Kabanata XXXIII - Chapter 33

Start from the beginning
                                    



"B-Babalik ka ha..."



"Oo naman! Wala namang dahilan para hindi ako bumalik." nakangiti nitong sabi sa'kin.



"Talaga lang ha?" nakangiti kong tugon rito habang pinupunasan ang mga luhang napatak sa mata ko.



"Promise, Kimmy."



"Mahal kita, Kian!" wala sa sarili kong sigaw rito.



"Mahal din naman kita, Kimmy... Don't cry na ha?"



"Hindi naman ako umiiyak e'! Malakas kaya 'to!"



"Dapat lang! Mawawala na ang superhero ng buhay mo!" masigla nitong sambit kahit na pumipiyok-piyok na.



"Mamimiss kita, Kian." malungkot kong usal rito.



Tumawa naman siya. "Ako din naman, Kimmy e'! Mamimiss natin ang isa't isa."



"Basta... Gusto ko, pag nagkita tayo ulit... Gusto ko ganito pa rin tayo kakulit." emosyonal kong sambit.



"S'yempre naman, aalis lang ako pero hindi mawawala 'yon!"



"Oh Kian... Nand'yan kalang pala... Hinahanap ka na ni Haring Bronzeo, aalis na daw kayo papunta sa paaralan na pag-aaralan mo." pagsulpot ni Mommy sa tabi namin.



"Sige na, Kimmy... Aalis na ako ha?" malungkot nitong pagpapaalam.



"Sige, mag-iingat ka 'don ha? 'Wag mo 'kong ipagpapalit!"



"Oo naman, ikaw pa rin... Hanggang sa pagtanda ko." malambing nitong tugon.



"Paalam, Kimmy..." huling katagang sinabi niya bago ako tinalikuran.



Lumuha muli ako ng marahan habang pinapanood siyang lumalayo mula sa akin. Halos madurog ang buong sistema ko sa nararanasan ko.



Lumipas ang mga buwan at taon, ngunit wala pa ding Kian na bumubungad sa araw-araw kong paggising. Nakakawalang gana gumising kung wala ding Kian ang bubungad sa umaga ko kumpara noon.



Hinding-hindi ko makakalimutan si Kian, ang lalaking minahal ko noong labing-isang gulang pa lamang ako. Ilang taon ko siyang hinintay, ilang taon din akong umasa na babalik siya...



Labing-pitong taong gulang na ako bukas, ngunit sa bawat kaarawan ko ay walang ganap na masaya ako. Hinahanap-hanap ko pa din ang presensya ni Kian.



Kinabukasan, maaga akong nagising kahit hindi espesyal para sa akin ang araw. Labing-pitong taon na ako ngayon, sawang-sawa na maghintay ang lalaking minahal ko noon. Tanging milagro na lamang siguro ang magdadala kay Kian rito. Imposibleng maalala niya pa ako, imposible.



Habang lumalaki ako, nararamdaman ko naman ang lakas ko, ramdam ko ang lakas ng isang prinsesa sa kaloob-looban ko.



"Happy 17th birthday anak ko, dalaga ka na..." natatawang bati sa'kin ni Mommy.



Unti-onti na din akong sumuko sa pagbabalik ng mahal ko, pagod na akong maghintay. Pagod na akong umasang may pag-asa pang makita ko siya.



"Uhh, thanks Mom..." malamig kong pagpapasalamat kay Mommy.



"Uhh, anak?"



Napadako naman ang tingin ko kay Mommy. "Why, Mom?"



"We have a special gift for you..." nakangiting sambit ni Mommy na nagpakunot-noo sa'kin.



"What's that?" kunot-noo kong tanong rito.



"U-Uhh, I hope you'll like it... Hindi ito materyal na bagay, o tungkol sa kapangyarihan o posisyon. This is all about the man you loved the past few years, makikita mo na siya, anak..." nakangiting ani Mommy sa'kin na nakapagpatibok ng puso ko.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now