K A B A N A T A - 23

Start from the beginning
                                    

Kaya napanguso naman ako habang pinagmamasdan siyang lumabas ng aking kwarto.

Umayos ako ng higa saka tinanaw ang labas ng bintana ko.

Hindi parin mawala-wala sa isipan ko yung nangyari kanina, hindi ko pa naranasan ang makapatong sa isang tao sa tanang ng buhay ko.

Magka-iba naman siguro yung napatungan sa nakapatong diba?

Kahit tapos na ay pakiramdam ko nakadikit parin ang katawan niya saken.

Bigla ko din naalala yung nangyari samin ni Jarrett sa daan nung nakaraan.

Aaaaahhhhhh!!!!! Gusto ko ng magwala!

Napapikit nalang ako dahil sa hiyang nararamdaman ko, hanggang sa marinig ko ang pagbubukas ng pinto.

Napadilat agad ako at bumungad sakin si Theron, diretso siyang nakatingin sa mata ko.

Nag-iwas ako ng tingin, pansin kong tumayo lang siya doon malapit sa pinto ko.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"I'm...s-sorry, kung nasaktan ka dahil saken." mahinang sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Ang kulit mo kasi kaya yan napala mo," dagdag pa niya.

Hinintay ko pa ang susunod niyang sabihin pero naglakad siya palapit sakin.

dO___Ob

Huwag kang lalapit, pakiusap.

Nagrarambulan na naman ang mga daga sa dibdib ko dahil sa presensya niya.

"Alam kong kanina mo pa gustong malaman kung ano ang laman ng kahon na ito." sabi niya saka pinakita sakin yung kahon na kulay itim.

Nilagay niya yun sa lamesita ko at naglakad ulit patungong pinto.

"Actually, that thing belongs for you. Hindi ko pa dapat ibibigay sayo yan, pero dahil sa makulit ka, napaaga ang pagbibigay ko sayo." nagkamot pa siya ng kanyang batok bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Para saken? Bakit? Ano ba laman nun?

Napatingin ako sa kahon na nilapag niya sa gilid ko, kinuha ko yun at pinagmasdan.

Inalog alog ko pa yung kahon bago ko binuksan.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano yung laman nun.

Isang charm bracelet! Teka, saan niya naman nabili ito? Paano siya nagkapera?

"Anak," agad kong tinago sa ilalim ng kama ko yung kahon ng marinig ko ang boses ni Ina.

Pumasok siya sa loob bitbit ang isang benda, at parang may naaamoy pa akong maasim.

"Ilalagay ko lang sa noo mo itong bendang may kaunting suka, mainam ito para bukol mo." natatawang wika ni Ina sabay tapal ng tela sa noo ko.

Inayos niya yung pagkakaikot sa ulo ko bago tumayo at pinagmasdan ako.

"Ayan, mukha kang bagong opera." biro ni Ina sabay lumabas na ng tuluyan sa aking kwarto.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now