathalie, may ginawa ba ulit si Patrick sa yo?" Sabi ko habang  tinutulungan siya sa pag aayos ng garden ni mommy.

"Hindi naman po kuya. Diba po sabi mo hindi pa siya pumapasok?" Tumango ako at inalis ang mga ligaw na damo.

"Baka grounded o pinagbawalan siya ng tatay niya." Mahinang sabi ko.

"Po?" Sagot ni Nathalie.

"Wala. Ikaw muna dito, sabihin mo na lang kay mommy magkikita kaming anim." Tumango siya. Umakyat ako papuntang kwarto at tinext ang buong tropa.

"Mga pre, court tayo. Sa Forbes, ASAP."

Kaagad akong umalis ng bahay at nagpunta sa court ng Forbes. Pagkadating ko, si Charles pa lang ang nandon. Sumunod si Tyrone, Jey at Kristoff sakay ng isang sasakyan. Naghintay pa kami ng ilang minuto pero hindi dumating si Patrick.

"Anong nangyari sa gung gong na yon?" Tanong ni Jey.

"Hindi ko alam, bigla na lang hindi nagparamdam." Sagot naman ni Tyrone.

"Ano nga palang pag uusapan natin Nathan?" Pag iiba ng usapan ni Kristoff.

"Pinag uusapan na natin." Nagtinginan ang apat. "Kailangan nating makausap si Patrick. Wala ni isa sa atin ang nakakaalam kung anong nangyari sa kaniya." Sabi ko.

"Puntahan kaya natin siya sa kanila." Sabi ni Charles.

"Charles' idea is great. Bakit hindi na lang narin siya puntahan? Siguro okay lang naman sa kanila diba?" Dagdag naman ni Kristoff.

Kaagad kaming nagtungo sa bahay nila Patrick upang tanungin kung bakit hindi siya pumapasok at nagpaparamdam sa amin. Pagkadating namin sa bahay nila, kaagad nagdoorbell si Tyrone. Sinalubong kami ng isa sa mga kasambahay nila.

"Si Patrick po?" Tanong ko. Kaagad kaming pinapasok ng kasambahay nila.

"Buti naman napadaan kayo dito, at buti na lang nakaalis na si Sir Arman." Sabi niya. "Tawagin ko lang si Patrick." Umalis siya kaagad at makaraan ang ilang saglit, numaba na si Patrick.

"Pre, nireregla ka? Di ka na lumalabas ng bahay niyo." Pabirong sabi ni Jey.

"Pasensya na mga pre, mahabang kwento. Buti na lang napadaan kayo." Sagot naman niya. Tinignan niya ako at ngumiti. "Nathan pre" lumapit ako at tinapik sa balikat.

"Grounded ka?" tanong ko.

"Parang ganon na nga, pero mas matindi pa dun." Humalakhak siya at umupo sa sofa. "Pinagbawalan akong umalis ng bahay, kinuha din ni dad ang phone ko. Kapag tumatakas ako, nabubugbog lang ako kaya mas okay na lang muna na dito ako sa bahay kaysa pati ako patayin ng tatay ko." Paliwanag niya.

"Drama mo pre." Sabi ni Charles. Nagtawanan lang kaming anim hanggang sa nabalot na ng katahimikan. Pagkatapos ikwento ni Patrick ang lahat, hindi ko mapigilang hindi magsalita.

"Huwag mong masamain pre, pero kailangan mo na talagang bawas bawasan ang kalokohan mo." Sabi ko. Ngumiti siya. Ngiting may ibang ibig sabihin.

"Don't worry mga pre, malapit na akong makawala dito sa bahay." Sabi niya.

"Siguraduhin mo lang Patrick, malapit na laro natin." Sabi ni Tyrone.

"Nga pala Kristoff, pahiram ako ng extra phone mo pre." Sabi ni Patrick kay Kristoff. Kaagad namang binigay ni Kristoff ang extra phone niya.

"Siguraduhin mo lang na hindi yan mahuhuli ng tatay mo." Bilin ni Kristoff. Umalis din kami pagkatapos at nagsi- uwian.

Nathalie's POV

Pagkatapos ayusin ang mga baging halaman sa graden ni mommy, kaagad akong pumunta nang kwarto ko at sinimulan ang project namin ni Andrea hanggang sa inabot na ako ng gabi sa kwarto.

"Anak, your kuya's here. Lumabas ka na, ready na ang dinner." Sigaw ni mommy mula sa pintuan.

"Susunod na po ako." Sagot ko. Pinatay ko ang laptop at kinuha ang phone ko sa table at bumaba.

Nang icheck ko ang phone, may isang text mula sa unknown number. Binuksan ko ito at binasa.

"Nerd, kailangan mo ng kausapin ang daddy ko bukas." Si Patrick.

"Sige." Type ko at sinend.

"Salamat." Reply niya. Napangiti ako sa text niya. Marunong din pala lng magpasalamat ang mga katulad niya. Bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos kumain, kaagad din akong umakyat at tinapos ang part ko sa project namin ni Andrea. Nadistract ako nang biglang magring ang phone ko.

"Hello?" Sabi ko.

"Nerd, bukas ng 5PM kailangan mong pumunta sa office ng school president." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko. Itinigil ko muna ang pagre-research at ako'y humiga.

"Tell him nothing bad happened to you dahil sa ginawa ko. Inis na inis na ako dito sa amin, gusto ko ng umalis." Sabi niya.

"Huwag kang mag-alala, sasabihin ko ang dapat kong sabihin." Ibababa ko na sana nang biglang siyang magsalita.

"Naiistorbo ba kita? Baka naman pwede pa tayong mag usap." Natigilan ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita kaagad.

"Kung sisirain mo lang ang araw ko, huwag na." Sagot ko. Dinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Anong nakakatawa?" Tanong ko.

"Wala. Dont worry I won'truin your day." Sagot niya.

"Bakit ba sobrang galit ka sa mga tao? At bakit ba sobrang hilig mo sirain ang buhay ng iba?" Tanong ko.

"Kasi siguro ayaw ko na ako lang ang may miserableng buhay, yung ako lang ang may magulong mundo." Sagot niya. Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"At bakit ka tumatawa?"

"Sabi mo kasi we're not friends pero heto ka ngayon, nagdadrama at sa akin pa." Sagot ko.

"Hindi ako nagdadrama nerd, nagsasabi ako ng totoo. My life is a chaos."

"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka naging ganiyan?" Tanong ko. Biglang pumasok ng kwarto si kuya at kaaga kong binaba ang tawag.

"Sinong kausap mo?" tanong ni kuya. Binulsa ko kaagad ang phone at umupo.

"Si Andrea po, sinabi ko lang na malapit na akong matapos sa research ko." I'm lying. Ngumiti si kuya at tumayo.

"Okay. Sige, tapusin mo na yang ginagawa mo." Sabi niya at umalis.

Muli kong chineck ang phone.

"Bakit mo ako binabaan? Iba ka talaga nerd. Alam mo bang wala pang ibang tao na binabaan ako ng tawag?" Text niya. Kaagad akomg nagtype at nagsend ng reply.

"Pumasok kapatid ko. Hindi niya pwedeng malaman na nakakausap kita."

"Ah fine. Bukas, 5 sharp meet my dad. Don't be late." Nagsend lang ako ng smiley face.

"Thank you, Nathalie. Muli niyang reply. Nilapag ko s study table ang phone at tinapos ang project namin.



WARNING!: PAKIBASA PO ANG AUTHOR'S NOTE SA SUSUNOD NA PAGE BAGO MAGCOMMENT. THANKYOU.

BABALA!: PAKIBASA PO ANG AUTHOR'S NOTE SA SUSUNOD NA PAGE BAGO MAGCOMMENT. THANKYOU.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now