K A B A N A T A - 36

Mulai dari awal
                                    

Sandali nga! Hindi ko na siya maintindihan?! Bakit nadamay dito si Kuya sa usapan? Anong kinalaman niya dito?

Binawi ko ang kamay ko sa kanya saka hinarang yun sa harapan niya.

"Sandale...sandali lang, naguguluhan na ako." wika ko sabay huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ko sa nangyare ngayong gabi

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at madaming tanong ang naglalaro sa aking isipan.

"Kung iniisip mong biro lang ang lahat ng sinasabi ko, well, you're definitely wrong." seryosong sabi niya.

Wala pa nga akong sinasabi eh.

d-_-b

"Alam kong masyadong mabilis, pero baka kasi kapag pinatagal ko pa, ay maunahan na ako ng iba na makuha ka." dagdag pa niya, kaya mas lalo akong naguluhan sa mga naririnig ko galing sa kanya.

"Bakit? Sino bang gustong kumuha sakin? Ikaw lang naman diba?" nakangising sabi ko.

Kita ko naman ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon niya sa kanyang mukha.

"Tss, kung alam mo lang Verena. Masyado ka kasing manhid." ako naman ngayon ang natulala sa sinabi niya.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong hila-hila ni Theron palabas ng room.

Pero napatigil ako sa paglalakad nang huminto siya. Hinubad niya yung suot niyang Tuxedo saka pinatong iyon sa balikat ko.

"From now on, ayoko nang makita kang magsusuot ng mga damit na kita ang balikat mo." walang emosyong sabi niya.

"Eh di pumikit ka." nagsalubong agad ang kilay niya sa sinabi ko.

"May parusa ka saken kapag nakita kitang magsuot nang ganun." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"At ano naman yun aber?"

"Ayoko sabihin, gusto ko surprise." nakangising sabi niya.

Napangiwi nalang ako saka muling nagpadala sa hila niya, nakarating kami mula sa lugar kung saan nagaganap ang party.

Pinaupo ako ni Theron, pero agad namang hinanap ng mga mata ko si Stella.

Mula pa kanina nung napunta ako dun ay hindi ko na siya nakita.

Natural, wala ako dito eh.

d=_=b

"Verena! Nandyan kalang pala." nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses na yun.

Akmang hahawakan niya ako pero hinarangan na siya ni Theron. Hindi ko tuloy makita kung ano yung reaksyon niya.

"T-theron? A-anong ginagawa mo d-dito?" dinig kong tanong ni Jarrett sa kanya.

Kaya hindi ko naman na naiwasang mapatayo at pumagitna sa kanilang dalawa, baka magsuntukan na naman kase sila.

"Uhm, Jarrett! Hehe, nakita mo si Stella?" pag-iiba ko nang usapan pero mukhang walang nakarinig sa sinabi ko.

Nanatili parin ang pagpapalitan nila ng tingin kaya tinulak ko na ng kaunti palayo si Theron, mayabang pa naman ang isang ito.

"Hindi eh. Pero anong ginagawa ng lalaking yan dito?" wika ni Jarrett habang nakatitig parin kay Theron.

Yung totoo, may gusto ba kayo sa isa't isa?

"Sa totoo lang, hindi---" naputol ang sasabihin ko nang hilain ako palapit ni Theron sa kanya at nilagay ako sa kanyang likuran.

My Probinsyana GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang