Chapter 7

10.5K 430 13
                                    

Kristoff's POV

"Pano yan mga pre, una na ako a" sabi ko sa kanilang apat. Wala na kasi si Patrick e, nauna na.

"Sige brad, Ingat ka baka mabangga ka pag nakakita ka ng chix." Sabi ni Charles saby tawa.

"Tumahimik ka nga Charles! Di ako katulad mo no. Hahahaha."

"Saglit lang mga pre, sabado naman bukas, what if overnight tayo samin? Para na din makapag plano tayo ng bagong strategies. " alok ni Nathan. Ano kayang nakain ng mokong na to? Tatlong taon na kaming magkakaibigan pero ngayon lang nagyaya ng overnight sa kanila.

Nagtinginan kaming apat tsaka sabay sabay tumango kay Nathan. Dumaan muna akong locker ko para kunin yung extra kong damit. Sila Nathan naman dumiretso na ng kanya kanya nilang sasakyan.

Pagdating ko sa Parking area, pinaandar na nila mga sasakyan nila kaya sumakay na din ako.

------

"Ako na magdoorbell." sabi ni Jey. Andito na kasi kami kila Nathan.

"Ako na." sabi naman ni Charles.

"Ano ba, pagdo doorbell lang pag aagawan pa? Ako na nga lang" sabi ni Nathan na nagpipigil tumawa.

Unang doorbell. Wala.

After 2 mins. Doorbell ulit. Wala na naman.

Pangatlong doorbell na ni Nathan tsaka palang bumukas yung pintuan. Hay buti naman, gutom na ako e.

"Magandang gabi po tita." bati ni Jey kay tita Natalia.

"Magandang gabi din sa inyo. Pasok na kayo, nakahanda na yung dinner."

Mas lalo tuloy akong ginutom. Ang bait ng nanay ni Nathan, ewan ko sa mokong na to kung saan niya nakuha yung ugali niya .

Pumasok na kaming bahay at amoy na amoy ko yung pagkain, nakakagutom. Inaya kami ni Nathan na umakyat muna para maibaba namin mga bag namin, tsaka para makapagbihis na rin.

Nauna akong natapos kaya lumabas muna ako, nagulat ako nung may nakita akong isang babae na papasok sa isang kwarto.

Sino kaya yun? Hayaan na nga, nauna na akong bumaba naiwan muna yung apat.

Calling...

Patrick Miller

[Hello pre! Napatawag ka?]

[Nasaan kayo?]

[Woah pre! Namiss mo na kami agad? Hahaha. Nasa lungga ni Nathan, overnight kami pre. Punta ka dali.]

[Anong nakain ng ugok na yan at papatulugin kayo sa lungga niya?]

[Aba malay ko. Haha. Nagulat nga din kami e. Andami mong tanong pre! Pupunta ka o pupunta ka?]

[sabi ko nga pupunta ako. Mga isang oras andiyan na ako. Tirhan niyo ng pagkain a, may dadaanan lang ako saglit]

Pagkasabi nun binaba na niya yung.phone.

Hindi muna ako dumiretsong kusina. Kahit gutom na gutom na ako, bumalik ako sa taas at habang papunta ng terrace, nakita ko si tita Natalia na galing sa kwartong pinasukan nung babae kanina. Nakakacurious naman.

Di na ako tumukoy instead bumalik ako sa sala. Nasa salas na kami ni tita Natalia, nagkuwentuhan lang kami. Sakto lumabas na din silang apat. Antagal nagbihis a 30 mins.

"O mamaya na ang kuwentuhan, kumain muna kayo. Masarap yung niluto ko." aya ni tita Natalia. Grabe, ambaet talaga. Wala pang tumatayo, nahihiya yata tung nga ugok na to.

"Anong inuupo upo niyo dyan mga tol? Kakain na daw. Tayo na. Susme alam ko hindi lang ako ang gutom dito." sabi ko sa kanila. Tumayo na rin sila at pumunta na kaming kusina.

At habang kumakain...

Nathalie's POV

Pagkatapos umidlip, chineck ko yung oras. 9:30 PM, maaga pa naman kaya binuksan ko yung TV dito sa kwarto ko para manood. Ngayon lang ako maghahayahay ng buhay kaya pagbigyan niyo 'ko. Kailangan din kasi ng utak ko magrelax kahit isang araw lang.

Nasa Climax na yung pinapanood ko, yung sa nakakaiyak na part. If I stay kasi to e sa libro palang nun todo na sa pagtulo luha ko movie pa kaya tas biglang

Phone Ringing.. [Over the horizon]

Hello?

Huy babae! Patulong naman ako bukas. Please.

Panira ka ng moment Andz. Alam mo ba yun? Ganda ganda ng palabas e. Teka, ano ulit yun?

Yan kasi! Di ka nakinig no? Hmp. Sabi ko patulong ako bukas.

Patulong saan?

Dun sa lesson sa math. Diko kasi nagets explanation ni Sir kanina e.

Sus. Palusot! Sabihin mo nagpapantasya ka kanina. Hahaha. Oo na. Sige na, nanood ako e. Ingat ka! Good Night na.

Salamat bestf! Himala ata nanood ka. Haha. Ge, good night na rin.

Call ended.

Nauhaw ako bigla at dahil wala namang ref sa kwarto ko, lumabas ako ng kwarto ko para uminom. Sana naman wala na yung mga maiingay na lalakeng mga yun sa baba.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now