Tumatango lang ako sa kanya. Kahit ano pa ang reason ni daddy ang mahalaga nandito siya. Sapat na iyon na bumalik siya.

Wala akong sagot na narinig kay mommy. Siguro ay naiinis siya dahil hindi man lang ako nagalit kay daddy. Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa bag ko na ipinatong ni Marco sa tabi niya. Hindi nga niya pansin si Marco na nakatayo lang doon. Naku, nakakahiya. Nakita pa ni Marco ang family drama namin. Kunot na kunot ang noo ni mommy at inilapit pa ang mukha sa bag kong nakabukas at may kinuha doon.

Oh my god. It's the ultrasound report!

"Andrea! What the hell is this?" Galit na sabi ni mommy at ipinakita sa harap ko ang papel na hawak.

Natataranta ako. Hindi ako handa dito. Maging si daddy ay nataranta na din at lumapit kay mommy para tingnan ang papel.

"Andie? Is this true? Is this yours?" Tanong ni daddy sa akin.

Hindi ako makasagot. Bumubuka lang ang bibig ko pero walang lumalabas ng salita doon.

"You are pregnant? Pero wala kang boyfriend," parang maiiyak na si mommy.

"M - mom, sorry." Iyon lang ang nasabi ko at napaiyak na ako.

"Andie, baby. Tell me. Who is the father of your baby?" Malumanay ang boses ni daddy. Gusto kong mahiya. Sobrang timing naman ng pagbalik ni daddy. Ito talaga ang salubong ko sa kanya? Dalagang - ina ang anak niya?

"D - dad it's too complicated." Umiiling lang ako habang umiiyak.

"Just tell me, honey. Tell me everything about him. I won't get mad. Who is he?" Hinaplos pa ni daddy ang mukha ko."

"I am. I am the father of her baby."

Pare - pareho kaming napatingin sa gawi ni Marco.

—————>>>>>>

Mason's POV

Kahit hindi ko naman kailangan na puntahan ng puntahan si Dale sa Baguio ay ginagawa ko para magdala ng mga supplies para sa kanya. The long travels give me peace sa mga nangyayari sa buhay ko. It gives me time to think of what is happening in the agency, with my agents, my missions. It gives me the time to think about her.

I could have easily ask one my my agents to follow her. Know her whereabouts, know her schedule. I can easily bug her phone and her house para malaman ko kung sino ang mga kausap niya. I can do that pero tiniis kong hindi gawin. Kahit miss na miss ko na si Andie tinitiis ko talaga na huwag siyang isipin pero ang hirap. It is so fucking hard to forget someone who took a part of my life.

I wanted her to forget me. I wanted her to get mad at me kasi madali niya akong makakalimutan kapag ganoon. I never told anyone about her because I want her memory to be sacred in my head. Siya lang ang minahal ko ng ganito.

Jesus step down and technically ako na ang overall head ng agency. So much responsibilites, so much work to do kaya tama lang na wala akong excess baggage. Mawala man ako wala ng iiyak para sa akin. I am just like a ghost to everyone I know. Lahat ng mga legal documents ko sa gobyerno ay naka - sealed at hindi basta puwedeng ma - access. Kahit nga sa pamilya ko ginawa ko iyon. When I made up my death, ginawa ko ang lahat para madali nila akong makalimutan. I asked my agents to do a fake robbery in our house. Pero ang gusto ko lang kunin nila ay ang mga personal kong gamit. Pictures and everything about me. Gusto kong parang hindi ako tumira doon para mas madali nila akong makalimutan. My heart was broken when I saw my mom crying when my agent took her phone. Ayaw niyang ibigay. Kunin na daw ang lahat huwag lang iyon dahil naroon ang mga litrato ko na tanging alaala niya sa akin. But I can't let her live and weep because of my death. I just want my family to forget about me. Ibuhos na lang nila ang atensyon nila sa kapatid kong si Sebi.

Lalo kong diniinan ang pagkaka - apak ko sa accelerator ng kotse. It's been three months after Dale almost died because of an incident in Puerto Galera. We thought we lost him pero mabuti ngayon at nakaka - recover siya. He is really trying hard to get back in shape kasi iyon ang pangako sa kanya. I'll tell him everything kapag magaling na siya.

