Chapter 29

6.7K 281 8
                                    

Nathan's POV

"Sinabi ko na sa inyo na itigil niyo na. Stop digging deeper and making things more complicated. Magpapatayan na naman ba kayo?" Sigaw ko sa kanila. Tumawa si Patrick at tinignan si Kristoff.

"I told you not to stop us kasi hindi kami makikinig. Stop acting like a boss, because you're not!" Sigaw niya.

"Sumugod siya. I just defended myself." Sagot ni Kristoff na kalmado lang.

"Stay away from her. Ayokong lumala amg sitwasyon at madamay ang kapatid ko. You already caused so much trouble." Tinignan ko si Patrick at lumapit sa kaniya. "Lalo ka na." Humalakhak siya at sinuntok ako.

"Sobyou're taking his side?! Nakakatuwa naman. We're best friends but you are taking his side. Funny!" Sigaw niya at muli akong sinuntok.

"What the hell?! Anong ginagawa niyo!" Sigaw ni Jey at kaagad kaming inawat.

"I will never listen to you." Sigaw ni Patrick at umalis. That jerk.

"Im not taking your side and I want you to stay away from her too." Sabi kay Kristoff. Tumawa siya ng mahina at umalis.

"Anong kaguluhan to? Hindi kayo nag iisip!" Sabi ni Jey. Dumating din si Charles at Tyrone na gulat na gulat.

"Seryoso kayong tatlo sa gulo na yan? Mga pre, alam niyo naman siguro kung paano ayusin yan diba?" Sabi ni Charles. Tumango ako at iniwan silang tatlo.

Bahala na bukas sa tournament. Sana lang hindi dalhin ng dalawang ugok na yon ang alitan nila sa court.

Nathalie's POV

Hindi ko pa nakikita at nakakausap si kuya simula nang dumating ako kahapon. Unang beses na manonood ako ng game niya, pero tinext niya na huwag na lang daw akong manood. Dahil ba ito kay Patrick at Kristoff? Nagbihis ako at nagpahatid sa school. Manonood ako.

"Omg Nathalie. Finally!" Bati ni Andz at nakipagbeso. "Buti naman dumating ka pa. Tara na?" Sabi niya at hinila ako papuntang school gym. Umupo kami sa pangatlong row kung saan sa misming likuran ng upuan ng team nila kuya.

"Hindi ba masyadong harap? Can we go sit in another area?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Ano ka ba girl. Dito na tayo para kitang kita natin." Tumango na lang ako tumahimik.

Nagsimulang magsidatingan ang mga students sa school at maging mga tiga-ibang schools. Ang iba sa kanila ay may dala pang banners at posters para sa mga players. Pagpasok ng players galing sa Kryptonaz University, naghiyawan ang mga tao sa loob ng gym. Nagsimulang magtilian ang mga babae dahil sa pogi ng mga players. Mas lumakas pa ang hiyawan at tilian nang pumasok ang team nila kuya. Umupo sila sa bench nila na nasa harapn lang namin. Lumingon siya at tinignan ako.

"I told you not to come." Sabi niya. Pinagtinginan kami ng mga nasa malapit at nagbulungan.

"I asked her na samahan ako." Sabi ni Andrea at binalik ni kuya ang atensyon niya sa team. Nang magannounce ang announcer, kaagad nagsitayuan ang mga players at pumunta sa kani-kanilang court at pwesto. Pumito ang referee na hudyat ng pagsisimula ng game.

"Go Nathaniel! We love you!" Sigaw ng isang grupo ng mga kababaihan na mayroon pang dalang banner. Ganyan ba sila kabaliw?

"Go Patrick! Ang pogi mo!" Sigaw namanng iba. Bigla akong napatingin kay Patrick na seryoso.

"Omg Kristoff kahit hindi mo na ako ligawan sasagutin na kita kaagad!" Sigaw naman ng iba na na nakashirt pa ng may pangalan ni Kristoff.

"Basta akin lang si babe Charles!" Sigaw naman ng isa. Nagtinginan kami ni Andrea at nagsmirk siya.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now