Chapter 1: Prince Yuan

Start from the beginning
                                    

......

Nagulat ako nang hampasin ng malakas ni Catt ang table ko habang nakatulala akong dinadama ang puyat at hangover mula kagabi.

"Presi! Tara, kain!" Sabi saakin ni Catt, co-OJT ko na ka-org ko rin sa school kung saan ako ang President.

Tumingin at tumango lang ako sakanya at nanalamin muna bago tumayo.

"San tayo?" Tanong ko habang nakapila sa elevator kasama si Kori, co-OJT din namin na taga ibang school naman.

"Sa baba na lang para may wifi." Sabi ni Kori.

Sa baba kasi ng office namin, may isang malaking mall. Sa taas naman, may cafeteria.

Oo nga pala, sa isang malaking real estate company kami nag o-OJT. Sa Finance department kami naka-assign at ang trabaho namang pinapagawa saamin ay nag a adjust ng condo prices, gumagawa ng customer records, nag u-update ng customer records, utusan para pumunta sa ibang department, at marami pang iba.

Nang makababa kami sa mall, tinignan ko ang aking phone nang mag notify ang aking Messenger. Nag auto connect na pala ang phone ko sa wifi ng mall.

Muli nanaman palang nag notify ang message request saakin.

"Keena musta? :)"

This time, nakikita ko na ang profile pic niya dahil may wifi na ako.

At ang profile pic na 'to?

Napakapamilyar...

Agad kong pinuntahan ang profile niya at para bang tumigil ang mundo ko dahil tama...

Talagang pamilyar ang profile pic na 'to...

Siguradong-sigurado akong nakita ko na 'to dati.

Isang tao ang tanging pumasok saaking isip...

Yung picture na 'to ay silhouette picture ng mga lalaking magkakaakbayan.

Jace...

Pinuntahan ko ang dating Facebook ni Jace dahil malamang doon ko nakita dati ang picture na 'to, at hindi nga ako nagkamali...

Pero naisip ko, baka naman hindi siya itong si Prince Yuan?

Baka poser?

O baka naman isa sa mga taong nasa picture din?

Kaya naman ni replyan ko na siya.

"I'm sorry but who are you?"

"Hahahaha" Agad na reply niya na para bang hinihintay niya na sumagot ako.

"Hindi ka ba pupunta sa Manila campus?" Tanong niya.

Napakapit ako sa railings na nasaaking tabi nang mabasa ko 'yan...

Nakakapanghina...

Ikaw nga yan...

Ikaw lang ang nakakapagpalambot saaking tuhod ng ganito...

"Huy Keena!" Tawag saakin ni Catt habang naglalakad sila ni Kori pabalik saakin, hindi kasi nila napansin na tumigil ako kaya naiwan na nila ako.

"Ano meron besh?" Tanong saakin ni Kori.

"Hoy bakit umiiyak ka?" Tanong naman saakin ni Catt kaya naman napahawak ako saaking pisngi...

Tama, may luha nga...

Pero bakit?

"Ah... Wala, may binabasa lang ako." Tugon ko kahit na pakiramdam ko namumutla na ako.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now