Rain.Boys Chapter: 11.2

5.5K 178 3

        Lagpas alas-dose na mahigit nang magising kami ni Arwin kaya naman dali-dali kaming nagpunta sa kusina para maghanda ng pananghalian namin, si Arwin ang nagluto siyempre at ako naman ang siyang nag-ayos ng hapag kainan.

        "Wow, ang bango naman niyan." ang sabi ko ng maamoy ko ang niluluto ni Arwin.

        "Siyempre ako ang nagluto eh tsaka mabango ang nagluluto." ang sabi niya.

        "Teka ano ba yang niluluto mo?" ang tanong ko.

        "Adobo, ang paborito mo." ang sabi niya at halos kumislap ang mata ko sa tuwa dahil hindi ko na alam kung kailan ako huling nakatikim ng adobo, paborito ko siya dahil hindi nga ako sanay magluto kaya super bihira lang ako makatikim, Arwin my Drop super salamat, I love you na talaga ha-ha.

        "Wow, talagang tanda mo yung mga paborito ko noh." ang sabi ko.

        "Oo naman, talagang minemorize ko lahat ng nakasulat sa profiler na nakita ko kila John." ang pagmamayabang niya, "Drip, tara dito at tikman mo kung papasa na sayo 'to." ang dagdag niya.

        Lumapit ako sa kanya upang tikman ang adobo na specially made for me na specially made by my one and only Drop, "Sige nga patikim." ang sabi ko at kumuha si Arwin ng tasting spoon, kumuha siya ng kaunting sabaw, hinipan niya muna ito at nang makasigurado na siyang hindi na ako mapapaso sa init ay pinatikim na niya sa akin.

        "Oh ano Drip?" ang tanong niya sa akin habang nakatingin sa expression ng muka ko.

        "GRABE ANG SARAP DROP! SOBRANG GUSTO KO 'TO!" ang sabi ko at napayakap ako sa kanya sa sobrang sarap talaga ng pagkakaluto niya sa paborito kong adobo, "Dapat nag-culinary ka na lang sa halip na civil engeeniring." ang sabi ko ha-ha hindi ko alam tuloy kung words of encouragement o discouragement yung nasabi ko.

        "Wow, mukang sarap na sarap ang baby Drip ko talaga, napayakap pa sa akin oh, he-he." ang sabi niya at bigla akong bitiw nung sinabi niya yun.

        "Ayaw mo pa pinuri ka na nga. HMMP!" ang sabi ko

        "He-he siyempre gusto ko, ikaw talaga. Pa-kiss na lang." ang sabi niyang nakatawa.

        "Neknek mo." sabi ko at bumalik ako sa pag-set ng table.

        "Ang daya talaga nito." ang pahabol na sabi ni Arwin at dinilaan ko lang siya bilang sagot.

        Nang makatapos na magluto si Arwin ay agad na kami nag-umpisa kumain, TSIBUGAN NA!!!

        "Wow Drip last day mo na kakain? Pang limang tao na yang kanin mo ah." ang sabing pabiro ni Arwin nang makita niya ang dami ng kanin na kinuha ko.

        "Adobo ang ulam Drop kaya wala tayong pakealamanan muna." ang sabi ko na parang sinaniban ng mga gutom na kaluluwa.

        "Grabe ka pala pag adobo na ulam nagiging orc ka." ang sabi niya at isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya at hindi niya nagawang tumawa, nang naramdaman ko na natakot siya ay ngumit ako sa kanya at ngumit na lang din siya.

        Isa pong nakakabusog na lunch ang naranasan ko sa mga oras na yon, super linis ng plato ko pwede na daw hindi hugasan sabi ni Arwin at aminado naman ako don.

        "Nabusog ka ba?" ang tanong sa akin ni Arwin na nakangiti.

        Hindi ako sumagot agad bagkus ay tumayo ako sa upuan ko at hinalikan ko siya sa labi, "Thank you sa napakasarap na adobo." ang sabi ko matapos ko siya halikan, hindi agad nakapagsalita ang mokong.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!