Chapter 26

7.2K 296 24
                                    

Patrick's POV

Pinuntahan ko si Kristoff pero ang sabi ng tatay niya ay tulog na siya. Nakiusap ako kung pwede bang gisingin niya ito para makausap ko siya.

"May problema ba iho?" Tanong ng tatay niya.

"Wala po tito, kailangan ko lang po talaga siyang makausap ngayon na" umalis siya at ginising si Kristoff.

"Pre gabi na. May problema ba?" Pinaupo niya ako pero nanatili akong nakatayo.

"Hindi na. Hindi din naman ako magtatagal." Sagot ko.

"Ano ba kasing problema?" Binigyan ko siya ng isang matalas na paningin.

"Ikaw." Tipid na sagot ko. Tinignan niya ako at humalakhak.

"Kung ano man ang sasabihin mo, huwag mo ng ituloy dahil hindi ako makikinig" sagot niya.

"Just stay away from her." Sabi ko. Tumawa siya at lumapit sakin.

"No. You should tell that to yourself. Layuan mo siya" Tumawa ako at kinuyom ang kamao ko.

"Kilala mo ako Kristoff" sabi ko sa kaniya.

"Edi kilalain mo na din ako" sagot niya. Nang paalis na ako natigilan ako sa sinabi niya. "May the best man win pre"

Nadatnan ko sa bahay ang tatay ko na nakatulog sa sofa. Naghintay talaga siya. Naawa ako kaya ginising ko siya.

"Son, kanina ka pa? Pasensya na nakatulog ako" sabi niya at kaagad inayos ang suot niya.

"Kakadating ko lang. Ano ba kasi yong sasabihin mo?" Sabi ko at umupo sa katapat na sofa.

"Please son, magbago ka na para sa mom mo" ngumisi ako at binato ang hawak kong unan.

"My mom is gone. Wala ng dahilan para magbago. Next time you talk to me, please let's not talk about my mother" sabi ko at umakyat.
---

Pagkatapos ng klase, kaagad kaming pumunta sa gym para sa practice. Dalawang araw na lang ay magsisimula na ang basketball league tournament na gaganapin sa school namin at dadaluhan ng mga tiga-ibang school.

"Pre, nakausap ko na si coach. Pumayag na siya na sa last two days ng practice ay sa Forbes tayo" sabi ni Tyrone habang inaayos ang sintas ng sapatos niya.

"Sorry I'm late team captain" nagtitigan kami ni Kristoff ng ilang segundo.

"Anong meron sa inyo?" Tanong ni Jey at tinignan kami ni Kristoff.

"Start na tayo" sabi ni Nathaniel at tumayo ang lahat. "Usap tayo mamaya" sabi niya at tinignan kami ni Kristoff.

Nathalie's POV

"Halika na kasi, wala naman na tayong klase" pagpipilit ni Andrea na kanina pa ako pinapakiusapan na manood ng basketball practice.

"Ikaw na lang. Magbabasa pa ako" hinampas niya ako sa braso at kinuha ang eyeglass ko.

"Ayan, hindi ka na makakapagbasa. Tara na kasi! Grabe ka, nayon lang naman to" sabi niya. Tumayo siya sa harap ko ng nakapamewang. "Bagay mo pag walang eyeglass. You're so pretty. Konting ayos lang din ang kailangan sa kilay mo" pag iiba niya ng usapan. Inagaw ko ang eyeglass ko sa kaniya at agad na sinuot.

"Sige sasamahan kita, pero ngayon lang to." Sabi ko. Niyakap niya ako at tumalon.

"Try mo kaya magcontact lens instead of wearing that, eyeglass" sabi niya habang tinignan at tinuro ang eyeglass ko. Ngumisi ako at kinurot siya sa kamay.

"Kung ano ano na naman nasasabi mo" sabi ko sa kaniya. Tumigil kami sa paglalakad nang may nagtext sa kaniya. Hinatak niya ako pabalik. "Akala ko ba manonood ka ng practice?"

"Alam mo, samahan mo na lang kaya ako sa salon?" Sabi niya. Tumawa ako at tumigil din kaagad.

"Uuwi na lang ako" sabi ko at sumimangot siya.

"Sige na. Please" sabi niya at nag puppy eyes.

"Okay fine. Balik din tayo dito sa school after" sabi ko at tumango siya. Sumakay kami sa sasakyan nila at nagpahatid sa favorite salon daw niya.