Tumunog ang telepono ko at tumatawag sa akin si JD. I put him on speaker.

"What?" Nanatili akong nakatingin sa kalsada.

"Galing ka kay Dale?" Balik - tanong niya.

"Yeah. I brought some supplies for him."

"You don't have to do that. We have other agents that you can ask to do that." Natatawang sabi ni JD.

"Bakit ka napatawag?  It's past midnight." Sabi ko.

"Oo nga. Past midnight and yet nasa gitna ka ng kalsada. How are you, Maze?" May laman ang tanong na iyon ni JD.

"How am I? I am fucking fine. Trinabaho mo na ba si Jaime Salazar? What about the mole in the agency?" Tumaas ang tono ko kasi ayokong tanungin nila ako tungkol sa sarili ko. Why are they asking me if how am I?

"Hey, chill. Ang init ng ulo. Magmula ng bumalik ka galing sa private mission 'nyo ni Dimalanta naging ganyan ka. Masungit. Irritable. Kahit maliit na bagay nag - iinit ang ulo mo. People are talking, man." Halata ko ang concern sa boses niya.

"Talking about what? 'Yan naman ang trabaho diyan sa agency. Imbes na trabaho ang asikasuhin, buhay ng iba ang kinakalkal."

"What the fuck, man? Are you hearing yourself? Si Mason ka ba talaga?" Tonong pikon na si JD.

Bahagya akong kumalma.

"I'm sorry, man." Napahinga ako ng malalim. "Masyado lang occupied ang isip ko. I have a bigger responsibility to the agency. I don't know if I can do this."

"You can tell it to me. Hindi mo naman kailangan sarilinin kung may problema ka. Hey, we are here to listen to you. Hindi lang ikaw ang puwedeng makinig sa mga problema namin. Kaya ka rin namin pakinggan."

"Dimalanta resigned." Napasandal ako sa driver seat at nanatiling nakahawak sa manibela.

"What? When? Why?" Sunod - sunod ang tanong ni JD. Halatang gulat na gulat. Wala kasing nakakaalam ng pag - alis ni Jesus kundi ako at ang board of Directors.

"Personal reasons. Classified matter." Sagot ko.

"Oh fuck. For real? Lucy didn't tell it to me."

"Nobody knows it but me and the board and you. So kapag pumutok ang issue tungkol sa pag-alis ni Jesus, sa 'yo nanggaling."

"What the fuck?! Anong akala mo sa akin, chismosa? Ikaw nga ang nagkuwento sa akin so baka sa 'yo mag - leak ang issue na 'yan. May balita ka sino ang papalit?"

"Wala pa." Pagsisinungalin ko. "Jesus just wanted out from the agency. He will never look back. We cannot bother him anymore."

Narinig kong napabuga ng hangin si JD.

"Well good for him. Good luck on his new life. Tayo nandito pa din. Still chasing the bad guys."

"Why? You want to quit, JD? Lucy wants you to quit?" Tanong ko.

"Oh no. Lucy understands. She understands everything about our work. Naa - appreciate niya ang ginagawa natin. Althought there is the fear but tanggap niya kung ano ang ginagawa ko." Ramdam ko ang kasiyahan sa boses ni JD.

"Good. I am happy for you bro."

"May report nga pala ako about Jaime Salazar. According to our intelligence, sa Dumaguete daw nagtatago si Jaime. Legit sources 'to. I'll send you the reports para mapag - aralan mo. Mabilis lumipat - lipat ng lugar si Jaime kaya mahirap siyang mahuli."

"Sige. Send it to me. I'll check it once I get back to Manila."

"Ingat sa biyahe." Busy tone na ang narinig ko sa kabilang linya.

I like this. So much work to do. I'll keep myself busy para makalimutan ko lang siya.

———-

My apologies for the typos or missing words. This is raw update and no editing done yet.

Add me on FB (Helene Mendoza). for updates and news about this on going story.

Enjoy!

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon