Rain.Boys Chapter: 8

6.7K 206 6

        Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Arwin, there's a pleasant morning air coming inside the room, bumangon ako and naupo ako ng pa-Indian sit sa kama ni Arwin na parang isang bata, kinusot kusot ko pa ang mata, clearing some muta then naghikab pa ako. I look around the room, yesterday was not a dream, yesterday was a reality, at ngumiti ako. Bumaba ako sa kama then pagtingin ko sa floor there was a note sa slipper na pambahay at kinuha ko ito para basahin.

        'Good Morning Drip! How's your sleep? Ako? Napuyat ako ang lakas mo kasi maghilik ha-ha biro lang, maganda din ang tulog at panaginip ikaw kasi katabi ko matulog, sige na fix yourself na Drip para sabay na tayo makapag breakfast. I LOVE YOU DRIP! <3<3<3'

        "Ang mais talaga nitong si Drop, pero nakakakilig." ang bulong ko, at tuluyan na akong umalis sa kama, pumunta ako sa banyo ng room ni Arwin, para magmumog at maghilamos, nang makatapos ako maghilamos at punasan ito ay dumiretso na ako sa pinto ng kwarto para lumabas pero may note na naman sa pinto.

        'Hep! 'Wag ka lalabas ng kwarto Drip, go back at kunin mo yung panyo at bell sa drawer ko, at ilabas mo din yung band-aid, blindfold mo ang sarili mo tapos pag okay na ay patunugin mo ang bell. I LOVE YOU DRIP!"

        "Grabe ka Drop, magbe-breakfast na lang pahirapan pa, ang daming pakulo." ang bulong ko pero ginawa ko pa din ang pinapagawa niya, una kong kinuha ay yung box ng band-aid sa bag ko, tapos ilang drawer din ang binuksan ko para sa panyo at bell loko kasing mokong na 'yon hindi inindicate kung aling drawer niya as if naman na may drawer ako at yung mommy niya dun sa room niya, ng makuha ko na lahat ay I blindfold myself at pinatunog ko na ang bell, after a few minutes ay nadinig ko na bumukas ang pinto.

        "Drop? ikaw na ba yan?" ang pagtatanong ko, pero walang sumasagot. "Mommy ikaw po ba yan?" ang tanong ko ulit dahil baka ang mommy ni Arwin ang pumasok pero wala pa din sumasagot, tahimik lang ang kwarto maliban sa mga steps ng tao na pumasok sa room ramdam ko na he is walking around at yung tunog na parang may sini-set na kung ano, gusto ko na sana tanggalin ang blindfold dahil naiinip na ako, then mayamaya pa the room was filled with the scent of rose.

        "Okay na, Drip you can take the blindfold off na." ang sabi ng boses na halatang si Arwin, as I take the blindfold off, nakita ko ang nagkalat na petals of roses hep hindi basta basta roses they are blue roses, my favorite, oo artificially made nga kulay ng blue rose but for me napakasymbolic ng blue rose dahil sa literatures ang blue rose ay sumisimbolo sa rarity and mystery kaya super na-appreciate ko ito, then I look around the room at nakita ko ang isang naka-set na table for two, wow effort, super touch, ikaw na Arwin Dela Cruz magaling magpakilig. "Now give me the band-aid" ang sabi niya, at binigay yung box na may lamang band-aid, kinuha niya yung band-aid sa box at chineck ito, "Okay heto nga yung band-aid." ang sabi niya, "Welcome sa Breakfast date!" ang sabi niya.

        "Nagustuhan mo ba?" ang tanong niya sa akin.

        "Bakit nagkalat ka pa dito sa room mo grabe ka." ang sabi ko na pabiro.

        "Grabe ka hindi mo man lang na-appreciate yung ginawa ko, bumili pa ko ng blue rose kasi tanda ko sa nabasa kong profile mo na paborito mo 'to, tapos nagpaturo ako kay mommy na magluto ng iba pa bukod sa sopas para may breakfast date tayo tapos..." ang sabi ni Arwin na hindi ko na pinatapos dahil binigyan ko siya ng isang morning Elf Kiss nangmaglubay masiyado kasi palapatol sa biro ko.

        "Binibiro lang kita, I'm so amazed, yung totoo nanaginip pa din ba ako?" ang sabi ko at isang halik ang binigay niya sa akin.

        "Ayan ang prince charming kiss para magising ang princess ko." ang sabi niya ng nakangiti.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!