Chapter 1: Prince Yuan

856 9 3
                                    

February 27, 2019 - Wednesday

Umiikot ang aking paligid sa isang kalsadang hindi ko mawari kung saan.

Hirap na hirap maglakad na tila ba'y malapit nang matumba.

"Putanginang buhay 'to." Bulong ko sa sarili ko at umupo sa sidewalk habang sinasabunutan ang sarili.

Heto ako.

Heto nanaman ako.

Lasing, at mukhang makakatulog pa sa sidewalk.

Ano pa nga bang bago?

E ilang buwan na akong ganito.

Kinuha ko saaking bulsa ang cellphone ko nang mag vibrate ito.

Hayop na 'yan, sinong maayos na tao ba ang mag cha-chat ng alas-dos ng madaling araw?

"Putangina talaga!" Inis na inis na sambit ko dahil hindi ko ma-unlock ang phone ko dahil sa malalang pagkahilo.

"Putangina, ayan!" Sabi ko nang ma-unlock ko na, sa wakas.

Nakita ko ang isang message request mula kay "Prince Yuan".

"Tanginang pangalan 'yan." Natatawang bulong ko sa sarili ko.

"Keena musta? :)" Sabi niya.

"Luh tangina nito. Close ba tayo?" Tanong ko sa isip ko, pero hindi ko na siya nireplyan at muli ko nang ibinulsa ang phone ko.

"Prince Yuan amputa parang di mahal ng magulang napaka jejemon ng pangalan hahahahahhahahaha." Sabi ko habang tawa ng tawa na parang baliw.

Napatigil ako sa pag tawa ko nang may tumapik saaking balikat.

"Oh." Sabi niya habang inaabot saakin ang isang bottled water.

"Bessyyyyyyy!!!!" Bati ko kay Jess at umupo siya sa tabi ko.

"Ayan. Ayan ka nanaman! Putangina ka gabi gabi na lang ba?" Pagalit niya saakin habang inaayos ang aking buhok.

"Kababaeng tao mo, nakahampalang ka dito sa sidewalk na madilim. Gago ka ba." Dugtong niya.

"Mag-iinom ako, o sasaktan ko sarili ko, o tatapusin ko buhay ko? Anong pinakabest option sa tatlo, Jess?" Tanong ko sakanya.

Kinuha niya ang aking kamay para tignan ang aking bisig.

"Putangina ka. May makita lang akong bago dyan, ako mismo papatay sayo." Sabi niya, pagtukoy sa mga peklat sa aking bisig na sumisimbolo saaking sariling laban sa buhay.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"E dito ka naman talaga palagi kapag di mo na kaya umuwi." Sabi niya at umirap.

"Tara na nga, iuuwi na kita sainyo!" Sabi niya at tinatayo ako.

"Dito muna tayoooo di ko pa kayaaaa!" Sabi ko at inihilig ko ang ulo ko sa braso niya.

Inakbayan niya naman ako.

Parang spare tire ko si Jess. Ganun din naman siya saakin.

Yun bang kapag wala kaming boyfriend o girlfriend o kalandian, saakin siya pumupunta o sakanya ako pumupunta.

In short, reserba lang namin ang isa't-isa...

"Di ko na kaya putangina." Sabi ko habang unti-unti na akong nakakatulog sa braso niya.

Baka Sakaling BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon