For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Rain.Boys Chapter: 11.1

5K 168 5

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        1AM ng bigla ako maalimpungatan, magkayakap kami ni Luke, ang cute talaga ng baby Drip ko matulog, pinagmasdan ko siya ng mga ilang minuto then I kiss him sa noo pababa sa lips aba hindi nagising pwedeng pwede gahasain he-he biro lang super ginagalang ko tong duwende na to kahit na lagi ko siya inaasar.

        Tinignan ko ang kamay niya upang tignan ang mga galos nito, "Kung hindi dahil sa akin hindi ka magkakaganito." ang bulong ko sa sarili ko, "I'm sorry Drip, I promise from now on poprotektahan na kita, hindi ko hahayaan na masaktan ka pa." ang sabi ko, alam ko sasabihin na naman ng duwende na to na makulit ako at wag ko sisihin ang sarili ko pero alam ko kasi sa sarili ko na hindi talaga maitatanggi na ako ang dahilan bakit siya sinaktan ni John, naaalala ko kung paano ako nabigla ng makita ko si John na sinasaktan ang precious Drip ko kaya nagmadali ako to save Luke sa nag-aamok na si John and after non nakaramdam ako ng takot na baka dahil dun panghinaan si Drip at isuko ang relationship namin pero nagulat ako dahil masmatapng pa siya sa akin at pinakita't pinaramdam niya na hindi niya ako isusuko and deep inside kinilig ako, tama siya sa sinabi niya kanina bago kami matulog na nobody can shake us as long that we believe and love each other, kaya Arwin kalma na tama na pagiging paranoid, ganito pala pagmahal mo na yung inaaalala mo nakakabaliw na pero ako ayos lang na mabaliw kung para naman sa duwende na tulog na tulog sa braso ko.

        Nakaramdam na din ako ng antok ulit sa sobrang pag-e-emote ko kaya naman hinalikan ko ulit sa lips ang baby Drip ko kasi tsak bukas pahirapan na naman ako makahingi o makanakaw ng halik pag gising nito he-he sulitin na ang pagkakataon. "I love you Drip! Sweet dreams." ang pabulong kong sabi, "I love you too Drop." ang sabi niya nagulat ako ng magsalita siya at ng tignan ko ay tulog pa din naman pala siya nakakatuwa kahit sa panaginip ako pa din pala ang pinagpapantasyahan he-he, pinagmasdan ko pa siya ng ilang sandali at mayamaya pa ay di ko na namalayang naktulog na pala ako.

<><><><><>

LUKE'S POINT OF VIEW:

        9AM na ng magising ako nasa tabi ko pa din ang mokong at tulog na tulog pa napagod talaga siya siguro kahapon, hindi na masakit ang kamay ko ang galing kasi ng personal doctor ko, hindi pa ako agad bumangon sinulit ko muna ang oras na yon na magkayakap kami pinagmasdan ko siya habang natutulog, oh my goldfish may anghel sa tabi syempre sa sarili ko lang yun mamaya pagsinabi ko ay umapaw pa lalo ang self confidence nito ayos na yung sinasarili ko na lang, bigla ko tuloy naalala yung panaginip ko na kasama ko si Arwin, hinalikan niya ako sa panaginip ko pero yung halik niya parang totoo talaga kahit sa panaginip puro halik talaga siya pero okay lang gusto ko din naman ha-ha, sshh secret lang ulit yon.

        Ilang sandali pa ng pagtitig sa muka niya ay hinalikan ko siya sa labi niya, "good morning!" ang pabulong kong sabi sabay ngiti, dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at dahan dahan din akong bumangon upang maiwasan na magising siya, "matulog ka lang diyan my knight in shining armor." ang sabi ko ng pabulong ng makababa na ako mula sa kama, dahan dahan ako lumabas na kwarto at nagdecide na doon na ako sa kusina gawin ang morning rituals ko baka kasi magising ko pa si Arwin.

        Nang makatapos na ako sa morning rituals ko ay nagdecide ako na mag-prepare ng breakfast, hep! Hindi nga pala ako sanay magluto so kinuha ko ang laptop ko at nag-google ako para humanap na no cook breakfast recipe and voila! ang dami ko nakita nung nakita ko pa nga lang yung mga pictures ay naggising ang mga alaga ko at nagsimula na namang mag-rally, pero natagalan medyo natagalan pa din ako humanap eh kasi naman yung mga ingredients na kailangan sa karamihan eh imported ano mangingibang bansa muna ako para makapag-breakfast lang? Pagkatapos ng ilang minutong pag-browse ayon nakakita ako at iyon ay ang walang kamatayang sandwich ha-ha grabe ako magpakahirap para sa sandwich, bukod sa sandwich ay nagdecide din ako gumawa ng berry smoothies pero dahil wala akong berries banana na lang ginamit ko pwede naman yun di ba?

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!