Chapter 22

8K 337 16
                                    

Nathalie's POV

Pagkatapos ng hapunan, hindi pa din umalis ang mga kaibigan ni kuya. Nananitili sila sa sala at kinakuwentuhan si mommy. Umakyat ako at pumunta sa Balcony. Umupo ako sa isang bench na nakalagay doon at dinama ang simoy ng hangin.

"Hey" sabi ni Patrick. Ngumiti ako. Naglakad siya papunta sa dulo at dumungaw. "Thank you kanina."

"Welcome." Sabi ko at ngumiti siya. Yung ngiti na totoo. Walang halong kasamaan at walang halong biro. Pinagmasdan niya ang paligid. Tinitigan ko siya. Sana lagi na lang siyang ganito Bulong ko sa sarili ko. "Chicken skin lang pala katapat mo." Sabi ko at tumawa ng mahina. Tinignan niya ako at tumawa.

"Now you know how to kill me kung gusto mong magrevenge." Tumingin siya sa kawalan at tumawa. "Pero seryoso, Salamat." Sabi niya at muling tumingin sa akin.

"Salamat saan?" tanong ko.

"For being nice despite of everything I did to you." Humalakhak ako.

"Sa susunod na pumunta kayo dito papalagyan ko lahat ng pagkain ng chicken skin para makabawi ako." sabi ko ng tumatawa at inirapan siya.

"Talaga lang huh?" Tumango ako. "Alam mo you're funny. Ayos ka din pala kasama ano? Akala ko kapag nerd, boring to be with" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"At least ngayon alam mo na." Sabi ko.

"Patrick, hindi ka pa sasabay?" Sabi ni Kristoff at tinignan ako.

"Sabay na ako." Sagot ni Patrick at sila ay umalis. Sumunod ako sa baba at nagpaalam sa kanila.

"Nathalie, you can hang out with us sa school kapag gusto mo. Okay lang naman boss diba?" Nagbibirong sabi ni Charles kay Patrick at tumango lamang ito.

"Ingat kayo mga iho." Sabi ni mommy at nakipagbeso sa kanila. Pagkaalis nila ng bahay, kaagad akong pumunta sa kwarto at humiga. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Andrea.

"Hello" sabi niya.

"Andz, galing dito sa bahay ang Six. Alam na nilang lahat ang tungkol sa amin ni kuya." Hindi siya nagsalita kundi ay sumigaw.

"Omg Aly! Anong reaction nila? Si Patrick anong reaction niya?"

"Wala? Hindi ko alam. Umalis ako noong nag usap sila." Sagot ko.

"We'll talk about it tomorrow girl, beauty rest ka na." Sabi niya at binaba ang tawag. Nagscan ako ng notes ko ng ilang minuto at nagbihis ng pantulog. Muli akong humiga at kinuha ang phone na nakapatong sa study table.

"Buti na lang naayos na lahat." Isang text mula kay Kristoff.

"At mabuti na lang nagkaayos na kayong lahat." Reply ko.

"Anong pinag usapan niyo ni Patrick kanina?" Tanong niya.

"Wala naman. Nagpasalamat lang siya." Muli kong reply.

"Okay. Nagiging maayos na ang pakikitungo niya sayo. Mabuti na lang, para hindi ka na niya mapagtripan at mabully." Text niya. Nagsend ako ng smiley face at sleepy emoji.

"Good night." Text niya.

"Good night. Thank you Kristoff." Reply ko at natulog.
----

Nakita ko si Jerome na kausap si mommy. Kaagad akong lumapit sa kanila at nagpaalam para makapasok sa school.

"Anak nauna na ang kuya mo. Manong Arthur will drive me today. Can you drive her to school iho?" Sabi ni mommy. Sumang ayon si Jerome at kaagad kamimg umalis.

"Kailan ka babalik ng Canada?" Tanong ko. Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Gusto mo na ba akong umalis?" Sabi niya at tinignan ako.

"Wala akong sinasabi." sabi ko at tumawa.

"Sa susunod na araw na ang flight ko. Mamimiss na naman kita." Sabi niya.

"Drama mo. Mami miss din naman kita." Sabi ko at ngumiti. Nang makarating kami sa school, nag insist ako na sa gate na lang niya ako ibaba ngunit nagpumilit siya kaya pinasok niya hanggang sa parking area.

