Rain.Boys Chapter: 30

2.9K 123 4

        Dahil wala din naman akong magagawa kahit pumasok pa ako dahil nga sa kondisyon ng kanang kamay ko ay nagdesisiyon ako na magpaalam sa mga professor ko para payagan akong lumiban ng klase hanggang sa gumaling ito at hindi naman ako nabigo na payagan nila akong lahat.

        Sa loob ng ilang linggo ay hindi ako pumasok, hindi ako lumalabas ng kwarto ko sa mga nagdaang araw ayoko harapin sila Mama at Papa ayoko sila makausap, sa tuwing dinadalhan ako ni Mama sa kwarto ko ng makakain ko ay iniiwan niya lang ito sa table malapit sa pinto at lumalabas na din agad marahil ay alma na niya na hindi niya naman ako makakausap ng matino.

        Sa mga araw din na hindi ako pumapasok ay hindi pumapalya na bumisita sa akin sila Francis para tulungan ako at hindi mahuli sa anumang naging lesson namin, pero ang pinaka madalas na dumalaw kahit weekend ay si Russel, super effort siya sa lahat ng bagay pagdating sa akin at dahil doon hindi ko maiwasang maikumpara si Arwin at siya at kung tutuusin halos parang si Arwin din siya ang pinagkaiba lang nila siguro itong si Russel may pagkaseryoso at hindi pervert tulad ng mokong, hay tama na nga sa Arwin na yan nag-mu-move on ako.

        Linggo noon, magtatanghali na pero makulimlim ang langit tila nagbabadya ang pagbuhos ng isang mabigat na ulan, nakaupo ako sa kama ko noo at nakatingin lang sa labas sa may bintana ng kwarto ko.

        "Oh Luke, heto na ang pagkain mo." ang sabi ni Russel ng makapasok siya sa kwarto ko dala ang tray ng pagkain. Si Russel ang nagpresenta na magluto para sa akin araw araw ng mapansin niya noong minsan na bumisita siya kasama sila Francis na halos hindi ko ginagalaw ang pagkain na niluluto para sa akin ni Mama, sabihin niyo na sobra na ako kung magalit at sobrang pride ko na pero ganon ako lalo na kung pakiramdam ko na sila na dapat na kakampi ko ay sila pa ang nanakit sa akin.

        "Luke okay ka lang?" ang tanong sa akin ni Arwin ng hindi ako kumibo sa kanya.

        "Ah oo pasesnsiya na." ang sabi ko at ngumiti ako kay Russel na kasalukuyang inilalagay sa table na inayos niya kanina ang pagkain.

        "Oh heto ako ulit nagluto nito, sinabi nila Tito at Tita na bantayan ka daw namin pagdating sa pagkain dahil noong ako daw ang nagluto tsaka ka lang kumain ng madami." ang sabi ni Russel.

        "Masarap ka kasing magluto, tsaka alam mo naman na hindi ako kumakain ng pagkain na galing sa taong kinasamaan ko ng loob." ang sabi ko.

        "Ikaw talaga Luke, nakakatakot ka pala magalit buti na lang pala at hindi ka nagagalit sa akin." ang sabi ni Russel.

        "Bakit naman ako magagalit sayo? Everytime na may problema ako nitong nagdaang araw lagi kang nandiyan para samahan ako. I wonder nga  baka napapagod ka na sa akin." ang sabi ko kay Russel sabay subo sa pagkain.

        "Hinding hindi ako mapapagod Luke basta para sayo I'll do everything na magpapasaya sayo." ang sabi ni Russel sa akin na nakangiti.

        "Naku bola, sige na nga kumain ka na lang din diyan." ang sabi kong pabiro.

        "Hindi bola yon, alam mo naman yon kaw pa malakas ka sa akin eh ako lang naman mahina sayo ha-ha biro lang." ang sabi ni Russel.

        Kumain kami ni Russel na medyo nagkukwentuhan noon I find peace with Russel if I would let myself nga siguro baka matutunan ko na mahalin ko din si Russel, si Russel na nandiyan at hindi ako sinukuan despite of my indirect rejections sa kanya, nang matapos na kami kumain ay iniligpit ni Russel ang pinagkainan namin at lumabas ng kwarto at saktong paglabas niya ay biglang bumuhos ang isang malakas na ulan.

        Tumayo ako sa tapat ng bintan upang tignan ang labas habang bumubuhos ang malakas na ulan, mula sa bintana ng kwarto ko ay nakita ko ang taong hirap na hirap ako kalimutan, si Arwin nakatayo sa labas tapat ng kwarto ko wala siyang dalang payong at basang basa na siya, we are staring at each other na tila hinihintay namin sino ang unang iiwas ng tingin at aalis. Ngunit may isang bagay ang bumagabag sa akin, ang mukha ni Arwin hindi ko mabakas ang Arwin na kilala ko na noon, dahil ang Arwin na nakikita ko ngayon sa bintana ko ay isang Arwin na puno ng kalungkutan. Heto ba talaga ang gusto mong mangyari Arwin, masaya ka na ba sa ganito? Gusto ko na buksan ang bintana ko at isigaw sa kanya na iligtas niya ako sa kalungkutan na pilit ko din tinatakasan pero pumasok sa akin ang takot na paano kung hindi niya ako iligtas kaya sa halip ay tinakpan ko ng kurtina ang bintana.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!