Rain.Boys Chapter: 15.2

4.5K 153 8

        Natapos ang klase namin sa Art History ng hindi kami nag-uusap ni Russel na siya namang ikinabahala ng KFC sisters at ni Chini, pero tulad noong tinatanong nila kami sinabi namin na okay lang kami.

        "Girl, Russel, sure kayo na wala kayong problema?" ang tanong ni Francis.

        "Oo sure na sure, grabe hindi lang nag-usap ngayon may problema na agad?" ang sabi ko na pabiro.

        "Tama siya masiyado lang kayong negative." ang sabi ni Russel.

        "Oh pano, I have to go andiyan na yung kapreng hilaw, sinusundo na ako." ang sabi ko ng makita ko si Arwin na dumungaw mula sa pinto.

        "Sige girl, enjoy your lunch." ang sabi ni Kris.

        "Teka!" ang pasigaw na sabi ni Russel, napahinto ako sa paglalakad at napatingin sila Francis kay Russel at si Arwin naman ay napapasok sa room.

        "Bakit hindi na lang tayo sabay sabay na kumain? Masmasaya yun di ba?" ang sabi ni Russel.

        "Sira ano ka ba Russel alam mo naman na quality time nila ang mga oras na ganito." ang singit ni Clarence.

        "No it's okay masmasaya nga pagmadami kasabay ni Drip." ang sabi ni Arwin.

        "Ay bongga eh tara na ano pa ang hinhintay natin, push na." ang sabing galak ni Francis.

        Sa McDonalds kami pumunta para mag-lunch ang lukalukang KFC Sisters panay pa-cute don sa crew ng McDo, doon kami naupo sa dating pwesto namin noong Monday. Hindi pa din kami nag-uusap ni Russel, kahit na maingay yung mga kasama namin ay walang umiimik sa amin, hanggang sa magkatinginan sila ni Arwin.

        "Bakit parang ang tahimik mo lagi brad." ang tanong ni Arwin kay Russel.

        "Bakit masama bang tumahimik ako?" ang sagot ni Russel na nagpasalubong sa kilay ni Arwin.

        "Oops wag masiyadong hot mga papa, lalapangs pa tayo, kayo talaga." ang awat agad ni Francis.

        "Heto ngang si Chini, lumalafs na oh." sabi ni Kris sabay turo kay Chini na inuumpisahan na nga ang pagkain.

        "Eh gutom ako eh kaya wapakels na ko kung magsuntukan kayo diyan." ang sabi ni Chini habang may laman ang bibig.

        Hindi na nga humantong sa pagtatalo ni Arwin at Russel ang nangyari dahil na din sa pagsaway namin sa kanila, pero puro sama ng tingin ang ginaganti nila sa isa't isa pag nagtatagpo ang mga mata nila.

        Natapos kaming mag lunch at sabay sabay din kaming umalis ng McDo at bumalik na agad sa university, tulad ng nakagawian namin ni Arwin hinahatid niya muna ako sa building namin bago siya pumunta sa building nila, nang makahatid na ako ni Arwin sa room na papasukan namin na next subject ay nagpaalam na siya, himala walang hiningi na kiss ang mokong ang sabi ko.

        "Hep, hep." ang sabi ni Arwin at pabalik sa amin, "akala mo nakalimutan ko no. Akin na yung kiss ko." ang dagdag ng mokong.

        "Ay girl push na hindi kami titingin." sabi ni Francis at sabay sabay sila na nagtakip ng mata pero yung isang mata lang maliban kay Russel na tumalikod lang.

        "Oh ayan, sige na baka mahuli ka pa." ang sabi ko.

        "Oo na sige na, I love you Drip!" ang sabi niya.

        "I love you too Drop!" ang sagot ko. "Oh sige na bilis na." ang sabi ko, pero nagnakaw pa ng halik ang mokong bago umalis.

        "Napaka-sweet talaga ng magjowaers na itey." ang sabi ni Clarence.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!