DK彡Secret Admirer

Start from the beginning
                                    

"Ano gusto mo? Babe? Honey? Cutie Pie? Sweetie Pie? Darling? Baby? O Wifey?"

"Wala ka talagang kwenta noh?"

"Oh baka naman gusto mo Moo nalang tawagin natin?"

"Pwede ba Xander! tigilan mo nga ako! ni hindi ko alam kung anong Moo, Moo na yan! Bakit ka ba napatawag at saka sino nagbigay ng number ko sayo?!"

"Moo means My One and Only." natatawang sagot niya.

"Ewan ko sayo!" asar na sabi ko at tinapos na ang tawag na iyon. 'Asar! ang ganda-ganda na ng gabi ko tapos may isa pang walang kwenta ang sisira nun!'

Hindi na ulit siya tumawag kaya medyo gumaan na ulit ang pakiramdam ko, ewan ko ba kung bakit sobra-sobra nalang ang inis na nararamdaman ko sa taong iyon, makita at makausap ko lang siya kumukulo na agad ang dugo ko. iniisip ko na baka dahil iyon sa unang pagkikita namin o dahil sa kakulitan at kayabangan niya.

Pahiga na sana ako sa kama ng may nagtext sa akin. kaya kinuha ko ang cellphone na nasa side table ko at binasa iyon.

From: Xander WK

Tiffany! hulaan mo kung nasaan ako?

"Para talagang may topak ang isang ito." Kausap ko sa sarili at binalewala nalang ang text na iyon.

Pumikit na ako ng may tumatawag na naman sa cellphone ko kaya inis na bumangon ako at sinagot ang makulit na caller na iyon.

"Hoy, Xander! magpatulog ka-"

"Nasa labas ako ng bahay niyo."

Napatayo ako bigla ng sabihin niya iyon.

"Ba-bahay ko?"

"Yup, magdo-doorbell na ba ako?" Kahit hindi ko siya nakikita alam ko nakangisi na naman ang mukha niya. bwisit talaga kahit kalain.

"Don't. hintayin mo ako."

"Sure. madali naman ako kausap."

Binaba ko na ang tawag at nagmamadali kinuha ang jacket pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.

Tulog na lahat ng kasama ko sa bahay maliban nalang sa parents ko na nasa trabaho pa pero baka maya-maya ay uuwi na rin.

Nagtungo na ako sa gate at binuksan iyon, agad tumambad sa akin ang nakangiti na mukha ni Xander na may dala pang malaking teddy bear.

"Miss me?" tanong niya.

Lumabas ako ng gate at nilapitan siya.

"Alam mo ba kung anong oras na?"

"Ahm, eleven thirty?" sagot niya sabay tingin pa sa relo niya.

Inis na hinampas ko siya sa balikat.

"Alam ko. Pwede ba umalis kana."

"Teka, kadarating ko lang, Tiff." natatawa na sabi niya.

Humugot ako ng malalim na hininga para hindi siya masigawan mahirap na baka magising ang kapitbahay namin.

"Ano bang ginagawa mo rito?" mahina ang boses na tanong ko sakanya.

"Hindi naman kasi kita makausap sa school, kaya pinuntahan nalang kita."

"At ganitong oras pa talaga ah? umalis kana nga, gusto ko na matulog."

"Para sayo." nakangiti na abot niya sa akin ng teddy bear.

Naiinis man ay kinuha ko nalang iyon at tinulak na siya patungo sa kotse niya.

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now