Rain.Boys Chapter: 9.1

6.7K 211 9

        Nagising ako sa liwanag ng sikat ng ara na tumatagos sa bintana ng kwarto ko, gumising ako ng nakangiti it was a perfect morning samahan mo pa ng mga ibon na humuhuni, oh my gold it was like a paradise, then naalala ko na nakatulugan ko pala si Arwin kagabi, kasi after dinner ay magkausap kami sa cellphone, namiss na daw ako ng mokong eh parang ang tagal namin agad naghiwalay, so hinanap ko ang cellphone ko and guess what sa floor ko na nakita yung cellphone ko woah buhay ang cellphone ko ha-ha.

        Pagkakuha na pagkakuha ko sa cellphone ko ay chineck ko ang messages at lahat halos ay kay Arwin galing, then habang nagbabasa ako ng message niya ay bigla siyang tumawag siyempre akong si excited sinagot ko agad ito.

        "Good morning Drop!" ang hyper kong pag-greet sa kanya.

        "Good morning din Drip, wow ang hyper natin ah sabagay tinulugan mo ako eh tiyak bawing bawi ka ng energy talaga, ang daya." ang sabi niya ng may pangongosensiya.

        "Sorry naman, grabe di mo na ba ako mapapatawad?" ang sabi ko.

        "Hindi ko alam siguro kung may kiss ako baka mapag-usapan natin." ang sabi nito.

        "Eh gusto mo humalik sa muka mo yung palad ko? Grabe muka kang kiss Drop." ang sagot ko.

        "Eh di wag, hmp." ang sabi nito, hala halatang nagtampo ang mokong.

        "Teka, oo na sige iki-kiss na kita." ang sabi ko, "Mwah! Mwah! Mwah! oh ayan ahh." ang dagdag ko.

        "Ayoko niyan, gusto ko totoo, labasin mo kaya ako dito, kanina pa ako dito kasi." ang sabi niya, nung sinabi niya yon nagmadali ako na gawin ang morning routine ko at after ay agad ko siyang nilabas muntik pa nga ako gumulong sa hagdan kakamadali.

        "Grabe ang tagal, namunga na ako oh." ang sabi ni Arwin habang naapapa-cute hindi niya ba alam na super effective yung ginagawa niya.

        "Sorry naman kagigising ko lang kasi." ang sabi ko habang binubuksan ko yung gate.
 "Oh pasok na." ang dagdag ko.

        "Ayoko, akina na muna yung kiss ko." ang sabi niya sabay nguso at kindat pa.

        "Hindi makapaghintay? Aga aga pa oh pumasok ka na iki-kiss kita wag ka mag-alala." ang sabi ko.

        "Ayoko gusto ko ngayon na, I demand it." ang sabi niya.

        "Wow maka-demand ka ahh eh kung i-demand-a kita diyan." ang sabi ko naman na pabiro.

        "At ano naman ang isasampa mo na kaso sa akin?" ang tanong nya na nakanguso pa din, talagang desidido na makuha na ang promise kiss ko.

        "Idedemanda kita for tresspassing, pumasok ka na nga sa isip ko piansok mo pa puso ko." ang sagot ko.

        "Wow ang corny ni Drip oh ha-ha gumaganyan ka pa, ikaw idedemanda kita." ang sabi niya.

        "At bakit naman?" ang tanong ko.

        "Kasi ninakaw mo ang puso ko, ha-ha" ang sabi ng mokong, maka-corny wagas eh siya din pala.

        "Ha-ha corny ka din pala eh, pumasok ka na kasi, kanina pa tayo nagkukulitan dito oh." ang sabi na may pangungulit sa kanya pero hindi ko pa din napapasok ang hilaw.

        "Ayoko, i-kiss mo na kasi ako." ang sabi niya at para makapasok na ay hinalikan ko na siya, "Oh di ba yun lang eh, kung kanina mo pa ginawa eh di nakapasok na ako." ang dagdag niya.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!