Rain.Boys Chapter: 31.1

3.1K 131 10

        Kinabukasan ay maaga din akong pumasok pero hindi katulad ng nagdaang araw iba na ngayon dahil taken na ako, I was in a relationship again, naglalakad na ako papuntang terminal noon ng mapatingin ako sa kaliwang kamay ko at makita ko ang singsing na binigay sa akin ni Arwin.

        Huminto ako sandali medyo para akong tanga sa daan na nakatingin lang sa singsing, hanggang sa makapagdecide ako na tanggalain na ito, nang matanggal ko ay itatapon ko na sana pero noong aktong itatapon ko na may kung ano sa katawan ko ang pumipigil sa akin kaya naman ginawa ko siyang pendant na lang din ng necklace na binigay sa akin ni Arwin, nang matapos ko yon ay nagpatuloy na ako, nang ginawa ko yon ay parang a part of me still saying na I must keep believe, pero ang tanong ko, I must believe in what?

        Nang makarating ako sa university at nang makapasok sa room ay agad ako sinalubong nila Francis ng yakap.

        "Girl congrats!!!!" ang sigaw ni Francis sa galak.

        "Congrats saan? Dahil ba sa naging kami ni Russel? Kung dahil doon maraming salamat." ang sabi ko.

        "Isa yon sa dahilan." ang sabi ni Kris.

        "Isa sa dahilan?" ang tanong ko na may pagkalito, "Anong ibig mo sabihin?" ang dagdag kong tanong.

        "Napili ka kasi ng College natin as the representative ng mga Freshman sa darating na Mr. and Ms. Campus 2013." ang sabi ni Clarence.

        "Wha-wha-WWWWWWHHHHAAAAATTTTT!!!!!!" ang sigaw ko, "ba-ba-bakit ako, bakit hindi si Russel? Ang daming gwapo diyan bakit ako?" ang sabi ko ng madinig yon.

        "Nagbotohan kasi nagulat din kami kasi tinalo mo si Russel sa botohan ng 1point kahit yung ibang section ikaw din ang binoto at bawal daw tumanggi." ang sabi ni Kris.

        "Wag ka na mag-alala susuportahan ka namin, promise hindi ka namin iiwan we are always at your back lalo na ako." ang sabi naman ni Russel.

        "Alulu dumadamoves ka na naman." ang sabi ni Francis. "Pero tama si Papable Russel girl we are here to help at tsaka alam namin na may laban ka remember kami ang nag-ayos sayo before noong acquaintance party." ang dagdag pa nito.

        "Pero, ang gara naman bakit ako agad?" ang tanong ko ulit.

        "Ayaw mo ba? Sige sabihin na lang natin na ayaw ng manok natin, sino na lang kaya ang tatalo kila Eunice at Arwin ngayon." ang sabi ni Clarence.

        "Teka kasali yung dalawa?" ang tanong ko.

        "Oo girl kasali sila, mukang yon din ang dahilan ng iba kaya binoto ka para paglabanin kayo." ang sabi ni Francis. "Ano payag ka na?" ang dagdag na tanong niya.

        "Sige! Payag na ako, lalampasuhin natin yang mga yan papakita ko sa kanila ang bagsik ko." ang sabi ko.

        "Girl pageant yon hindi boxing." ang pabirong sabi ni Francis.

        "Basta we're here, go lang ng go." ang sabi naman ni Kris.

        "Ako na bahala sa foods mo pag nag-diet ka." ang dagdag ni Chini.

        "Gaga ikaw ang mag-diet laking bulas mo na oh ha-ha." ang biro ni Francis.

        Huminto lang kami sa usapan ng pumasok na ang professor namin, wala sa klase ang utak ko dahil iniisip ko pa din kung paano ko lalampasuhin sila Arwin, ewan why do I suddenly get the urge na matalo si Arwin sa pageant na yon? Height pa lang nga talo na ako, si Arwin nga ba talaga ang gusto ko lampasuhin o si Eunice?

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!