Chapter 37

5.5K 221 0
                                    

Patrick's POV

Hindi ako mapakali sa kung anong nangyari kahapon nang makita ko siyang naiiyak at nakayakap sa kaibigan niya.

Pagkaalis niya, kaagad akong tumayo at sinundan siya. Pinigilan ko siya bago pa man makapasok sa cr at hinila papuntang field. Sinandal ko siya sa isang puno at tinitigan.

"Nathalie, anong nangyari kahapon?" Seryosong tanong  habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Wala." Sagot niya habang umiiwas ng tingin.

"Look at me" utos ko sa kaniya pero mas yumuko siya.

"Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Mamaya na lang tayo mag usap." Sagot niya at nilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang kamay niya at binaba.

"Wag mo silang intindihin." Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kaniya at tinignan ako.

"Hindi mo naiintindihan." Seryosong sagot niya.

"Then let me understand. Makikinig naman ako. May kinalaman ba to sa nangyari kahapon?" Tumango siya at umupo sa damuhan. Tinabihan ko siya at hinintay na magsalita.

"Okay lang yon, kaya ko namang i-handle pero dahil sobrang kulit mo, sige. Sasabihin ko na, pero mangako ka na wala lang gagawin." Sagot niya. "Pinagbantaan ako ng isang kaklase ko dahil nalaman niya na nililigawan mo ako. Isa siya sa mga patay na patay sayo at hindi kayang makita ka na kasama mo ako. Sinabi niya na kailangan kitang layuan para hindi niya ituloy ang plano niya sakin." Paliwanag niya. Napangiti ako sa sinabi niya pero sa loob loob ko ay nag aapoy na ang galit ko.

"Sino ba yang babaeng yan?" Kalmadong tanong ko.

"Mangako ka muna na wala kang gagawin na kung ano." Sabi niya at tumango lang ako.

"Si Althea." Tipid na sagot niya. Tumayo ako at sumunod naman siya. Tinignan ko siya ng ilang sandali at hinila palapit sa akin. Niyakap ko siya na ikinagulat niya.

"Don't worry about other girls. Wag kang mag alala sa mga pagbabanta nila sayo, I will take care of it." Kumalas ako sa pagkakayap ko sa kaniya at tinignan siya sa mata. "May isang tanong lang ako para sayo."

"A---no?" Nauutal na sagot niya.

"May pag-asa ba akong makapasok sa puso mo?" Pinipilit niyang umiwas ng tingin pero sinusundan ko lang ang mga mata niya. "Nathalie, mahal mo din ba ako?"

"Patrick alam mo na ang isasagot ko diyan." Sabi niya at bahagyang umatras. Lumapit akong muli hanggang sa napasandal ulit siya sa puno. Nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kaniya at nakita ko ang bakas ng kaba sa mukha niya.

"Gusto kong marinig yung sagot mo." Mahinang sabi ko.

"Patrick." Natatarantang sagot niya. Napangiti ako at tinignan ang namumula niyang mukha.

"Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko."

"Patrick stop, nakakahiya andaming nakatingin" Sabi niya at pilit ang pag iwas ng tingin. Mas lumapit pa ako sa kaniya at pinatong ang dalawang kamay ko sa puno kung saan siya nakasandal.

"Nathalie, I love you. Mahal mo din ba ako?"

"You're unbelievable!" Natatawang sabi niya pero halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa magkadikit na ang mga noo namin.

"Yes, I am and I know that. Ngayon isang tanong pa, do you love me too?" Tinignan niya ako ng ilang segundo at muling naging kulay rosas ang mukha niya.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now