Chapter 28 (Part Two)

7.1K 294 20
                                    

Nathan/Nathaniel's POV

"Nasa Batangas siya. Sige na, tuloy na natin practice." sabi ko sa kanila at nilahay ang phone sa bag. Bakit ba kasi sumama pa? Bulong ko sa sarili ko.

"Anong ginagawa niya doon? Alam niyang may practice tsaka siya aalis" naiinis na sabi ni Charles. Hindi nagpaalam si Kristoff na kahit isa man lang sana sa amin.

"Anong ginagawa niya don?" Tanong ni Patrick. Tinignan din ako ni Jey na parang nagtatanong din.

"Sinama siya ni Nathalie. Nawala sa isipan nila ang pracrice. Pero bukas babalik na si Kristoff para sa last practice" paliwanag ko. Tumingin si Patrick sa kawalan at umiling.

"That nerd" sabi niya at kinuha ang bola. "Uupo lang kayo?!" Sigaw niya. Kaagad tumayo ang iba at pumunta sa kanilang pwesto.

Paglubong ng araw, itinigil na namin ang practice at nag usap usap tungkol sa nalalapit na Tournament.

"We have to make sure that the trophy will never be taken from us." Sabi ko at tumango sila.

"Bukas kailangan maaga at kumpleto tayo para makasiguro" sabi ni Charles at tinignan niya ako.

"I have to go. Kayo na bahala." Sabi ni Patrick at kaagad umalis.

"Kanina pa beastmode si Patrick. Pansin niyo?" Sabi ni Charles. Sumang ayon si Jey at Tyrone.

"Don't mind him, lagi naman siyang ganyan." Sagot ko. Nagpaalam na din sila at umalis.

"Kristoff, you better be here tomorrow." Sabi ko sa kaniya na nasa kabilang linya.

"Oo pre. Pasensiya na talaga, nawala sa isip ko." Sagot niya.

"Kailangan nating mag usap pagdating mo."

"Tungkol saan?"

"Hindi saan. Kanino. Kailangan nating mag usap tungkol sa kapatid ko." Sabi ko at binabaan siya.

Nathalie's POV

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Kristoff na parang kanina pa natutulala. Tumango siya at humiga sa sofa. Nakatulog na si yaya Mel at Hanna kaya kaming dalawa na lang ang gising.

"Bukas ng maaga aalis na ako. Kailangan ako sa practice" sabi niya.

"Okay. You can come with me next time." Ngumiti ako at hinila ang kamay niya. "Since aalis ka na bukas, I want to show you something." Sabi ko at tumayo siya. Lumabas kami ng bahay at naglakad ng dire-diretso. Pumunta kami sa isang dagat na hindi kalayuan kina yaya Mel.

"Wow" sabi niya at humiga sa buhangin. Pinagmasdan namin ang mga bituin at dinama ang simoy ng hangin. Umupo si Kristoff at tinignan ako. "Tungkol sa narinig mo sa school. Totoo yun. I like you Nathalie." Sabi niya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Awkward?

"Why me of all the people? I mean, andaming naghahabol sayo sa school." Nahihiyang sagot ko. Tumawa siya ngmahina at ginulo ang buhok ko.

"You're unique. Naiiba ka sa kanila." Sagot niya. "I'm serious, I really like you. Kahit sinong lalaki kapag nakasama at nakilala ka, mahuhulog sayo. You're one of a kind." Dagdag pa niya. Yumuko ako ng bahagya at nilaro ang buhangin.

"Thank you but I'm not yet ready for all those stuffs." Sagot ko. Tinignan ko siya na nakangiti.

"It's okay. Im not expecting you to like me. I mean not now. I can wait." Sagot niya.

"Hindi naman mahirap mafall sayo. You're such a gentleman, you're good. I guess masyado pang maaga?" Tumango siya at tinulungan niya akong tumayo.

"I will wait, Aly. Tara na?" Umalis kami at bumalik sa bahay.

Nang malapit na kaming lumiko papunta sa bahay nila yaya Mel, isang pamilyar na sasakyan ang nakita namin. Lumapit si Kristoff at kaagad na lumabas si Patrick. Sinuntok niya si Kristoff pero naging kalmado lang siya. Nang muli siyang suntukin ni Patrick, kaagad akong lumapit para patigilin sila.

