Chapter 19

8K 359 11
                                    

Patrick's POV

"Paano niyo nakilala yon?" Tanong ko sa kanilang apat. Hindi sila nagsalita dahil alam nila na galit ako. Alam ng buong tropa ang kaya kong gawin kapag galit ako.

"Kababata siya ni Nathaniel." Sagot ni Jey. kababata? Bakit wala man lang siyang nabanggit sa akin? Bulong ko sa sarili ko. "Nathan invited him." Dagdag pa niya. Umalis kaagad ako at tumakbo pauwi.

Habang tumatakbo, nakabangga ko ang isang babae. Nakakinit ng ulo.

"May mata ka diba? Use them!" Sigaw ko.

"Sorry" sabi niya tumalikod.

"Sandali! Andrea diba?" Tanong ko. Tumango lang siya.

"Kilala mo pala ako?" sabi niya. Humalakhak ako ng mahina.

"Yes I know you. You live near my house." Sagot ko.

"Okay." Sagot niya.

"Ikaw din yong kaibigan ni nerd." Dagdag ko. Tumango siya.

"Please stay away from her. Mamamatay siya ng maaga kapag hindi mo siya tinigilan." Mamamatay? Tumawa ako.

"Mamamatay? Ganon na lang ba kalala ang asthma?" Tanong ko.

"You're really rude. Hindi lang asthma ang sakit niya." Sabi niya at umalis.

Nang makauwi ako, kaagad kong nilagay ang phone ko sa lamesa at nagbihis. Magpasalamat ang ugok na yon at napigilan kami ni Jey kanina kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.
---

Pagkatapos ng last exam, kaagad kaming nagpunta ni Nathaniel sa school gym para makapagpractice kasama si Coach Mark para sa nalalapit na Basketball League.

"Nathan, usap tayo mamaya." Sabi ko at tumango siya. Pinagtinginan kami nina Charles, Tyrone, Jey, at ni Kristoff.

"Kalmang usapan lang mga pre." Sabi naman ni Tyrone. Nang bigyan kami ni Coach ng break, kaagad nagpunta ng cr si Kristoff at Nathan. Nagsintas ako ng sapatos at sumunod.

"Pre ang gulo na. Sa tingin mo kaya wala pang alam si Patrick?" Dinig kong sabi ni Kristoff na nasa loob ng cr. Nanatili ako sa labas at nakinig sa usapan nila.

"Hindi ko alam. Basta itikom mo lang yang bibig mo." Sagot ni Nathaniel. Anong pinag uusapan nila? Bulong ko sa sarili ko.

"Anong sinabi mo sa Jerome na yon?" Tanong ni Kristoff.

"Sinabi ko ang totoo. Pinaliwanag ko sa kaniya na walang nakakaalam sa school na kapatid ko si Nathalie maliban sa 'yo at sa mga professors." Sagot ni Nathaniel. Nagulat ako sa mga narinig ko. Kapatid niya si Nerd? Pero bakit kailangan niyang itago? Naguguluhan ako. Aalis na sana ako nang muling magsalita si Nathaniel.

"At sinabi ko din na kaya namin tinatago ay para din kay Nathalie." Muling sinabi nito. Umalis ako at hindi na tumuloy sa cr. Bumalik ako sa gym at nagpaalam kay coach at kaagad umalis.

Nathalie's POV

Pagkatapos sabihin ni kuya ang lahat kay Jerome humingi ito ng tawad dahil hindi niya alam. Nagsorry din siya sa akin nang ikuwento ko na tinigilan na ako ni Patrick at hindi na niya ako ginugulo.

"Guess I have to say sorry to him too." Sabi niya. Ngumiti lang ako. "Sorry for all the trouble" Nagpaalam siya at bumalik sa hotel.
---

Pagkatapos ng last exam, umalis kami ni Andrea at pumunta sa field. Umupo kami sa damuhan at nagkuwentuhan.

"Napansin ko hindi ka na ginugulo ni Patrick." Sabi niya. Tinitigan ko siya at ngumiti.

"Thank God." Sabi ko at tumawa siya.

