Rain.Boys Chapter: 24

3.5K 133 1

        Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko na binanggit kanino man o kahit kay Arwin ang tungkol kay Eunice na siya pa lang impaktang nagpakana ng muntik ko ng ikamatay noong acquaintance party. Minabuti ko na lang ilihim tama na yung ako na ang gumawa ng way para makaganti para sa akin wag lang niya talaga ako susubukan ulit dahil by the next time mararamdaman niya ang bangis ko.

        July 22, 2013, Lunes, maaga kaming nakapasok ni Arwin noong araw na yon, parehas kasi kaming may naka-schedule na long quiz sa umaga ding yon. Pagkahatid sa akin ni Arwin sa room ko ay agad na siyang umalis, nakalimutan niya yung kiss pero yun ang akala ko dahil humihingal na bumalik ang mokong para lang makuha niya ang kiss niya, ibinigay ko na para hindi na siya mahuli pa.

        "Kita tayo mamaya Drip!" ang sigaw ng mokong habang tumatakbo palayo.

        Tumango lang ako bilang pagsang-ayon at kumayaw sa kanya at ngumiti, nang hindi ko na siya matanaw ay pumasok na agad ako sa room, wow ang aga ko ata talaga dahil ako lang ang tao sa room ng oras na yon, another achievement by me oh my oh my. (*_____*)

        "Ay anak ng oh my!" ang nasabi ko ng may kumalabit sa akin. Humarap ako upang tignan kung sino, si Russel pala, pero pagharap ko ay sobrang lapit na pala niya sa akin dahilan para magdikit ang katawan namin sa pagtatangka ko na umiwas ay na-out of balance ako at aktong tutumba na ako nang bigla ako kabigin payakap ni Russel.

        "Ano ayos ka lang Luke?" ang tanong ni Russel habang nakayakap pa din sa akin.

        "Ah, oo ayos lang ako." ang sabi ko at ako na ang kumawala sa yakap niya, "Salamat." ang dagdag ko.

        "Wala yon, ang aga eh lutang ka, kumain ka na ba?" ang sabi ni Russel ng pabiro sabay ngiti.

        "Sira, namangha lang ako kasi ako ang nauna sa atin ngayon dito sa room di ba kasi kadalasan ay nandito na kayo bago ako dumating. Oo kumain na din ako kailangan na busog para makasagot mamaya sa quiz ni Sir Leo." ang sagot ko.

        "Naku ayan na naman kayong dalawa, ang agang landian ah." ang sabi ni Kris ng dumating makita kaming nag-uusap ni Russel, woah de javu!

        "Ha-ha landian agad? Sira ka din manang mana ka dito kay Russel." ang pabiro kong sabi.

        "Hala baka sayo nagmana si Kris." ang depensang pabiro nito.

        "Okay okay wala na ako pinagmanahan sa inyo." ang sabi ni Kris at nagtawanan kami, "Naku tara na nga at pumasok na tayo, ikaw Russel ah hyper ka ngayon, naka katol ka no?" ang dagdag na biro ni Kris.

        "Hindi ah naamoy ko lang si Luke kaya ako ganito." ang sabi ni Russel.

        "Hala ano ako drugs?" ang sabi kong pabiro, ang ganda ng umagang yon dahil that time ko lang nakitang nakipagbiruan si Russel ulit ng ganon after niya ipagtapat sa akin yung feelings niya, at yung ngiti niya talaga ng umaga na yon ay kakaiba mas bumabagay sa kanya kesa sa mga nagdaang araw na halos poker face na siya.

        "Oh tama na yan pumasok na kayo at baka magkaayaan na naman kayong dalawa kung saan." ang sabi ni Kris na ang tinutukoy ay baka mag-aya na naman si Russel sa rooftop.        

        "Ha-ha loko, sige tara na nga." ang sabi ni Russel, at sabay sabay na kaming pumasok sa room.

        "Mukang maganda talaga ang mood mo ngayon ah." ang sabi ko kay Russel nang makaupo na ako.

        "Oo ikaw una ko nakita eh, tsaka naamoy pa kita." ang sabi ni Russel.

        "Ha-ha pasaway, tumigil ka na nga sa mga banat mo." ang sabi ko, habang nilalabas ang notebook ko para mag-revise ng mga nireview ko.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!