Rain.Boys Chapter: 6.1

9.8K 347 29
                                    

        7AM, May 25, 2013, Sabado, heto na yung araw na pupunta ako kila Arwin, pero hindi ko naitanong kung anong oras niya pala ako susunduin, mamaya bigla na lang manundo ang mokong eh hindi pa ko nagayak.

        Nakahiga pa din ako ng mga oras na 'yon sa kama ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito mula sa ulunan ko sa ilalim ng unan ko, may text at galing ito kay Arwin kaya binasa ko na agad ito:

        'Best friend 'wag mo kakalimutan ha, mga 5Pm susunduin na kita diyan, excited na excited na si Mommy. Hindi ka na din pwedeng umatras pa, siya nga pala good morning, kumain ka na diyan.'

        Hindi ako nagreply kay Arwin, masama pa din ang loob ko sa sobrang pagka-disappoint, oo alam ko sobrang arte ko na kahit wala naman talaga ako karapatan na magtampo sa kanya, pero hindi ko lang matanggap na hindi pa nga nag-uumpisa ang kwento namin natapos na agad sa pagiging mag-best friend namin, kainis. Naalala ko bigla yung sulat na pinabibigay sa 'kin ni John, bumangon ako ako para kunin ito sa drawer ko.

        "isa pa 'tong sulat na 'to, ano akala niyo sa 'kin kartero?" ang sabi ko habang binabalibaliktad ang sulat, sa isip ko nun ay baka isa itong apologizing letter at humihingi si John ng second chance kay Arwin, ay naku hindi pwede 'to ha-ha manabotahe daw ba, siyempre biro lang yun, pero pumasok sa isip ko na buksan ang sulat pero hindi ko pa din ginawa dahil alam ko naman na mali na 'yon hindi porke't epic failed ako ay gagawin ko manira ng diskarte ng ibang tao, kaya nahiga ulit ako sa kama ko hawak ang sulat at tinignan tignan ulit ito.

        Mayamaya ay tumunog na naman ang cellphone ko, si Arwin na naman, tumatawag naman siya ngayon, agad ko na itong sinagot.

        "Hello?" ang bungad kong sabi.

        "Good morning! Nakakatampo ka naman gising ka na pala hindi mo man lang ako ni-reply-an sa text ko sa'yo." ang sabi ni Arwin pero halatang masaya ang boses.

        "Ah pasensiya naman kagigising ko pa lang kaya, ano babasahin ko 'yon ng nakapikit ako?" ang sabi ko.

        "Hala ang sunget niya oh." ang sabi niya.

        "Ha-ha biro lang, pasensiya na  sa totoo lang hindi pa ako nagbabasa ng messages." ang sabi ko kahit na nabasa ko na talaga yung text niya.

        "Messages? Wow ang daming ka-text ah? Kanino naman galing? Kay Von ba?" ang pag-uusisa niya.

        "Heto naman kung makausisa parang may something ah, hindi 'no galing sa boyfriend ko." ang pabiro kong sagot.

        "Hala may boyfriend ka na?" ang sabi niya.

        "Oo may boyfriend na ko yung network na gamit ko, dami ngang promo na ino-offer sa 'kin ha-ha, natural biro lang 'yon sabi ko nga sa'yo isa akong dakilang NBSB." ang sabi ko.

        "Ha-ha wow at talagang pinagmalaki mo ang pagiging NBSB mo. Sige nga ipakilala mo ako sa boyfriend mo na 'yan ha-ha." ang pabiro naman niyang tugon.

        "Sige ba bigay ko sa'yo number gusto mo mag-text ka'yo magdamag." ang sagot ko.

        "Teka nga Luke bakit parang matamlay ka yata? May sakit ka ba? Kumain ka na ba?" ang tanong niya ng may pag-aalala, nagulat ako na napansin niya pa 'yon kahit na pilit ako na nakikipagbiruan sa kanya, may pagka-psychic ata 'tong si Arwin.

        "Matamlay? Hindi kaya, okay lang ako wala akong sakit, oo hindi pa ako nakakain kasi nandito pa ako sa kwarto ko at nakahiga pa pero okay lang ako." ang sagot ko.

        "Hay ikaw talaga." ang sabi niya at biglang naputol yung tawag, nakaramdam ako ng pag-aalala dahil baka nagalit siya sa 'kin 'yon ang naisip ko na dahilan kung bakit niya ibinaba ang tawag.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon