Prologue

34.9K 882 57
                                    

Isang nerd, simple, baduy manamit, panget daw, walang pakialam sa nangyayari sa school niya, tahimik pero.. Matalino, mabait, mapagmahal, at talented.

Hari ng bullying sa SU. Pogi, famous, playboy, anak ng may ari ng Stonehurst University pero ubod daw ng sama ang ugali. Leader ng Anim, at co captain ng basketball team.

May mga pagkakataon na hindi natin inaasahan, at mga bagay na nangyayari na hindi naman ayon sa kagustuhan natin.

May mga kaganapan sa buhay na kung ano ang pinakaayaw mong dumating, yun ang dadating. Sabi nga nila, "You often meet your fate on a path you refuse to take."

Sa panahon ngayon, ang salitang PAG IBIG, madaming nagagawa. Kayang baguhin nito ang pagkatao natin. Kaya nitong gawin lahat, at magsakripisyo para sa taong mahal mo.

Isang araw, nagkakilala ang nerd at bully. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Paano kung isa sa kanila ay mahulog at bawal pala?

Paano nila malalagpasan lahat ng mga bawal at pagsubok sa buhay nilang dalawa? Sinong mahuhulog? si Bully? O si Nerd?

Ang buhay ng tao parang isang bisekleta, kung hindi mo alam kontrolin, mababangga at mahuhulog ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon nakokontrol natin ang buhay natin, minsan dahil sa puso at utak, ito ay nagkakagulo.

Madaming hahadlang, madami rin namang may gusto. Ano ang mangyayari? Paano nila kokontrolin ang mga buhay nila?

[A/N: Unang novel ko po. Sana po magustuhan, at suportahan natin. Maraming Salamat! God Bless po.]

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now