Rain.Boys Chapter: 12

5.2K 160 18

        Inubos namin ni Arwin ang mga nalalabing araw ng bakasyon ng magkasama, kung hindi naggagala ay tumatambay kami sa bahay ng isa't isa, foodtrip, laughtrip, soundtrip at siyempre hindi mawawala ang asaran namin at ang halik at ang hampas. Mas naging malapit din ako kay mommy Lucy, ang mommy ni Arwin, wala ako masabi sa pagturing niya sa akin na anak madalas nga na kampi kami sa pang-aasar kay Arwin eh, lagi pa akong busog dahil sa hilig ni mommy Lucy magluto.

        5AM nang tumunog ang alarm ko, oh my goldness June 3, 2013 na, means unang araw bilang college student, another year of studying. Agad ko kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko para i-text si Arwin, para ipagyabang na nauna akong nagising sa kanya pero anak ng umaga limang text messages agad ang nareceive ko sa kanya.

[FIRST MESSAGE]

Sender: Arwin 0905*******

Time Received: 4:00AM

'Good morning Drip! Tama na tulog first day of school na, I love you! Mag-text ka kaagad pagkagising mo.'

[SECOND MESSAGE]

Sender: Arwin 0905*******

Time Received: 4:15AM

'Wow, tindi ng duwende matulog, gising na uy baka naman tanghali ka na magising niyan, unang araw ng eskwela.'


[THIRD MESSAGE]

Sender: Arwin 0905*******

Time Received: 4:25AM

'Drip gising na maghahanda ka pa nang almusal mo, gagayak ka pa. Drip!!!'


[FOURTH MESSAGE]

Sender: Arwin 0905*******

Time Received: 4:30AM

'Drip tulog mantika ka talagang duwende ka, gising na.'

[FIFTH MESSAGE]

Sender: Arwin 0905*******

Time Received: 4:35AM

'Gagayak na ako Drip, mag-text ka kaagad paggising mo pasaway ka talaga. I love you!'

        Hindi ko tuloy maiwasan mangiti kay Drop akala mong flight sa eroplano ang hinahabol ang aga-aga pa kaya, kaya naman tinext ko ng isang nakakaiyak at makabagdamdamin na good morning si Arwin, naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya pero wala, naisip ko baka gumagayak pa siya kaya naman bumangon na ako baka mamaya ay mahirapan ako lalo labanan ang gravitational pull ng kama ko, babangon pa lang ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko si Arwin tumatawag at agad ko itong sinagot.

        "Good morning Drop, happy first day of school!" ang bati ko.

        "Anong good morning? Anong petsa na oh, kaw talaga." ang sabi niya na malakas.

        "Aray sakit sa ears ahh, June 3, 2013 ang petsa Drop, wala ka bang kalendaryo?" ang sagot ko na pang-aasar.

        "At namilosopo ka pang duwende ka." ang sabi niya na parang inis na.

        "Biro lang aga-aga pa oh." ang sabi ko.

        "Naku anong maaga, kung sa normal na tao, oo maaga pa pero sayo hindi eh kung gumayak ka kaya parang babae." ang sabi, so hindi ako normal? Konyatan ko kaya to? Ay hindi matangkad siya sa akin hindi ko abot hampas na lang ulit.

        "Ano? Kumilos ka na diyan, nandito ako sa labas." ang sabi niya at ako naman nagising ng bongga sa sinabi niyang yun at agad agad ako naghilamos at nag toothbrush at mabilis na nilabas si Arwin, take note naka pajama pa ako nun.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!