Chapter 4

10.9K 451 2
                                    

"Nathalie! Get up! Malelate ka na anak!" sigaw ni mommy na nakapamewang sa harapan ko.

Di na ako nagrespond kay mommy, pumunta na akong cr para makaligo na. After 20 mins. natapos na akong magbihis at kumain.

Nauna na daw si kuya baka daw kasi malate siya. Tss if I know, may meeting sila ng barkada niya. Ang late na din niyang umuwi kagabi mag wa 1 na ata, napasarap sa paglakwatsa.

Papasok na ako sa room namin, nagulat ako nung biglang may humila sa akin papuntang green field ng school.

"Waaaaaaa" sigaw ko.

"Tumahimik ka nga Ali. May hinihintay akong dumaan." Akala ko pa naman kung sino na to si Andz lang pala.

"Oo na. Sino ba kasi? Sinama mo pa ako. Sayang oras o magbabasa pa sana ako e."

"Puro ka libro. Ngayon lang 'to no nabalitaan ko kasi dito tumatambay ang "Amazing Six".

"Anong amazing six pinagsasasabi mo?"

"Shhhh. Anjan na sila o." Sabay turo.Tumingin ako sa tinuturo ni Andz ayun nakita ko si kuya isa dun kasama niya yung mga pumunta sa bahay kahapon.

"Sila yung Amazing six. Ampopogi diba lalo na yung si Patrick at yung Nathan."

Pogi nga naman sila lalo na kuya ko, pero yung Patrick daw? aba malay ko. Tinignan ko yung relo ko, 5 mins. na lang magbe-bell. Hindi na ako nagsalit at hinila ko nalang si Andz palayo. Hindi na din siya umimik kasi alam niyang may klase pa kami.

Sakto pagdating namin sa room namin wala pa yung prof. Nadatnan namin yung mga kaklase namin na nagchichismisan. Aga aga e, palibhasa mga chismoso't chismosa. Pumunta na ako sa upuan ko at nagbasa ng libro, si Andrea pumunta ng CR. Biglang lumapit sa akin yung 5 lumapit nung first day.

"Hey you nerd! Seems like you already have new friend huh? After 3 days, nagkafriend ka din. Hahaha." sabi nito sa akin na nakataas pa ang kilay. Hindi ko na lang sila pinansin. Tas bigla na lang niyang hinila yung buhaghag kong buhok.

"Hindi mo talaga ako papansinin e no?"

"E kung papansinin kita anong mapapala mo sakin?" sabi ko sa kanya. E nakakaasar naman ksi as if namang may magagawa ko pag kinausap ko siya diba.

"How dare you to answer me like that Panget!" 

Asan ba si Andz? Antagal naman magCR isang galon na ata nilabas e, at asan na ba Prof namin? Nu ba yan, kung minamalas nga naman o.

"O yan! Yan ang bagay sa mga hindi marunong igalang at walang respeto sa magaganda." sabi nung isa sabay subsob nila sa akin sa mga libro ko. Nagtawanan lahat ng kaklase ko at nagsisigawang ng 'nerd na lampa pa' 'loser' 'you don't belong here.'

Umiyak na lang ako at dahil sa sobrang hiya ko dahil pinagtatawanan nila akong lahat, Sana kasi diko nalang sinagot yung bruhang yun e. Pumunta akong CR at tinawagan ang kuya ko. Buti na lang absent yung prof namin.

Kuya Nathan

Dialling...

"O bakit? Nagkaklase ako." mahinang sabi ni kuya, halata na hinihinaan niya yung boses niya.

Hindi ako nagsasalita, umiiyak na lang ako.

Andrea's POV

Paglabas ko ng CR pinagkakaguluhan ng mga babae si Patrick, at dahil nga fan niya din ako, nakisyoso narin ako wala naman yung prof namin e.

"Oy mga babae tumabi kayo dadaan ang pinakamaganda" dinig ko sabi ng isang babae. Makapuri sa sarili wagas e no? GGSS lang te? Maganda pa nga ako sa kanya e. Anyway, lumapit pa ako para mas makita kung anong nangyayari.

Nagulat ako kasi si Patrick may binubully na naman, at masaklap binuhusan pa niya ng juice sa gitna ng madaming tao. Ba't ba ang hilig nito manggulo ng buhay no? Di bale na nga, pogi naman e. 

Umalis na ako at naglakad pabalik ng room namin nung bigla kong makita si Nathan na papasok sa room namin. Anong swerte ba meron ako ngayon at aga aga e nakikita ko sila. Siguro naakaswerte kung araw arawin ko na silang sulyapan sa may field. 

Mga ilang minuto lang e lumabas din siya kaagad. Kumaripas ako ng takbo papuntang room para itanong kung anong ginawa niya dun.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now