"Hello ma'am, Andreaaaaaa!" Bati ng isang bading kay Andrea. Nagyakapan sila at hinila ako ng Andrea. Bumulong siya sa bading at pinaupo ako sa isang stall.

"Andrea, ano to?" Tanong ko habang hinahawakan niya ang magkabilaang kamay ko.

"Trust me" sabi niya at tinanggal ang eyeglass ko. Hindi ko masyadong makita dahil malabo pero alam ko na sa akin nakaharap ang bading. Nagsimula niyang bunutin ang mga buhok sa kilay ko. Makaraan ang ilang minuto, binalik ni andrea ang eyeglass ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. Walang nagbago, except sa kilay ko na naging maayos.

"Andz, next time hindi na ako sasama" pagbabanta ko. Humalakhak siya at kumapit sa braso ko.

"Okay lang, ito lang naman ang araw na kailangan kita dito" sabi niya at ngumisi. "Tara may pupuntahan pa tayo" sabi niya at hinila ako sa isang optical clinic. Pinapili niya ako ng kulay, sabi ko brown.

Pagkatapos ilagay ang contact lens sa mga mata ko, nilagay ni Andrea ang eyeglass ko sa case at nilagay aa bag ko.

"See? You're so pretty. Kailangan mo lang talagang mag ayos. Tinatago mo kasi ang beauty mo wherein dapat ine-expose mo kasi you really look awesome." Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Kinuha ko ang eyeglass sa bag ko at inilabas.

"Keep your eyeglass for a while. Hassle kaya kapag eyeglass, diba?" Tumango ako at ngumiti. Tama siya, hassle ang eyeglass. Sobra. Bulong ko sa sarili ko.

Bumalik din kami sa school pagkatapos. Hindi niya mabitawan ang phone niya dahil sa katext niya. Mas napapadalas din silang magkasama ni kuya. Masaya ako, dahil nagiging malapit sila sa isa't isa.

"Aly, daan tayo sa Room 43A" sabi niya. Nagtaka ako at tinignan siya. "Sandali lang, naiwan ko yung book ko sa table" sabi niya. Kaagad kaming sumakay ng elevator at mabilis na umalis. Tumigil kami nang matanaw namin si kuya, si Kristoff at si Patrick sa Room 43B. Hinila ako ni Andrea sa dulo ng room at nakinig kami sa usapan nila.

"Ano bang pag uusapan natin at kailangan pang lumayo sa gym?" Dinig kong sabi ni Patrick.

"Let's talk about my sister" sabi ni kuya. Nagtinginan kami ni Andrea at kinurot niya ako.

"What about her?" Sagot ni Kristoff.

"Oh c'mon Nathaniel. Huwag mong sabihin na pipigilan mo kami?" Natatawang sabi ni Patrick.

"Oy alis na tayo dito" sabi ko kay Andrea pero pinigilan niya ako.

"Makinig ka. Ikaw ang pinag uusapan nila" sagot ni Andrea.

"Ayokong masaktan si Nathalie. Kilala kita Patrick, you only play girls' feelings. Never ka pang nagseryoso. Well, except for Ariella" sabi ni kuya. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan. Bakit ba nila ako pinag uusapan? Bukong ko sa sarili ko.

"I'm serious pre." Sagot ni Patrick.

"Kristoff, I trusted you with everything. Hindi mo naman siguro itutuloy ang gusto mo diba?" Muling sinabi ni kuya

"I'm sorry Nathan but I have to fight for what I feel" sagot ni Kristoff. Tinignan ako ni Andrea with her 'omg' look.

"Andz let's go" sabi ko kay Andrea pero nagpumiglas siya. Lumabas ako ng room at nakabangga ko si Patrick na lumabas din sa kabilang room.

"I'm sorry" paumanhin ko. Yumuko ako at naglakad.

"Okay lang. Wait, miss?" Tumigil ako.

"Nathalie! Wait!" Sigaw ni Andrea at natigilan din nang makita si Patrick. Humarap ako at nakita silang lahat. Si Patrick, Kristoff, Andrea, at si kuya.

"Andrea, tara na" sabi ko at kaagad siyang lumapit. Naglakad kami palayo hanggang sa makapasok sa elevator.

Ms. Nerd meets Mr. BullyWhere stories live. Discover now