Rain.Boys Chapter: 3

11.9K 297 17

        Sandali lang nagkausap sa cellphone sila Arwin at Best John, mukhang may napagkasunduan naman sila, at ilang sandali pa ay ibinaba na ni Arwin ang tawag.

        "Ano, susunduin na ba na'tin si Best?" ang tanong ko sa kanya.

        "Hindi na, mamayamaya uuwi na din daw siya, at may kasama daw siya, ang sabi niya surpresa niya sa'yo yung kasama niya." ang sabi sa 'kin ni Arwin, at napansin ko na parang napasimangot siya.

        "Oh bakit parang napasimangot ka diyan?" ang usisa ko.

        "Ah wala, ang sabi mo kasi kanina walang nanliligaw sa'yo tapos biglang may tao na surpresa para sa'yo si John." ang sagot niya na nakasimangot pa din.

        "Wala talagang nanliligaw sa'kin, kaya ka ba nakasimangot dahil lang do'n? Don't worry hindi naman ako sinungaling na tao, baka pakulo lang ni Best 'yon kasi kahit nga ako wala akong alam sa sinasabi niya." ang sabi ko.

        "Sigurado ka?" ang panigurado pa niya, at tumango ako at bumalik na ang ngiti sa mukha niya.

        Medyo lumalakas pa ang ulan pero wala pa din si John, nanonood na lang kami, hindi na din kami nag-uusap ni Arwin.

        Tumingin ako kay Arwin, nakatulog na pala ang mokong kaya naman pala hindi na siya nagsasalita.

        "Ang cute pala niya, para siyang anghel pag tulog, teka ano ba 'tong iniisip ko, 'di pwede 'to, hindi pwede na magkagusto ako sa kanya, erase, erase, erase." ang bulong ko sa sarili ko, pero nakatitig pa din ako kay Arwin, hindi nakakasawang titigan ang mokong, alam ko na mali na 'to pero tinitignan ko lang naman siya, hanggang doon lang, mayamaya nagising si Arwin at nakita niya na nakatitig ako sa kanya.

        "Kanina mo pa ba ako tinitignan habang natutulog ako?" ang tanong niya sa 'kin.

        "Hindi ah, nnapatingin lang ako, sakto lang na nagising ka, assuming ka masiyado." ang depensa ko.

        "Ah, ganda ng palabas 'no?" ang sabi niya.

        "Oo ang ganda nga, napatingin lang talaga ako sa'yo, tara nood tayo." ang sabi ko, pero pagtingin ko tapos na pala at hindi ko namalayan, napatingin ako sa kanya at tumatawa ang mokong. Mayamay ay kumatok sa pinto, bago pa ako makatayo ay si Arwin na ang tumayo para buksan ang pinto. Hindi ako maka-get over sa nangyari, nahalata niya kaya? siguro hindi naman at isip pa din ako ng isip at dumating na nga si John.

        "Best, nandito na ako pasensya na kung natagalan, namili na din kasi ako ng lulutuin for the lunch na'tin, pero heto ang surprise ko, CHARAN!" ang sabi ni Best at pumasok si Von dala ang mga pinamili nila.

        "Na-surprise ka ba Best?" ang tanong ni John, pero hindi ako nakapagsalita dahil sa hindi ako na-surprise talaga.

        "Ay siya nga pala, Von, si Arwin ang boyfriend ko, at Arwin, si Von, future boyfriend ni Best." ang pagpapakilala ni John sa dalawa.

        "Adik ka Best, ano ba 'yang sinasabi mo?" ang sabi ko dahil sa hiya pero napansin ko na masama ang tinigin ni Arwin kay Von, napatingin si Arwin sa 'kin at nakasalubong ang kilay, habang si Von ay nakatingin sa 'kin at nakangiti naman. 

        Dinala namin sa kusina ang mga pinamili nila John.

        "Ano ba ang lulutuin mo Best?" ang tanong ko sa kanya.

   "Tutal naman umuulan, masarap kung may sabaw kaya naisip ko na magnilaga, tapos magsopas tayo para sa miryenda." ang sagot ni John.

        "Uhm sige Best tutulong ako sa'yo." ang sabi ko.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!