"You're not playing the game fair dude!" Sigaw ni Patrick. Ngumisi si Kristoff.

"I am being fair. Hindi mo lang matanggap na naunahan kita ngayon." Sagot ni Kristoff. Muli siyang susuntukin ni Patrick kaya pumagitna ako.

"Umalis ka dyan" sigaw niya sa akin. Biglang susugod si Kristoff kaya niyakap ko siya para pigilan.

"Anong ginagawa mo? Hanggang dito ba naman dadalhin mo ang gawain mo? Pati kaibigan mo papatayin mo na din ngayon?" Sigaw ko kay Patrick. Tumawa siya at hinila niya ako. Hinawakan naman ni Kristoff ang isang kamay ko.

"Let go" kalmadong sabi ni Kristoff kay Patrick pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"Ouch Patrick." Mahinang sabi ko. Tinignan ako ni Kristoff na galit.

"I said let go!" Sigaw ni Kristoff at sinuntok si Patrick kaya napabitaw ito sa pagkakahawak sakin.

"Stop! Please!" Sigaw ko. Hinila ko si Kristoff palayo pero nagpumiglas siya.

"Oh look! Saan kaya sila pupunta?!"  Natatawang sabi ni Patrick. Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa harapan niya.

"What do you think you are doing?" Sabi ko. Naging seryoso siya at hinawakan ang balikat ko.

"Im jealous wtf Nathalie!" natahamik ako. Nilingon ko si Kristoff na nakatayo sa likod at nakatingin sa amin. "Isn't in obvious? I like you!" muli kong tinignan si Kristoff. "Keep your eyes on me, Im talking to you."

"Please just leave." Sabi ko sa kaniya at kaagad niya akong binitawan.

"Kailangan ka bukas sa practice. Don't be late" kalmadong sabi niya at umalis.

"Im sorry" bulong ni Kristoff habang naglalakad pabalik sa bahay.

"Hindi, Im sorry." Sabi ko sa kaniya. Tinignan ko ang galos niya sa mukha at ginamot.

"Thank you. Dont worry, aayusin ko ang gulo." Sabi niya. Nagpaalam ako at pumasok na sa kwarto.
---

Pagkagising ko, wala na si Kristoff. Kaagad ko sing inayos ang gamit ko at tinawagan si manong.

"yaya Mel sorry po pero kailangan ko na ding umuwi. Kailangan pong ayusing yong nangyari kagabi"

"Sige anak. See you na lang bukas." Sabi niya at niyakap ako.

"Ate Aly, sa susunod isama mo ulit si kuya Kristoff " sabi ni Hanna. Lumapit ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Sige." Pagdating ni Manong kaagad akong umalis. Hindi na din ako nakapagpaalam kina Aling Martha.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Magdamag kong inisip kung totoo ba lahat ng nagyari. Una si Kristoff, tapos si Patrick. Bakit ako? bulong ko sa sarili ko. Maaaring masira ang pagkakaibigan nila dahil sa akin. I have to stop this habang maaga pa.

Jey's POV

Pagdating ko sa school gym, pinapalibutan ng buong team si Patrick. Kaagad akong lumapit sa kanila.

"Pre, anong nangyari?" Tanong ko nang biglang pumasok si Kristoff na may mga galos at pasa din sa mukha. Nag away ba sila?

"Ikaw din? Ano bang nangyari sa inyo?" Tanong ni Charles. Napansin ko si Nathan na nakatingin lang din sa kanilang dalawa. Tumigil ang lahat nang dumating si coach.

Kung nag away man ang dalawang yon isa lang ang pwedeng maging dahilan. Babae. Madalas silang magkagusto sa iisang babae na laging dahilan ng pag aaway nila. Sa aming anim, sila lang din ang hindi kumportable sa isa't isa. Siguro dahil sa mga nagdaang away at alitan nila. Pero kung nag away sila dahil sa babae, sino? Bulong ko sa sarili ko.

Hindi naalis ang tingin ko kay Nathan na mukhang galit. Si Nathalie ba ang dahilan? Lumapit ako kay Nathaniel at tinignan siya ng matalas.
"Kung ano man yang naiisip mo, wag mo ng itanong dahil alam mo na ang isasagot ko" Sabi niya at lumapit kay coach.

Ms. Nerd meets Mr. BullyDär berättelser lever. Upptäck nu