K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)

Start from the beginning
                                    

Sa halip ay nakangiti lang siya ng peke habang nakatitig saken.

"Hindi ko pwedeng sabihin eh. Pasensya na, pero sana dumating yung panahon na magkita ulit tayo, at hinihiling ko na sa panahong iyon, wala ng nagmamay-ari sayo para malaya na akong mahalin ka." pahina ng pahina yung boses niya kaya hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya.

"Ano?"

"Wala! Ang sabi ko, kinukuha na ako ni Tito sa...basta!" napakamot pa siya sa kanyang batok at nag-iwas ng tingin saken.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingala sa langit na puno ng bituin kasama ng bilog na buwan.

"Iiwan mo talaga ako?" wala sa sariling tanong ko.

"Ayaw kong iwanan ka. Pero ito ang tatandaan mo Verena, kahit nasa malayo ako, nandito ka parin sa puso ko." sabi niya saka kinuha ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya.

Damang-dama ko ang malakas na pagkabog nito kaya nagbaba naman ako ng tingin sa kanya.

Nakapikit siya at dinarama ang paghawak ko dito. Nag-init naman ang pisngi ko nang maramdaman ko kung gaano katigas ang dibdib niya.

"Mahal kita, kahit ikaw ay pagmamay-ari na ng iba." wika niya kasabay nun ang pagtulo muli ng kanyang luha.

d>>_<<b

Paano ko nagagawang paiyakin ang isang taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako?!

Nailayo ko ang kamay ko sa dibdib niya at napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Hinila niya ako palapit saka kinulong muli sa mga bisig niya.

"Kailangan ko nang umalis, mag-iingat ka." sabi niya at naramdaman kong nilagyan niya ako ng bulaklak sa gilid ng aking tenga.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at hinalikan ako sa noo.

Tuluyan na siyang tumayo pero hindi ko namalayang di ko parin pala binibitawan ang kamay niya.

"J-jarrett," tawag ko sa kanya at di na ako nagdalawang isip na tumayo para yakapin siyang muli.

"Mamimiss din kita." ang emosyong kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ko ng nailabas.

"Wag kang umiyak, di pa ako mamamatay." nakatanggap naman siya ng hampas galing sakin at doon ko lang narinig ang pagtawa niya.

"Sige na, bumalik kana dun. Baka hinahanap kana nila Aling Marga."

"Pero---" bago ko pa tuluyang masabi ang gusto kong sabihin ay naramdaman ko na ang mainit niyang labi na dumampi saken.

dO____Ob

Sa gulat ko ay nakadilat lang ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakapikit.

Unti-unti siyang lumayo at naiwan naman akong tulala sa kawalan.

"Hindi ko kayang iwanan ka, pero sana dumating ang panahon na maintindihan mo yung ginawa ko." wika niya saka tuluyang umalis sa harapan ko.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now