Rain.Boys Chapter: 21.1

4.5K 173 16
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Kitang kita ko sa mukha ng pinakamamahal kong si Luke ang pagkasurpresa sa ginawa ko sa kaniya, tulad niya walang mapagsidlan ang saya ko sa gabing iyon dahil sa panibagong sumpaan namin. Oo nga't halos buwan pa lang kaming nagtatagal pero mahalaga ba ang bilang ng oras para masabi ko lang na mahal ko siya? Of course hindi dahil alam ko sa isip at puso ko na totoo ang nararamdaman ko para sa kanya, at alam ko din sa isip at puso ko na totoong mahal ako ni Luke.

        Nakakatuwa ang munti kong prinsesa habang nagsasayaw kami, ramdam ko ang higpit ng yakap niya, sabi ko na at mami-miss ako nito.

        Natapos kaming sumayaw at naupo sa table kung nasaan sila Francis, nagkatinginan pa kaming talo nila Von at Russel, ano kala niyo wala ako no? He-he.

        Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party spirit sa gabing iyon nang may lumapit sa akinat bumulong na tawaga daw ako ng isa sa mga professor namin, tumayo ako at nagpaalam kay Luke siyempre may kiss.

        Agad kong pinuntahan yung table kung nasaan yung mga professor namin, shoot napahiya ako ng isa't kalahti wala naman daw kasi tumatawag sa akin sa kanila, tinanong nila ako kung sino ang nagsabi pero hinid ko maituro dahil di ko naman namukaan dahil sa maskara na suot ng loko. Humingi na lang ako ng sorry sa pang-iistorbo ko sa chismisan ng mga prof at nagsimula na bumalik sa table namin.

        "Oh nasaan na si Drip?" ang tanong ko kila Russel ng makita kong wala na si Luke sa table.

        "Nagpaalam na aalis siya sandali, mukang importante kasi nagmamadali siya." ang sagot ni Chini habang puno ng pagkain ang bibig.

        "Saan naman daw siya pupunta?" ang tanong ko muli.

        "Wala siyang sinabi, ang akala nga namin ikaw ang pupuntahan kasi nagpaalam siya sa amin after niya tignan yung cellphone niya, tingin ko ay may nag-text sa kanya." ang sabat ni Russel. Pagkasabi pa lang ni Russel non ay biglang may anong kaba akong naramdaman.

        "Oh nasaan si girl?" ang tanong ni Francis nang bumalik sila sa table namin.

        "Umalis daw, may pinuntahan daw siya." ang sabi ko, "Kayo saan ba kayo galing? Hindi niyo ba siya napansin?" ang dagdag kong tanong.

        "Galing kaming C.R. eh, hindi naman namin siya napansin nung pabalik na kami dito." ang sagot ni Clarence.

        "Ganon ba, sige hahanapin ko muna siya." ang sabi ko, "hindi kasi maganda ang kutob ko eh, bigla ako kinabahan." ang dagdag ko at nakita kong nagbago ang mood nila lalo na sila Von at Russel, nakita ko din ang pag-aalala sa kanila.

        "Sige tutulong ako." ang sabi ni Russel sabay tayo sa kinauupuan at umalis na agad para mag-umpisang maghanap.

        "I'll search for Luke din at subukan ko siyang i-contact." ang sabi ni Von, kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya si Luke."Naka-off yung phone niya." ang sabi nito.

        "Shoot!" ang tangi kong nasabi at dali dali na akong umalis para hanapin siya, saan ko siya hahanapin? Nasaan ka Luke?

        Nagpunta ako sa parang mini park sa venue to look for him, I even check ang bawat cubicle ma pa-boys or girls pa ito, I don't care kung may magalit ayoko lang ng kabang nararamdaman ko.

        Tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko, si Francis tumatawag. "Hello Francis nakita niyo na ba siya?" ang tanong ko agad.

        "Hindi pa Yummy Papable, nagtanong tanong na din kami kung may nakapansin sa kanya, kaso wala daw eh." ang sabi ni Francis.

        "Shit, please Francis, pakitanong at pakicheck lahat ng possible na puntahan niya, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko about this." ang sabi ko at ibinaba ko na agad ang tawag.

Rain.BoysWhere stories live. Discover now