Rain.Boys Chapter: 31.2

3.2K 133 1

        Hindi ko napigilang pumatak ang luha ko habang unti unting bumabalik sa alala at sa pkiramdam ko ang lahat dahil sa halik at yakap na binigay sa akin ni Arwin.

        "Please Luke, pakinggan mo muna ako." ang mahinahanong sabi ni Arwin ng bitawan niya ang paghalik at pagkakayakap sa akin, pero sa halip na makinig ako ay isang sipa sa tuhod at malakas na tapak sa paa niya ang binigay ko at mabilis akong lumabas ng CR.

        Pinahid ko ang luha sa mata ko habang naglalakad hanggang sa makabalik ulit ako sa canteen.

        "Ang tagal sa CR girl ah, kala naman na-flush ka na." ang sabi ni Francis.

        "Ha-ha sorry, nasarapan humarap sa salamin eh." ang pagdadahilan ko.

        "Paano kayo Francis makakapanood ng praktis may klase na kayo di ba after this?" ang tanong ni Sarah sa mahinhin na boses.

        "Ayon nga eh, ikaw na muna bahala dito kay Luke ah di namin siya mababantayan ngayon madami pa namang mababangis na hayaop ang nandoon." ang biro na sabi ni Francis.

        "Hala para kang sira Fancis kayang kayang ko naman yung mga halimaw don." ang sabi ko naman.

        "Wag kayong mag-alala akong bahala kay Luke, pero nagke-kendo ako, at nagta-taekwondo din ako." ang sabi ni Sarah sabay angelic smile, napatingin kami sa kanya na tila iniisip na sa hinhin ng babaeng to ay super fighter pala deep inside.

        Natapos na kaming kumain at naghiwahiwalay na kami, sila Francis sa klase namin kung saan excuse na ako dahil sa rehearsal, at kami ni Sarah sa gym para magpraktis.

        "Yung candidate number twenty-six ba yung halimaw na tinutukoy nila Francis?" ang tanong sa akin ni Sarah.

        "Ha? Bakit mo naman nasabi yan?" ang tanong ko.

        "Ahh, nadinig ko lang kasi kayo kanina, at nadinig kitang sinusungitan mo yung babae, if hindi ako nagkakamali si Eunice yon ng Student Government at yung partner niya ay di ba si Arwin, siya di ba yung..." ang putol na sabi ni Sarah.

        "Ex ko." ang sabi ko, ako na nagtuloy at hiyang hiya ako sa pagiging updated nito, hindi halatang may pagkachismosa.

        "Ahh I see pero, wag mo mamasamain ang sasabihin ko as your partner in this pageant, I can say na hindi pa talaga ex ang turing mo sa kanya." ang sabi ni Sarah.

        "Huh? Bakit mo naman nasabi?" ang tanong ko, pero deep inside my head sinasabi ng utak ko na tama si Sarah.

        "Sa bilis ng pag-respond mo sa pagputol ko sa pangungusap ko nung tungkol kay Arwin na, alam mo ang tao born to be na in denial, I really can feel na nasaktan ka niya and dahil diyan ginagamit mo yung pain to cover up the real feeling you have for that person, ayoko makialam pero I just want you to feel a better you must show what you really feel." ang sabi ni Sarah at ngumiti siya sa akin.

        "Manghuhula ka ba? Ang dami mong alam natatakot na tuloy ako sayo." ang sabi kong pabiro.

        "Hi-hi, hindi naman natutuwa lang din kasi ako sayo at sa tingin ko pag nakangiti ka na ng totoo masku-cute ka pa." ang sabi ni Sarah, napahinto ako sa paglalakad sa sinabi niyang yon, bakit fake ba ang ngiti ko? Or should I say halata pa din ba na pilit ang pagiging masaya ko, how come na nababasa niya ako grabe witch din ba siya? Pero kung witch siya panigurado sa side ko siya unlike that lintang Eunice.

        "Luke!" ang pasigaw na tawag sa akin ni Sarah na malayo na ang nalakad, patakbo ko siyang nilapitan at nang makalapit na ko sa kanya ay payapa kaming naglakad ng sabay.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!