Rain.Boys Chapter: 14.2

4.4K 170 1

        Saktong 6PM na ng bumukas ang pinto room nila Arwin, pagkalabas na pagkalabas ng prof nila ay si Arwin agad ang sunod na lumabas, todo ngiti ang mokong.

        "Pano ngiti?" ang sabi ko ng makalapit siya sa amin.

        "He-he, siyempre nalaman ko kasi na nandito ka eh, nadinig ko nung sumigaw si Von, tinanong ko kung ikaw, oo daw ang sama nga nang tingin sa akin." ang sagot ni Arwin.

        Mayamaya pa ay lumabas na din si Von mula sa class room, ang akala ko ay hindi niya na kami papansin ngunit huminto siya para makisali sa usapan namin.

        "Oh anong meron dito, baka pwede ako sumali." ang sabi ni Von.

        "At ano namang ginagawa mo dito? Kailan ka pa nila naging ka-close?" ang sabi ni rwin na ang sinusungitan ay si Von.

        "Kanina lang, bakit?" ang sabi naman ni Von.

        "Hep awat na, okay wag na kayo magtalo, uuwi na lang tayo ay nagtatalo pa kayong dalawa." ang sabi ko bilang pag-awat sa dalawa.

        "Uy guys nag-text si Chini, punta daw tayo dun sa Korean Resto na pinuntahan niya, nandoon pa raw siya napakasarap daw ng mga lafs." ang singit ni Kris habang binabasa ang text ni Chini sa kanya.

        "Ay push ako diyan." ang sabi ni Francis.

        "Ako din join ako diyan." ang sabi ni Clarence.

        "Sige sasama din kami ni Drip, tutal wala namang pasok bukas eh sulitin na natin ito bilang pagse-celebrate natin sa magandang first week ng college life natin." ang sabi ni Arwin sabay hawak sa kamay ko.

        "Oh sige sasama din ako mukang masarap don sa resto at tsaka tutal sasama din si Luke." ang sabi ni Von sabay ngiti sa akin.

        "Oy oy bakit kasali ka na naman? Tsaka kaya ko na bantayan si Luke wag ka na umeksena." ang sabi ni Arwin.

        "Wala akong tiwala sayo." ang sabi ni Von at nagtinginan sila ni Arwin.

        "Ay bongga ka talaga girl ang daming angels, share share din pag my time." ang pabirong sabi ni Francis.

        "Uhmm guys hindi na ako sasama." ang biglang sabi ni Russel, tinginan lahat sa kanya.

        "Oh why Papable Russel? Sumama ka na sayang ang bonding." ang sabi ni Francis.

        "Ano ka ba wag kang KJ, sumama ka na." ang pangungulit ni Kris.

        "Eh kasi..." ang tanging nasabi ni Russel.

        "Sumama ka na Russel bonding na natin to tsaka mas masaya pag kumpleto." ang sabi ko bigla.

        "Oh si Luke na nagsabi tatanggi ka ba? Naku bahala ka magtatampo sayo si Luke, di ba Luke?" ang pangongonsensiya ni Clarence.

        "Oh sige na nga sasama na ko." ang sabi ni Russel at nginitian niya ako.

        "Sus sasama din pala gusto pa ng pinipilit." ang sabi ni Arwin at isang hampas ang binigay ko sa kanya.

        "Ikaw talaga Drop, napaka." ang sabi ko.

        "Oh tara gora let's na tayis, sure na masaa itetcchiwa." ang masiglang pag-aya ni Francis.

        Sabay sabay kaming lumabas ng university, nagpasya kami na maglakad na lang dahil ayon sa text ni Chini sa amin ay pwede naman daw lakadin at makikita din naman din daw namin agad yung restaurant na sinasabi niya.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!