Rain.Boys Chapter: 18.2

3.6K 145 7

        "Wow girl ang bongga naman ng bahay mo, talagang ikaw lang mag-isa dito?" ang sabi ni Francis ng makita niya ang bahay namin. May pagka- American Style kasi yung bahay ko, bakit ko kasi ako lang nakatira dito at ako talaga ang nagdesign nito, oh ayan alam niiyo na kung bakit.

        "Hindi naman, hetong ngang si Drop hindi namangha eh, kayo lang talaga." ang sabi ko.

        "Eh lagi ko naman kasi nakikita yung bahay mo, tsaka di ba Drip nakatulog na ako dito." ang sabi ni Arwin sabay ngisi.

        "Ay talaga? Ano naganap? Naku ichismaks na yan dali." ang sabi ni Kris na excited sa nadinig.

        "Sira natulog lang siya dito, kahit tanungin niyo pa siya." ang sabi ko.

        "Naku wag kayo maniwala, ni-rape ako niyan." ang sabing pabiro ni Arwin, at isang hampas mula sa akin ang binigay ko sa kanya.

        "Sira ka talaga Drop, mamaya maniwala yang mga yan eh." ang sabi ko, "Naku tama na nga yan mabuti pa pumasok na tayo, para naman makapagpahinga at makpaghanda na tayo ng dinner bago tayo gumawa ng mask natin." ang sabi ko. Ang Chini parang nakainom ng isang damakmak na enervon nung narinig yun.

        "Oo bilis ng makakain na tayo. Buksan na yan!" ang sabi ni Chini.

        "Ha-ha ikaw talaga Chini basta pagkain, heto bubuksan ko na nga." ang sabi ko sabay bukas sa gate.

        Nang makapasok kami ng bahay ay parang mga batang lutang sila Francis manghang mangha sa lini at ayos ng bahay.

        "Bongga girl ng balay mo para kaming wala sa Pilipinas." ang sabi ni Francis.

        "Nasa America na tayo, ilabas ang jacket!" ang sigaw ni Kris.

        "Mga sira talaga kayo, tara na nga sa kitchen." ang sabi ko.

        "Wow makapag-aya sa kitchen parang sanay magluto ah." ang singit ni Arwin.

        "Bakit sinabi ko bang magluluto ako, hindi pwedeng moral support?" ang sagot ko.

       "Ay bongga parang basketball lang may moral support?" ang singit ni Francis.

        "May naisip ako mag-cooking battle tayo, Russel versus Arwin, di ba parehas naman kayong may talent sa pagluluto? Kaming apat nila Luke at ng mga sis ko ang judges ang manalo may kiss mula kay Luke." ang sabi ni Clarence.

        "Oy teka bakit wala ako sa judges?" ang sabi ni Chini.

        "Eh kasi kahit di masarap kinakain mo kaya tiyak pasado agad sayo." ang birong sagot ni Kris.

        "Pero don't worry kakain ka pa din naman." ang dagdag ni Francis.

        "Eh simulan na yan." ang sabi ni Chini na sobrang excited.

        "Oy teka bakit kiss ko ang premyo?" ang pagtutol ko.

        "Sorry girl majority wins na tsaka dito natin malalaman gaano ka katapat kay Arwin, kung magiging bias ka ba o hindi." ang sabi ni Clarence.

        "Okay deal ako diyan." ang sabi ni Arwin.

        "Ako din deal ako." ang sabi ni Russel.

        At nagsimula na nga ang cooking battle, grabe yung totoo competition sa pagluluto ba pinunta nila dito?

        Nakaupo kaming lima habang pinapanood ang dalawa, bawat hiwa ng sangkap nila ay hindi nila maiwasan na tumingin sa isa't isa gamit ang tingin nila na mas matalim pa sa kutsilyo na hawak nila.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!