"By the way, nakausap ko siya sa subdivision kahapon. Kilala niya pala ako." Sabi niya. Kinuwento niya ang nangyari daw kahapon. "He's rude pero he's nice din pala kahit papano."

"Oyy, you like him" sabi ko at tumawa.

"Shut up. Loyal ako sa kuya mo. Nathaniel forever." Sabi niya at tumawa.

"Lakas ng tama mo kay kuya ano?" Tanong ko. Ngumiti siya at kinurot ako sa pisngi. Nag-asaran lang kami hanggang sa tumawag ang sundo niya.

Pagkaalis ni Andrea, sumunod din ako. Dumaan ako sa tapat ng gym para mas mabilis. Habang naglalakad, hinanap ko ang phone ko sa bag para matext si kuya hanggang may nakabunggo ako.

"Are you blind?!" Sigaw ng isang pamilyar na boses habang pinupulot ko ang mga nahulog na libro ko. Tumayo ako at napaatras siya. "Nerd"

"Im sorry hindi kita nakita, I was looking for my phone." Paliwanag ko.

"It's okay." Sabi niya. Tumango ako at ngumiti at nagsimulang maglakad. Hindi pa ako nakalalayo nang lumabas si kuya mula sa gym at sinundan siya ni Kristoff at natigilan.

"Patrick, saan ka pupunta?" Sabi niya.

"May pupuntahan lang pre." Sagot ni Patrick. Umiwas ako ng tingin kay kuya at nahuli ko si Patrick na nakatingin sa akin. Naglakad ako palayo hanggang sa kasinliit ng langgam na lamang sila.

Kristoff's POV

Paglabas namin ng cr, biglang nawala si Patrick. Nagpaalam daw siya kay coach pero hindi sinabi kung saan pupunta. Hinabol siya ni Nathaniel at sumunod ako. Paano kung narinig niya? Tanong ko sa sarili ko.

Pagkalabs ng gym, bumungad sa amin sina Patrick at Nathalie. Kaagad kong tinignan si Nathaniel na parang natataranta. Kaagad ding umalis si Nathalie nang makita kami.

"Kristoff pakisabi na lang sa iba na may emergency." Sabi ni Patrick at umalis.

"Anong nangyari don?" tanong ko kay Nathaniel. Hindi siya sumagot at bumalik sa loob ng gym.

Pagkatapos ng practice, kaagad kaming umalis at nagsi uwian. Habang naglalalad papuntang parking area, nakita ko si Nathalie na nakaupo sa isang classroom na walang tao.

"Hey" sabi ko. Napaatras siya dahil sa gulat. Tumawa ako ng mahina at umupo sa tabi niya. "Don't worry, I won't eat you." Sabi ko at ngumiti siya.

"Hello." Bati niya.

"Kapatid mo si Nathaniel, I know. Don't be afraid. Your brother trusts me." Sabi ko. Tumango lang siya at may hinanap sa bag niya. "Umalis na kuya mo,baka hinihintay ka na niya." Dagdag ko. Kaagad niyang sinara ang zipper ng bag niya at tumayo.

"Thank you." Mahinang sinabi niya.

"Oh, papunta na din ako sa parking area. Sabay na tayo." Alok ko. Sabay kaming naglakad at hindi siya nagsalita hanggang sa makarating kami ng parking area.

Katulad din siya ni Nathaniel, magaan sa loob. Si Nathaniel ay masarap kasama. Hindi lang dahil sa mga kalokohan niya dahil din sa mga naituturo niya sa tropa. And I guess ganito din itong si Nathalie. She's just like Nathaniel. Shy type sa umpisa. Mahiyain si Nathaniel noon at halos walang kinakausap hanggang sa sumali siya sa Basketball Team at naging bestfriend niya si Patrick.

Si Patrick, ang weird niya. Napansin ng buong tropa na parang may nag-iba sa kaniya simula noong hindi siya pinalabas ng tatay niya sa bahay nila. Ano kayang nangyari? Bulong ko sa sarili ko at pinaandar ang sasakyan.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now