"Relax. Relax come on. I'll bring you home," naramdaman kong may umalalay sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Marco -"

"Don't tell me you are still okay because you are not." Putol niya sa sasabihin ko at inalalayan niya akong sumakay sa passenger side ng kotse ko. Tapos ay umalis siya. Nanatili lang akong nakasandal sa kinauupuan ko kasi talagang hilong - hilo ako. Naramdaman ko siyang sumakay sa driver side at inilagay sa backseat ang bag ko tapos ay nagsimulang magmaneho.

"Gusto mo dumiretso tayo sa ospital?" Seryosong tanongniya

"Hindi na. Pagod lang ako. I just want to go home." Ipinikit ko ang mata ko para medyo ma-relax ako. Naipagpasalamat kong hindi na nagsalita pa si Marco. Tahimik lang siyang nag - drive para maihatid ako pauwi.

Nagmulat ako ng mata ng huminto ang kotse. Nakita kong nasa tapat na kami ng bahay namin. Agad kong kinuha ang bag ko pero pinigilan ako ni Marco.

"Sige na. Ako na ang bahala. Just stay there," sabi niya at naunang bumaba. Kinuha niya ang bag ko tapos ay binuksan ang pinto sa tabi ko. Inalalayan niya akong makababa.

"Okay na ako. Hindi na ako nahihilo. Salamat. Salamat sa paghatid. You can use my car to go back to the bank. Alam kong sobrang hassle sa iyo 'to," sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman talaga. Sobrang naabala na siya dito.

"I told you okay nga lang. Ihahatid kita hanggang sa loob. Hindi ako mapapakali hangga't hindi kita nakikitang maayos," sabi niya. Hawak pa rin niya ako sa braso at inaalalayan sa bawat hakbang ko.

Napakunot ang noo ko kasi malapit na ako sa pinto ng makarinig ako ng pamilyar na boses na kausap ni mommy. Malakas ang boses ni mommy. Galit. Tonong nanunumbat. Sino ang kaaway ng mommy ko?

Bumilis ang mga hakbang ko at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Bigla ang bundol ng kaba sa dibdib ko. I don't expect to see him again. After so many years of abandoning us, hindi ko na inaasahan 'to.

"D - dad?" Halos sa sarili ko lang nasabi iyon.

"Andie." Nakangiti si daddy sa akin.

Medyo nagkaroon ng edad ang mukha ni daddy. Nagkaroon ng puting buhok. But still, he got the charm that he always have. He still got the smile that always makes my mom's knees weak.

"Dad," tuluyan na akong napaiyak at patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. All those years that I hate him because of leaving us, nawala lahat iyon. 'Yung mga na-memorize kong mga sumbat para sa kanya, nakalimutan ko iyon lahat. Ang higpit - higpit ng yakap ko kay daddy. Pakiramdam ko kasi may kakampi na ako. Nandito na ang daddy ko na magtatanggol sa akin. Gusto kong isumbong sa kanya ang ginawa sa akin ni Tim. Gusto kong sabihin sa kanya may lalaking nanakit sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na nagmahal ako pero sinaktan ako. Ang dami kong gustong isumbong sa kanya pero hindi ko magawang magsalita. Ang lakas - lakas lang ng iyak ko.

"Don't cry, sweetheart. Daddy is hear. I am not going to leave. I am not going anywhere," nanginginig din ang boses ni daddy.

Bahagyang lumayo sa akin si daddy at pinahid ang mga luha ko.

"I am sorry for leaving. But I promise I am here to stay. I am not going to leave you and mom," emotional na rin si daddy.

"Oh please Jess. You think we can just accept you like that na parang walang nangyari? After how many years of abandoning us. Ganoon na lang iyon? You can't even tell me what was the reason why you left us," galit na sabi ni mommy.

"Alice please. Give me some time and I'll tell you everything. But believe wala akong ibang babae, wala akong ibang pamilya. Kayo lang ni Andie." Punong - puno ng pakiusap ang boses ni dad. Tapos ay muli siyang tumingin sa akin. "I am sorry."

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now