Rain.Boys Chapter: 26.1

3.5K 130 4

        Thursday, 2:00AM, July 25, TRIP DAY namin for the Art Exhibit at higit sa lahat mas importante kesa sa epal na exhibit na yon ay 2nd MONTHSARY NA NAMIN NI DROP!!!!!

        Maaga ako gumising ngayong araw hindi dahil excited ako sa trip kundi excited lang ako i-greet si Arwin para sa 2nd Monthsary namin, for sure kasi tulog pa yung mokong na yon kaya naman I will take this opportunity para ipabatid sa kanya how thankful I am.

        Kinuha ko ang cellphone ko saan pa eh di sa ilalim ng unan ko, yakap yakap si Arluke, yung teddy bear na binigay sa akin ni Arwin ay agad akong nag-type ng message para sa kanya:

Happy 2nd Monthsary and good morning sa pinakamamahal ko na Kapreng Hilaw!

Alam ko tulog ka pa sa mga oras na to Drip and I want to take this opportunity para

magpasalamat for always being there for me, for the care and affection, for making

me feel so special at all times, for always making me feel that I am the only for one

you which is dapat lang kung hindi ibabaon kita sa lupa ng buhay. At siyempre most

of all gusto kong magpasalamat sa pagmamahal na ibinigay, ibinibigay, ibibigay,

pinaramdam, pinaparamdam, at ipaparamdam mo sa akin, you are the only person

that I want to be with until sa pagtanda kaya walang susuko no matter what happen

kaya natin to as long we are together. HAPPY MONTHSARY AND I LOVE YOU DROP!

Mamimiss kita today kasi hindi man lang tayo magkakasama, magpakabait ka ah.

I LOVE YOU! MWAH! MWAH!

       
        Nang matapos ko i-type ang maala nobela kong message para kay Arwin ay agad ko itong sinend sa kanya, double send pa nga ang ginawa para sure na sure.

        Ilang minuto after ko i-send ang message ko kay Arwin ay tumunog ang cellphone ko, si Arwin tumatawag, aba ang aga naman atang magising ng mokong na to.

        "Hello!" ang bungad kong sabi.

        "Happy 2nd monthsary sa atin Drip." ang bati ni Arwin.

        "Happy 2nd monthsary din Drop, nabasa mo ba yung message ko?" ang tanong ko bilang paninigurado kung nareceive nga niya ang text ko.

        "Oo nareceive naiyak nga ako sa haba eh akala ko nagbabasa ako ng 7 series ng Harry Potter." ang biro ni Arwin.

        "Nakakainis ka naman hindi mo man lang naappreciate yung effort ko." ang sabi ko na kunwaring nagtatampo.

        "Ha-ha joke lang na-touch nga ako eh, okay na ba ang pagmamahal ko bilang reply sa mahaba mong mensahe?" ang sabi ng mokong.

        "Okay na okay." ang sagot ko.

        "Teka bakit ang aga mo atang nagising may lakad ka din?" ang tanong ko sa kanya.

        "Wala gusto lang kita makausap at least before ka pumunta sa pupuntahan niyong art exhibit ay ma-inspire ka man lang sa boses ko." ang sabi ni Arwin.

        "Wow ah bakit may words of wisdom ka bang sasabihin at kung makasabi ka ng salitang inspire diyan ay wagas." ang sabi ko at mayamaya pa ay may nadinig ako sa background na gitara at bigla siyang kumanta, ano pa ang paborito naming kanta at theme song namin ang walang kamatayang "I'll Be" pero this time sariling version niya.

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!