Rain.Boys Chapter: 33 <>Finale<>

4.6K 155 20

        Mabilis na lumipas ang mga araw ng rehearsal, nasaayos ko na din lahat ng mga gagamitin ko para sa pageant sa tulong na din nila Francis. Today will be our last rehearsal for the pageant kaya kailangan pulido na ang lahat at naging dragon na din ang mga organizers to tell us na last na to bukas pageant night na, pero pwede naman nila sabihin di ba ng mas mahinahon kesa yung kulang na lang bumuga sila ng apoy.

        Pero sa totoo lang hindi ko naman inaalala yung pageant, nawalan na din nga ako ng interes dito dahil nga sa magka-good na kami ni Eunice plus the fact na wala naman palang something sa kanila ni Arwin, at tsaka yung sinasabi ko na hatred na meron ako kay Arwin mukang nawala na din, or wala naman talaga noong umpisa pa lang, pero magkaganon man things have changed dahil never na kaming magkakabalikan ni Arwin dahil sa sitwasyon namin or should I say sa sitwasyon ko ngayon.

        "Mr. Japan! ano ba yang ginagawa mo ikaw lang ang iba ang step na ginagawa, ano ba naman yan." ang sigaw ng Choreographer ng makita ang saliwa kong steps, grabe ah bibitayin ka na ba bukas at ganyan ka maka-react, etchoserang to.

        "Sorry po." ang sabi ko.

        "Oh sige simulan na from the top ulit!" ang sigaw ng dragonesang choreographer, bakit ba kayo nagpapaka-stress out halow bukas pa ang pageant hindi mamaya pero ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin dahil sa pinaulit ang gawain mula umpisa ng dahil sa akin, okay, okay ako na may sala bitayin niyo na ako.

        At nag-umpisa na nga ang rehearsal namin, buong araw rampa dito rampa doon, sayaw dito sayaw doon, pakilala dito pakilala doon ang ginawa namin shoot, nakakapagod, pwede na ba mag-back out ha-ha pasaway lang kung kelan bukas na ang pageant tsaka magba-back out baka katayin ako ng mga nandito pag ginawa ko yon.

        "Ayos ka lang ba?" ang sabi ng lalaki sa tabi ko.

        "Ayos lang ako medyo napapgod lang ako." ang sabi ko at napakapit ako sa braso niya dahil halos sumobsob na ako kakahabol ng hininga dahil sa pagod, at bigla ako napabitaw at nabuhayan ng maalala ko na ang katabi ko sa linya ay si Arwin.

        "Sorry." ang sabi ko.

        "Sorry saan?" ang tanong ni Arwin.

        "Sa pagkapit ko sayo." ang sabi ko.

        "Ayos lang kahit wag ka na bumitaw kung gusto mo, Luke..." ang sabi niya.

        "Oh sige mag-start na ulit tayo." ang sabi ko para tapusin ang usapan namin.

        Nagsimula ulit kaming mag-rehearse pero that time napansin ko na tumitingin sa akin si Arwin, ngumiti siya sa akin pero inirapan ko siya sa halip na ngitian tapos maya maya ay ng tumingin ako sa kanya bumulong siya ng I love you Luke at napahinto ako sa ginagawa kong pagsayaw at ano pa nga ba napuna na naman ako ng choreographer namin buti na lang talaga hindi bumubuga ng apoy to kung hindi tiyak kanina pa ako tustado dito.

        Natapos ang huling araw ng rehearsal ng matiwasay na puro ako lang ang nasasabon ng mga organiser, teka di ko naman kasalanan yon pero ako ang nakita nila eh kaya no choice ako kung hindi maging isang guilty na inosente pero nangyari na eh ano pa magagawa ko.

        "Sabay ka na sa akin umuwi." ang sabi ni Arwin habang inaayos ko ang mga gamit ko.

        "Hindi na salamat na lang." ang sabi ko.

        "Pero magdidilim na oh, delikado na sa daan." ang sabi sa akin ni Arwin, "don't worry hindi kita aasarin, haharuti, o kukulitin pa na hiwalayan mo si Russel." ang sabi pa niya, nang sabihin niya yon ay tila nanghina ako ng di ko alam, tila ba parang tuluyan na nga akong sinukuan ni Arwin, pero ayon naman ang dapat di ba pero bakit parang hindi ako masaya? Ayon ang gusto ko di ba ang tigilan niya ako pero bakit hindi ko masabi na mabuti ang desisyon niyang yon?

Rain.BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!