Chapter 21

8.4K 454 35
                                    

Nathalie's POV

Sabi niya hindi na niya ako guguluhin pagkatapos kong gawin ang iniutos niya. Sabagay, bakit ba naman ako maniniwala? Ito ang buhay niya. Sabi nga niya dito siya masaya. Sana lang talaga huwag na niya akong idamay sa mga kalokohan at trip niya.

Pagdating ng gym, si kuya na lang ang nandoon. Sumabay si Kristoff sa amin papuntang Parking area. Mas napapadalas na din ang pagpasok namin ni kuya na walang driver. Since marunong siyang magdrive, pinakiusapan niya si mommy na kung pwede daw ay siya na lang magmaneho.

"Pre, ayaw magstart." Sabi ni Kristoff at muling bumaba ng sasakyan niya.

"Sumabay ka na sa amin. Tumawag ka na lang ng repair man, bahala na yong guard diyan." Sagot ni kuya. Kinuha ni Kristoff ang gamit niya sa sasakyan niya at sumakay sa likod. "Nathalie samahan mo siya sa likod." Utos ni kuya. Bumaba ako ng sasakyan at sumakay sa likod. Tumawag si Kristoff ng mag aayos ng sasakyan niya at kami ay umalis.

"Alam na ni Patrick pre." Sabi ni Kristoff. Tinignan ko siya at kaagas ding inalis ang tingin sa kaniya.

"Alam ko, tinext niya ako." Sabi ni kuya at inabot ang phone kay Kristoff.

"You need to talk to him pre." Sabi ni Kristoff at ibinalik ang phone.

"Nathalie, call him." Utos ni kuya sa akin at binigay ang phone. Ayoko noong una pero napilitan ako para na din mawala at matapos na ang issue.

"Hello?" Sabi ko. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kaniya. "Since alam mo na, pwede ka ba naming makausap?" Tanong ko.

"Sige. Sabihin mo sa kapatid mo, pupunta ako sa inyo." Sabi niya at binaba ang tawag. Umuwi kami at sumama si Kristoff para na din may kasama si kuya na magpaliwanag.

"After this, magiging okay na ang lahat, I hope." Sabi ni Kristoff at ngumiti.

Pagpasok ng subdivision, nakita namin si Patrick na nakasandal sa kotse niya. Inaya siya ni kuya at pumasok. Habang nakaupo kaming apat, hindi naiwasang magtama ang mga mata namin ni Patrick.

"Ang tanga mo Nathan." Sinabi ni Patrick at tumawa. Tinignan siya ni kuya at tumigil. "Hinayaan mo na madamay ang kapatid mo sa kalokohan natin at gawain ko." Sabi niya at muling tumawa.

"I'm protecting her." Sagot ni kuya.

"Are you sure na naprotektahan mo siya? No, you watched her suffer. At malala sa akin na best friend mo pa." Sagot ni Patrick.

"Wala kang alam." Sagot ni kuya at tinignan ako. Hindi ko din alam kung bakit nga ba ako tinatago at pinoprotektahan ng ganito ni kuya. Sabi ko sa sarili ko.

"Then tell me para malaman ko. Best friend mo ako pero you trusted Kristoff more than me, Nathan." Sabi niya at ngumisi.

"Hindi sa ganon Patrick. Hindi niya sinabi sa akin, nagduda ako kaya kinausap ko siya ng maayos at pinaamin." Kalmadong paliwanag ni Kristoff.

"Diba tinanong kita tungkol kay nerd? Anong sinagot mo? Nagpalusot ka." Sagot ni Patrick. "Hindi ko pa malalaman kung hindi ako nakinig sa usapan niyo ni Kristoff sa cr!" Dagdag pa niya. Tumayo ako at pumunta sa gitna.

"Bakit ba ang big deal sa inyo ng issue na to? So, ano naman kung kapatid ko si kuya Nathan? Sabi ko. Hindi sila kaagad nakapagsalita at nagtinginan.

"You're not the issue here. Ang issue dito ay trust. Kaibigan kami ng kuya mo pero wala siyang tiwala sa amin. Ano naman kung may kapatid siyang nerd?" Sagot ni Patrick. Natahimik din ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bumalik ako sa upuan at kinuha ang bag ko.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now