"Susunduin kita mamaya. Pwede ba? Para sana makapagbonding tayo bago ako umalis." Sabi niya. Tumango ako at bumaba ng sasakyan. Kaagad din siyang umalis pagkahatid sa akin.

"Sino yon?" Nakangising sabi ni Andrea.

"Bestfriend ko." Sagot ko. Sumimangot siya at tinitigan ako. "I mean, si Jerome."

"Ah, si guy bestfriend. Chika mo sakin later yung nangyari kahapon." Sabi at hinila ako papunta sa room namin.

Pagkatapos ng klase, nakarinig kami ng sigawan at tilian sa labas ng classroom. Kaagad lumabas si Andrea pero bumalik din at hinila ako palabas.

"Ano bang meron?" Tanong ko kay Andz.

"Oy tapos na klase mo? Kanina ka pa kasi namin hinihintay." Sabi ni Charles. Natulala ako ng ilang saglit. Pinagtinginan ako ng mga tao sa paligid at nagbulungan. Ang iba sa kanila ay halos gusto na akong sugurin. Ang iba naman, halos gusto patayin na ako sa mga tingin nila. "Girls, chill. This girl" sabi ni Charles at inakbayan ako. "This girl is Nathaniel's sister. For real." Sabi niya at nagsitahimik ang lahat.

"Wait, can I bring her?" sabi ko at tinuro si Andrea. Tumango si Charles.

Pagdating sa gym, parang batang binigyan ng isang basket ng candy si Andrea sa tuwa. Wala na siyang ibang ginawa kundi hampasin ako sa braso.

"Andz, baka mamaya maputol na lang bigla yang braso ko kakahampas mo." Sabi ko.

"Sorry. Kurutin mo mga ako girl, baka nananaginip ako." Kinurot ko siya sa kamay. "Gising ako." Sabi niya at humalakhak.

Pinanood namin ang anim na magpractice kasama ang coach nila. Sa bawat shoot na nagagawa ni kuya, hinahampas ako ni Andrea. Napapangiti na lang ako sa ginagawa niya. Sigurado akong kalat na sa campus ang sinabi ni Charles kanina.
"Nathalie, kamusta ang game namin?" Tanong ni Tyrone. Ngumiti ako nag thumbs up.

"Hi, kuya Nathan." Sabi ni Andrea. Nginitian siya ni kuya.

"Hello Miss" sabi ni Jey.

"Kain muna tayo sa labas bago umuwi. Agree?" Tanong ni Tyrone. Umo-oo silang lahat at maging si Andrea ay tumango din.

"Kuya, di ako makakasama." Sabi ko kay kuya. Tinignan ako ni Kristoff.

"May pupuntahan ko o ayaw mo kaming kasama?" tanong niya.

"May pupuntahan." Tipid kong sagot.

"Isasama namin 'tong kaibigan mo." Sabi naman ni Patrick.

"Okay lang naman sa kaniya, kaya okay." Sagot ko at ngumiti.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong ni Patrick. Tinignan din ako ni kuya na para bang nagtatanong din ang mga mata.

"Sasamahan ko si Jerome." Sagot ko. Hindi na sila ulit nagtanong at lumabas na ng gym.

Sumakay si Andrea sa sasakyan ni kuya at nagsipuntahan na din ang iba sa kani-kanilang sasakyan. Naiwan ako sa parking space at naglakad papuntang gate entrance nang sila ay makalabas ng school.

Dalawang oras na akong naghihintay kay Jerome pero hindi pa din siya dumadating. Umupo ako sa sidewalk sa tapat ng school gate at tinext si Andrea.

Andrea's POV

Habang nakakakuwentuhan ko ang mga dati'y inii-stalk at sinusulyapan ko lang, biglang nagtext si Aly. Lumapit ako kay kuya Nathaniel at inabot ang phone ko. Binasa niya ang text at kaagad binalik.

"May problema ba?" Tanong ni Patrick.

"Si Nathalie, nasa school padin daw." Sabi ko. Kaagad umalis si Patrick na ipinagtaka ng mga kasama namin.

"Natext ko na si Jerome, papunta na daw siya." Sabi ni kuya Nathan sa akin. Hindi ko na tinext si Nathalie at nagpatuloy ang kuwentuhan.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt